KABANATA 6

2835 Words
KABANATA 6 “Detective, what happened?” pagtatanong ni Dylan sa detective na nasa kanyang harapan. Halos isang linggo na rin simula noong nawala ang kanyang asawa. Halos isang linggo na niyang hindi nakikita o nakakausap man lang ang kanyang asawa. Hindi niya alam kung nasaan ito, hindi lang ang kanyang asawa kung hindi maging ang kanyang magiging anak.  “Mr. Silverio, me and my team, we were doing our best so we could find your wife.” Sagot ni James. Ang naatasan na maging detective sa pagkawala ng kanyang asawa.  “Is that your best already?” inis na sambit ni Dylan. Hindi maiwasan na mainis ni James sa kaibigan, alam niyang kailangan niyang maging professional dahil kliyente niya ngayonsi Dylan at hindi bilang kaibigan.  “Your wife disappeared out of nowhere,” sagot ni James. Halos ulit-ulitin na niya ang sinabi niyang iyon, hindi na nga niya alam kung pang-ilan beses na niyang sinabi iyon sa linggong paghahanap nila sa asawa ng kanyang kaibigan.  “It’s been a week, James.” sambit ni Dylan na tila nawawalan na ng pasensya dahil mag-ina na niya ang nakasalalay dito. Buhay ng kanyang mag-ina ang pinag-uusapan hindi nang kung sino mang tao. Alam niyang nagkaroon siya ng pagkakamali sa pagtatalo ng kanyang asawa, handa naman siyang humingi ng tawad dahil hindi naman niya matitiis si Chaaya pero bigla na lang siyang naglaho pagkatapos ng kanilang pag-aaway.  Napaupo si Dylan sa kanyang office chair habang hinihilot ang kanyang sentido, sinenyasan naman ni James ang kanyang mga tauhan para lumabas sa kanilang opisina dahil tingin niya ay hindi na sila mag-uusap bilang propesyonal kung hindi bilang magkaibigan. Magkaibigan na sila simula noong high school dahil magkakilala ang kanilang pamilya, nahiwalay lang sila noong college dahil nag-stay sa Manila si Dylan habang si James naman ay sa Baguio nag-aral.  “Ano ba talagang nangyari?” pagtatanong ni James sa kanyang kaibigan dahil hindi pa sinasabi ni Dylan sa kanya kung ano ang nangyari at kung bakit madaling-araw ay bigla na lang tumatawag ang kanyang kaibigan at hindi niya mahanap ang kanyang asawa. Hindi pa nga siya nagpakasal dahil ayaw niya ng ganitong problema pero mukhang wala siyang choice dahil trabaho niya ito at kaibigan niya si Dylan.  Ayaw sabihin ni Dylan ang pagtatalo nilang mag-asawa. Ang alam lang ng pamilya ni Chaaya ay may hindi sila pagkakaunawaan kaya naman nagbabakasakali sila noong una pa lang na baka kailangan lang ng kanilang anak ng space at oras para makapag isip-isip malayo sa kanyang asawa pero nang ilang araw na siyang walang paramdam at hindi na ma-contact ang kanyang mga numero maging ang kanyang mga social media accounts ay doon na sila nag-alala lalo na’t buntis ang kanilang anak.  “We fought,” tanging sagot lang ni Dylan sa t’wing may nagtatanong kung ano ba ang nanyari sa kanilang dalawa kung bakit nawala na lang ang kanyang asawa.  Ayaw siyang tulungan ng mga pulis dahil ang suspetya nila ay tumakas lang ang kanyang asawa sa kanilang pag-aaway. Wala rin kung ano man ang balita tungkol sa kanya, wala rin tumawag o nagpadala ng mensahe na na-kidnap ang kanyang asawa kaya naman tinawagan na niya ang kanyang kaibigan dahil wala na siyang oras pang makipag-usap sa ibang tao kung hindi din naman siya matutulungan.  “Hindi siya umalis ng bansa,” wika ni James. Tumango siya dahil nasa kwarto nila ang kanyang passport kaya malabong nakaalis siya ng bansa. “Wala ring record na umalis siya sa bansa.” kahit na nagpagawa pa siya ng bago niyang passport ay wala namang record sa airport na lumipad siya paalis ng bansa.  “Hindi rin siya tinago ng kanyang mga magulang,” tumango si Dylan dahil araw-araw na siyang kinukulit ng ina ni Chaaya kung may balita na ba sa anak niya pero kagaya ng lagi niyang sinasagot sa isang linggo ay wala siyang ano mang balita sa kanyang asawa. Kita niya ang pag-aalala sa magulang ng kanyang asawa kaya naman imposibleng tinulungan nilang makatakas si Chaaya.  Maging ang kanyang mga magulang ay araw-araw siyang sinesermunan sa biglaang pagkawala ng kanyang asawa. Alam niyang nag-aalala din ang mga magulang nila kay Chaaya at sa magiging apo nila. Iyon ang kauna-unahan nilang apo kung sakali kaya naman excited ito sa kanilang apo. Kaya ganon na lang din ang kagustuhan ni Dylan na magpahinga na muna si Chaaya sa pagtatrabaho dahil baka mapano siya at mapahamak silang pareho ng bata sa sinapupunan niya.  Pero hindi niya alam na ikakasama pala iyon ng kanilang pagsasama. Alam niyang mali ang approach niya dahil na rin siguro may kailangan siyang ma-close na deal na pahirapan naman talagang makakuha ng deal sa pamilyang iyon pero alam niya na kapag na-close na niya ay sigurado na hindi babagsak ang kanilang kumpanya at hanggang sa magiging apo niya sa talampakan ay magiging laki sa layaw.  “Wala ka ba talagang alam na iba pang mapupuntahan niya pwera sa mga lugar na binigay mo na sa amin?” pagtatanong ni James sa kanyang kaibigan dahil maging siya ay nahihirapan sa paghahanap kay Chaaya. Lalo siyang na-challenge sa paghahanap dahil malinis ang pagkakatago ng dalaga.  “Magaling magtago si Chaaya,” sambit ni James dahil sa mga ganitong kaso ay kaagad niyang nahahanap kung nagtatago man nga ang isang tao. “At hindi man lang niya gamit ang kanyang mga cards, wala man din suspicious na transaction sa bank niya na handa siyang magtago o umalis.” Mariin ang pagpikit ni Dylan dahil halos masiraan na siya ng bait.  Hindi niya pwedeng iwanan ang kumpanya dahil dalawang kumpanya ang umaasa sa kanya. At ang dalawang kumpanyang iyon ay maraming mga trabahador, hindi niya pwedeng iwanan ng ganon lang ang napakaraming pamilya. Pero pamilya naman niya ang usapan, hindi na niya alam ang gagawin niya kung kaya niya bang iwanan ang halos isang libong pamilya na umaasa sa kanilang kumpanya o kaya niyang maghintay hanggang sa makabalik ang kanyang sariling pamilya.  “I don’t know what to do anymore,” sambit ni Dylan dahil totoong naiipit na siya sa sitwasyon. Sinisisi na siya ng kanyang mga magulang at alam niya na kahit hindi kumikibo ang mga magulang ni Chaaya ay sinisisi na rin siya nangyari pero kailangan niya pa rin maghanda para sa deal na kailangan i-close ng kanilang kumpanya.  Ipit na ipit na siya sa sitwasyon, kung nandito ang asawa niya alam niya na sasabihin sa kanya ni Chaaya na mas mag-focus siya sa deal na kailangan niyang makuha dahil ganon ka career-oriented ang kanyang katipan. Gusto niyang sundin kung ano man ang naiisip niyang sasabihin ng kanyang asawa pero gusto din naman niyang hanapin ang kanyang mag-ina. Ang inaalala niya lang ay kapag pumalpak siya sa deal dahil nag-focus siyang hanapin si Chaaya at kapag bumalik siya ay magalit lang ulit ito sa kanya dahil hindi niya nakuha ang deal na kanilang inaasam noon pa man.  ~ Dahil masama ang pakiramdam ng ina ni Chaaya ay wala siyang magawa kung hindi maglakad ng mag-isa papunta sa mansyon ng mga Agravante para sabihin sa mayordoma nilang si Amelia ang kalagayan ng kanyang ina. Kakatapos niya lang bigyan ng gamot ang kanyang ina at ang kapatid naman niyang si Suzzie ang nagluto dahil hindi naman siya marunong non.  “Ipagpapaalam ko lang po ang aking ina dahil may sakit siya at hindi niya po kayang pumasok ngayon sa trabaho para maglinis. Tinatrangkaso po kasi siya.” sambit ni Chaaya sa mayordoma. Hindi naman siya ganon kahigpit kapag kausap siya, mahigpit lang siya kapag usapang trabaho na ang kanilang pinag-uusapan.  “Ganon ba? Sige, ayos lang at mukhang kaya naman ng mga tauhan ang maglinis dito sa mansyon kaya pwede mo namang alagaan ang ina mo.” Wika ni Amelia sa dalaga dahil mukhang kailangan din ni Susan ang mag-aalaga sa kanya.  “Alaga? Sino?” hindi masyadong narinig ni Lucas ang usapan ng dalawa at alagaan lang ang kanyang narinig. Kakagising niya lang at nakaligo na rin siya. Nakasuot lang siya ng jogging pants tiyaka ng kulay puting t-shirt. “Ate Aya!” masayang bati niya nang makita niya ang dalaga kaya napangiti si Chaaya sa bibong bati na iginawad sa kanya ng binata.  “Senyorito,” bati ni Chaaya kaya sumimangot si Lucas, alam ni Lucas kung sino talaga si Chaaya dahil sa kanya lang naman nagsasabi ng sikreto si Suzzie, maging siya ay sa dalaga lang nagsasabi ng sikreto. Pero dahil sa tawag sa kanya ni Chaaya ay para bang totoong magkapatid ang dalawa dahil sinabi na niya kay Chaaya na huwag syang tawagin na ganoon pero iyonpa rin ang tinawag niya. “Sinong aalagaan mo, ate?” pagtatanog ni Lucas. Napatingin si Chaaya kay Amelia dahil baka magalit siya na casual silang nag-uusap ng senyorito. Hindi niya alam kung alam ba ni Amelia na magkaibigan sila ng kanyang kapatid kaya ganon na lang ang usapan nila, na casual sila sa isa’t-isa. “Ah si nanay, may trangkaso kasi siya ngayon. Wala siyang makakasama sa bahay dahil sasamahan ni Suzzie si tatay sa palengke para magbenta ng mga isda.” daig pa ng kape ang gumising kay Lucas nang marinig niya ang pangalan ni Suzzie.  “Sasama ako!” mabilis na sabi ni Lucas. “Kuhanin ko lang ang cellphone at wallet ko, ate!” nagulat si Chaaya sa reaksyon ng senyorito kaya hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan habang nagmamadaling umakyat si Lucas para makuha niya na ang kanyang gamit. Napailing na lang si Amelia dahil sa isa niyang alaga.  “Sige at maiwan na muna kita rito dahil paghahanda ko pa ng agahan ang senyorito Lucius, hindi pa nag-agahan si senyorito Lucas kaya sana ay isali niyo siya sa agahan niyo.” sambit ni Amelia kay Chaaya kahit na alam naman niyang papakainin ang kanyang alaga ay gusto niya lang paalalahanan ang dalaga na hindi pa kumakain ang bunso niyang alaga.  “Si-sige po,” kinakabahan na sagot ni Chaaya. Hindi niya alam kung bakit siya biglang kinabahan nang marinig niya lang ang pangalan ng panganay na anak ng Senyora.  Naging balisa tuloy siya sa paghihintay dahil kinakabahan siya na baka ang panganay na anak ang susunod na lumabas ng bahay o bumaba sa hagdan at kitang-kita niya ang magara nilang hagdan dahil nasa pinaka-pintuan siya ng mansyon dahil doon niya nakita si Amelia na nagkakape habang pinagmamasdan ang mga trabahante. Nang nasilayan na niya ang pagbaba ni Lucas ay medyo kumalma na ang kanyang sistema kaya napangiti na siya.  “Magpahatid na tayo sa inyo ate para hindi ka na mapagod,” sambit ni Lucas tiyaka niya tinawagan si Mang Kano, ang isa nilang driver para maihatid sila sa kanilang bahay. “Baka pagalitan ako ni kuya kapag nalaman niyang pinaglakad kita.” natatawang wika ni Lucas habang papasok sila sa sasakyan nilang jeepney wrangler. Kumunot ang noo ni Chaaya dahil hindi niya alam kung ano ang gustong ipahiwatig ng Senyorito sa kanyang sinabi at mas minabuti niya pang huwag na lang itanong iyon para sa ikakapag-kalma ng kanyang dibdib.  Marami ang kinukwento ni Lucas tungkol sa kanilang dalawa ng kapatid niyang si Suzzie. Masaya si Chaaya na nakikinig sa Senyorito dahil hindi niya matandaan ang mga eksena na ganon, alam niya na kinuwento sa kanya ni Suzzie noon ang mga ginagawa niya sa paaralan kasama ang kanyang mga kaibigan ang kaso nga lang ay nakalimutan ni Chaaya iyon dahil sa natamo niyang aksidente.  Nakokonsensya siya na hindi man lang niya matandaan kung ano man ang kinukwento ng kanyang kapatid noon. Ramdam naman niya na close sila ng kanyang kapatid kaya sigurado siyag nakukuwentuhan sila sa mga bagay-bagay. Naisip niya tuloy kung ano kaya ang sikreto na sinasabi nila sa isa’t-isa?  Pero sa kaisipan na iyon ay bahagyang kumirot ang kanyang ulo kaya sandali siyang pumikit ng mariin bago dumilat ulit. Mukhang nabibigla ang kanyang utak dahil iniisip niya kung ano ang mga bagay na pinag-uusapan ng kanyang kapatid noon. Kinalma muna niya ang kanyang sarili at ginawa niya ang kanyang makakaya na huwag masyadong isipin ang bagay na iyon. Dahil nakokonsensya siya ay hindi niya maiwasan na pilitin ang sarili niyang makaalala pero mukhang hindi magandang ideya na pilitin niya ang kanyang sarili dahil siya lang ang masasaktan.  Hindi rin nagtagal at nakarating nila sa kanilang bahay kaya bumaba na siya sa sasakyan ng mga Agravante at nagpasalamat sa driver. Mukhang excited na makita ng Senyorito ang kanyang kapatid dahil nauna pa itong pumasok sa bahay. Sinundan niya ito nang may ngiti sa labi dahil kahit na napakasimple ng kanilang pamumuhay ay ramdam niya ang saya at pagmamahal ng isang pamilya.  Nang makapasok siya sa bahay ay narinig niyang nag-uusap ang Senyorito at ang kanyang ina habang sinusuway naman ni Suzzie ang kanyang kaibigan na huwag masyadong OA dahil mas marami pang paalala ang Senyorito keysa sa kanilang mismong anak ng kanilang ina. Doon niya nalaman na mukhang busilak ang kalooban ng bunsong anak ng mga Agravante. Kahit na masungit ang ekspresyon ng kanyang kapatid ay alam naman niyang mabuti rin itong tao dahil sa ngisi niya at kahit na isang beses pa lang naman silang nakapag-usap.  “Sumama ka na sa palengke, Chaaya.” Utos ng kanyang ina na pare-pareho nilang tinutulan dahil walang kasama ang matanda sa kanilang bahay na siya naman ikanatuwa ng matanda dahil ang daming nag-aalala sa kanya. “Sige na, walang makakasama ang kapatid mo kapag biglang pinatawag itong si Senyorito, pagtatapos ng linggo ngayon kaya baka magkaroon bigla ng mga emergency ang pamilya nila.” Nasanay na si Susan sa ganoon, napanguso si Suzzie dahil alam niyang may punto ang kanyang ina.  “Pero nay, wala kang kasama dito.” Umangal pa rin si Suzzie kahit na naintindihan niya kung ano ang pinupunto ng kanyang ina.  “At wala ka makakasama kung sakali,” pagsagot naman ng ginang sa kanyang anak.  “Hindi ko po siya iiwan,” agap ni Lucas kaya bahagyang natawa si Susan.  “Pero wala ka pa rin magagawa kapag emergency lalo na kapag si Senyora ang nagpatawag sa’yo,” nakangiting sabi ni Susan sa dalawa dahil pareho din naman nilang ayaw na maiwan na mag-isa ang ginang.  “Kaya ko naman mag-isa, nay!” angal pa rin ni Suzzie dahil kinakabahan siya sa kanyang ina kapag wala siyang kasama sa bahay tapos masama pa ang pakiramdam nito.  “Maayos naman na ang pakiramdam ko, huwag na kayong mag-alala.” Hindi alam ni Chaaya kung paano aangal sa kanyang ina dahil may parte sa kanya na kailangan nilang magtrabaho ng kanyang kapatid. “Sige na at hinihintay na kayo ng itay niyo roon, magkakarga pa siya kaya kailangan niyang kasama sa pagtitinda.” sambit ni Susan dahil totoo namang maayos na ang kanyang pakiramdam.  “Sure ka ba inay?” pagtatanong ni Chaaya, mukhang wala rin naman magagawa si Suzzie dahil nahihirapan din siya na siya lang ang nagtitinda kapag siya lang mag-isa.  “Oo naman, pagluto ko pa kayo ng tanghalian. Sige na at ang tatay niyo ang nangangailangan ng tulong niyong dalawa.” sambit niya sa kanyang mga anak para makapunta na sila sa pwesto nila sa palengke. “Suzzie, ang ate mo.” paalala niya sa kanyang anak kaya naman tumango si Suzzie sa kanyang ina.  Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na sila at sabay-sabay silang nag-abang ng tricycle para mapabilis ang pagpunta nila sa palengke. Nang makapunta sila ay nanibago na naman si Chaaya sa paligid niya.  “Kami na ang bahala ate, magpaypay ka nalang.” Sambit ni Suzzie tiyaka niya binigay ang pamaypay kay Chaaya. Nung una ay hindi niya pa alam kung para saan ang stick na may mga plastic-plastic sa dulo hanggang nakita niya ang mga katabi nilang pwesto na ginagawang pamaypay iyon para pantaboy sa mga langaw. Marami-rami ang mga nabingwit ng kanyang ama kaya naman marami-rami din ang kailangan nilang ibenta.  Ganon ang ginawa niya habang nagtitinda at nagtatawag ng customer ang dalawa. Maingay pala talaga sa palengke at isa rin puhunan ng mga nagtitinda ay ang kanilang boses para makatawag ng pansin ng mga mamimili. Ang kanilang ama naman ay may sideline sa pagiging kargador kaya hindi nila kasamang magbenta.  “Senyorito Lucius!” nagulat siya sa biglaang pagsigaw ng kanyang kapatid sa isang pamilyar na pangalan kaya napatingin siya sa kanyang kapatid para tingnan kung napano siya pagkatapos ay sinundan niya ng tingin si Suzzie. “Dito po kayo!” muling sigaw ng kanyang kapatid.  Hindi niya alam kung guni-guni niya lang pero nagkatitigan sila ng senyorito at hindi na niya maipaliwanag kung ano man ang nararamdaman niya kaya mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Tiningnan na lang niya ang mga isda na kanilang tinitinda na akala mo ay ito ang kauna-unahan niyang kita ng isda.  Nasulyapan na lang niya ang paa ng binata na nasa tapat na ng kanilang pwesto kaya naman inangat niya ang kanyang tingin para hindi naman siya mukhang nakakahiya. Napangiti si Lucius nang makita niya ng buo ang pagmumukha ng dalaga. Malawak ang kanyang ngiti bago niya ito binati.  “Hi,”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD