KABANATA 7

2820 Words
KABANATA 6 Hindi alam ni Chaaya kung ano ang gagawin niya sa bati ng Senyorito, bakas sa kanyang kilos ang pagpapanic dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin niya ngayon nasa harapan niya ang binata. Hindi nga niya alam kung ano ang gagawin niya sa stick na hawak niya kaya kinuha ito ni Suzzie sa kanya habang nahihiyang ngumiti sa nakakatandang kapatid ng kanyang kaibigan na si Lucas. Alam niyang may pagka-masungit ang kuya ni Lucas kaya kahit na mabait si Lucius kay Suzzie ay nandoon pa rin ang paggalang niya. At hindi rin naman lingid sa kaalaman ng isla kung paano ang naging takbo ng love story ng panganay na anak ng Senyora at Senyor kaya naman lalong naging masungit sa babae pagkatapos noon si Senyorito Lucius.  Kaya hindi niya alam kung bakit nakangiti ang Senyorito ngayon sa kanyang ate Chaaya. Alam naman niya na maganda ang naging kapatid niya pero alam din naman niya na hindi ganitong babae ang tipo ng kapatid ng kanyang kaibigan kung pagbabasehan ang first love ni Senyorito Lucius.  Nag-bow na lang si Chaaya bilang pagbati sa Senyorito. Iyon kasi ang pinapaalala sa kanila ng kanyang ina kagabi na kahit na malapit sila sa mga Senyorito ay dapat nandoon pa rin ang kanilang paggalang. Na dapat hindi nila malimutan na mas mataas pa rin ang uri ng pamumuhay nila sa kanila.  “Magandang araw po, Senyorito.” bati ni Chaaya. Nahihiya lang siya kay Lucius dahil hindi niya alam na anak pala siya ni Senyora noong una nilang pagkikita at pag-uusap tapos ay ang kaswal lang ng pakikipag-usap niya na hindi niya alam Senyorito na pala ang nasa kanyang harapan.  Natawa si Lucius sa naging reaksyon ng dalaga. Para siyang nawiwili habang pinagmamasdan niya ang angking kagandahan ni Chaaya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang kanyang nararamdaman, alam naman niya na hindi ganito ang mga tipo niyang babae. Malayong-malayo siya sa inaasahan niyang babae na magugustuhan niya.  “Why are you here, kuya?” pagtatanong ng kanyang kapatid na si Lucas. Bahagyang kinakabahan dahil baka pinapatawag na naman siya ng kanilang ina at ayaw niyang iwanan si Suzzie dito. Mukhang hindi ri kasi sanay si Chaaya sa mga ganitog trabaho. “Are you with papa?” “Ah,” pareho na nakalagay sa bulsa ng kanyang short ang kamay ni Lucius, binubot niya lang ang kanang kamay niya para haplusin ang kanyang batok dahil hindi niya alam kung anong isasagot niya sa kanyang kapatid kung bakit siya napadpad sa palengke at alam din ng kanyang kapatid na ang huling lugar na pupuntahan niya sa isla ay ang palengke.  Hinihintay ni Lucas na sumagot ang kanyang kapatid pero dahil sa naging reaksyon nito ay napangisi siya dahil mukhang alam na niya kung bakit napadpad ang kapatid niya dito at mukhang hindi naman niya kasama ang kanilang ama.  “Why are you here, kuya?” pag-uulit na tanong ni Lucas habang nakangisi dahil ngayon niya lang ulit nakitang umakto ang kanyang kuya ng ganito na tila nahihiya.  Umangat ang tingin ni Lucius at nagtama ang tingin nila ni Chaaya na naghihintay din ng kanyang sagot, maging si Suzzie ay naghihintay din ng kanyang sagot habang marahan na pinapaypayan ang kanilang paninda. May iilang tindera din ang napatigil at napatingin sa kanilang banda dahil ang dalawang anak ng Senyor at ng Senyorita ay nasa pwesto ng mga Santos.  “I guess everyone’s expecting for Senyor?” panunuyang tanong pa ni Lucas dahil ramdam niya na ang mga tingin ng ibang mga tao na nasa loob ng palengke dahil baka biglang dumating ang Mayor o ang Senyor. Sanay naman sila sa presensya ni Lucas sa palengke dahil hindi na lingid sa kaalaman ng lahat na magkaibigan sila ni Suzzie pero ang presensya ng panganay na anak ng Senyor ay isa lang ang magiging ibig sabihin non, na nandito ang mayor sa palengke.  “Aish,” sinamaan ng tingin ni Lucius ang kanyang kapatid na lalong lumawak ang ngiti ni Lucas dahil ramdam niyang napipikon na ang kanyang kuya.  “Bi-bibili ka po ba?” pagtatanong ni Chaaya dahil ang tahimik ng dalawa at medyo tumahimik sa palengke dahil sa pagdating ni Lucius. Hindi niya makayanan ang tingin ng ibang mga tao kaya tinanong niya na ang Senyorito kung bibili ba siya. Hindi niya maintindihan kung bakit hinahanap pa ng iba ang ama niya e halata naman na mag-isa lang ang Senyorito.  “Ah, ye-” bago pa makasagot si Lucius ay biglang sumingit ang kanyang kapatid.  “Hindi, ate! Maram kaming stocks sa bahay at kaka-palengke lang naman ni Manang Amelia.” agad na sagot ni Lucas para mawalan ng excuse ang kanyang kapatid. Agad naman siyang sinamaan ng tingin ni Lucius dahil alam niyang inaasar lang siya ng kanyang kapatid.  “I, ah,” hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya, narinig niya ang mahinang pagtawa ng kanyang kapatid kaya sinamaan niya ito ulit ng tingin bago siya tumingin kay Chaaya na naghihintay ng kanyang sasabihin. “I will help you,” sambit niya tiyaka siya nagmadaling pumasok at sumiksik sa pwesto nina Chaaya kaya nagulat silang lahat.  Dahil sa gulat ay ginawang oportunidad ni Lucius iyon para kuhanin ang isang apron na nakalagay sa upuan tiyaka niya isinukbit iyon sa kanyang katawan. Hindi makapaniwala si Lucas sa ginagawa ng kanyang kapatid kaya manghang-mangha siyang nakatingin dito.  “Wala po ang aking ama, tutulungan ko lang po ang aking kapatid.” pag-anunsyo niya sa mga tao sa palengke dahil naging maingat ang kanilang pagkilos. Dahil sa sinabi ni Lucius ay muling bumalik sa ingay ang palengke.  Halos mapapikit siya ng mariin dahil ayaw niyang makarinig ng ingay pero wala siyang magawa kung hindi panindigan ang kanyang ginawa. Pagmulat ng kanyang mata ay kaagad na nagtama ang tingin nila ni Chaaya, magkatabi lang sila at halos magdikit na ang kanilang balat dahil masikip lamang ang pwesto nila para sa kanilang apat lalo na’t matangkad ang dalawang Senyorito.  Nahihiya niyang nginitian si Chaaya, baka akala niya ay ayaw niya sa ginagawa niya kahit ayaw niya talaga ang environment sa palengke.  “Kuya, magtawag ka ng bibili,” utos sa kanya ni Lucas kaya agad niyang sinamaan ng tingin dahil ayaw na ayaw niya ang maingay kaya ayaw niya rin ang sumisigaw. Pinanlakihan niya ng tingin ang kanyang kapatid para pigilan ito sa kanyang sinasabi.  “Ako na, mukhang ayaw naman niya.” Agap ni Chaaya tiyaka siya ngumiti kay Senyorito Lucas, ang kapatid na kasi niya ang nagpapaypay at kaninang siya ang may gawa non ay ang kapatid niya ang nagtatawag.  “BILI NA PO KAYO!” nagulat siya sa biglang pagsigaw ni Lucius sa kanyang tabi habang may pa-gesture pa ang kanyang kamay para palapitin ang mga tao.  Hindi alam ni Lucius kung tama pa ba ang desisyon niya sa buhay pero pinilit na lang niyang ngumiti. Hindi na lang niya tiningnan ang kanyang kapatid dahil alam niya na aasarin niya lang ito kaya pinagpatuloy na lang niya ang pagtatawag ng mga customer. Hindi maiwasan na mamangha ni Lucas dahil bagong-bago iyon sa kanyang nakikita, maging si Suzzie ay hindi makapaniwala. Pero si Chaaya naman ay nakangiti dahil ang dami ng lumalapit na customer sa kanila at bumibili pa. “Suzzie,” bahagya niyang siniko ang kanyang kapatid dahil natulala siya, halos lahat ng babae sa palengke ay nasa kanilang pwesto at bumibili. In-entertain din ni Lucius ang mga ito habang siya naman ang tumatanggap ng order pero hindi na niya kakayanin na mag-isa dahil sa dami ng mga ito tapos ay natulala pa ang kapatid nilang dalawa kaya wala siyang magawa kung hindi sikuhin ng mahina ang kapatid niya para matauhan.  Dahil doon ay natauhan si Suzzie kaya masaya siyang kumakausap sa mga bumibili, siniko niya rin si Lucas na manghang-mangha sa ginawa ng kanyang kuya dahil ngayon niya lang nakitang ganito ang kuya niya at hindi siya nagrereklamo kung gaano kaingay ang palengke.  Ilang minuto lang ay naubos na ang kanilang paninda kaya masayang-masaya si Suzzie. Ang buong akala niya ay aabot pa silang tanghali kung saan tirik na tirik na ang araw bago maubos ang kanilang paninda.  “Grabe, salamat po sa inyo!” masayang sambit ni Suzzie habang hawak-hawak ang wallet kung saan nandoon ang kinita nila ngayong araw.  Nakangiti si Chaaya tiyaka na niya inalis ang kanyang apron. Ganon din ang dalawang Senyorito habang may mapaglarong ngiti pa rin ang nasa labi ni Lucas.  “Libre mo naman kami!” sambit ni Lucas kay Suzzie na agad siyang sinamaan ng tingin ng dalaga.  “Sige na, Suzzie. Sila rin naman ang naging dahilan kung bakit mabilis at marami tayong nabenta ngayong araw,” nakangiting wika ni Chaaya kaya napanguso si Suzzie. Kaagad naman siyang binelatan ni Lucas dahil don, napailing na lang si Chaaya dahil kahit na mukhang matured na ang dalawa ay isip bata pa rin sila.  Huminga ng malalim si Chaaya dahil napagod siya sa ilang oras nilang panininda. Hindi niya alma kung bakit parang hindi sanay ang kanyang katawan sa ganoong klaseng trabaho gayong hindi naman sila laki sa yaman. Hindi niya maintindihan minsan ang kanyang katawan na para bang bago ang lahat ng nararanasan niya sa buhay gayong sigurado naman siya na ito lang din ang ginagawa niya noon para kumita sila ng pera.  “Ice cream lang!” agad na angal ni Suzzie dahil nagtitipid ang kanyang ina dahil may utang pa sila noong na-hospital ang kanilang tatay nang nakaraan na taon.  “Oks lang sa akin iyan no!” sambit ni Lucas dahil kahit ano pang ibigay sa kanya ng dalaga ay tatanggapin naman niya. “Una na kami sa may ice cream-an!” sambit ni Lucas tiyaka niya hinawakan ang pulso ng kanyang kaibigan at hinatak niya ito habang tumatakbo kaya wala nang magawa si Suzzie kung hindi tumakbo rin para makasabay siya sa Senyorito.  “Te-teka! Sandali lang!” sigaw ni Chaaya dahil hindi niya alam kung saan ang ice cream-an na sinasabi ni Lucas.  Naiwan siyang mag-isa sa pwesto ay hindi pala siya mag-isa. Dahan-dahan siyang umikot para makita niya ang kanyang nasa likuran na si Lucius. May tipid na ngiti ang binata habang nakatingin sa kanya. Kanina niya pa ito pinagmamasdan at kahit na nakatalikod sa kanya ang dalaga ay napapangiti na lang siya dahil sa lumanay ng kanyang boses.  “Ah,” hindi alam ni Chaaya kung paano itatanong kay Lucius kung saan ang sinasabi ng kanyang kapatid. “Hi-hindi kasi ako pamilyar sa lugar.” Nahihiyang sambit niya dahil hindi niya maamin na wala siyang maalala dahil na-aksidente siya. Tingin niya ay hindi pa siya handa para pag-usapan ang aksidente na nangyari sa kanya dahil baka sumakit lang ulit ang kanyang ulo.  “Ah-huh,” nawiwili na sagot ni Lucius dahil hindi niya maipagkakaila na cute ang dalaga lalo na kapag namumula siya sa hiya. Hindi rin ito makatingin sa kanyang mga mata na para bang high school na hindi makatingin sa taong gusto nila. Lumawak ang ngiti ni Lucius dahil sa kanyang naisip, gusto ba siya ni Chaaya?  “Tatanong ko lang sana kung saan ang sinasabi ni Senyorito Lucas?” nahihiyang tanong niya. “Kina Mang Bert panigurado,” sagot ni Lucius dahil sikat ang ice-cream-an ni Mang Bert sa isla dahil sa masarap na timpla nito na talaga naman babalik-balikan ng mga turista. “Sa may bungad ng palengke.” tumango si Chaaya dahil parang alam na niya kung saan ang tinutukoy ng Senyorito. Napansin na niya kanina iyon ang kaso nga lang ay sarado pa ito noong dumating sila sa palengke dahil maaga silang nagbubukas para magtinda.  “Ah, sige, salamat.” Hiyang-hiya si Chaaya sa kanya tiyaka siya dahan-dahan na tumalikod. Napapikit pa siya dahil naiinis siya sa kanyang sarili, hindi na niya matingnan ang senyorito dahil sa kahihiyan na pakikipag-usap niya ng kaswal sa kanya.  Marahan din niyang hinakbang ang kanyang mga paa para makalakad na siya papunta kung nasaan ang kanyang kapatid. Napaawang ang bibig ni Lucius dahil ang buong akala niya ay yayain siya ni Chaaya pero hindi iyon nangyari. Kaya naman wala sa isip niyang hawakan ang braso ng dalaga para matigil siya sa paglalakad.  Pareho silang nagulat sa paghawak ni Lucius sa kanya kaya naman agad din siyang binitawan ni Lucius. Tumingin si Chaaya nang nagtataka sa Senyorito, inaayos naman ni Lucius ang kanyang buhok dahil nahihiya.  “Ah,” ngayon lang siya nagka-ganito sa isang babae. Hindi naman siya ganito noon kaya hindi niya maintindihan ang kanyang sarili. “Hi-hindi mo ba ako yayain?” pagtatanong ni Lucius tiyaka siya umiwas ng tingin sa dalaga. Umawang ang labi ni Chaaya dahil sa gulat at hiya dahil naalala niyang tumulong din pala ito sa pagtitinda.  “Ah, oo nga pala, pasensya na po, Senyorito.” Bahagya siyang nag-bow para maghingi ng paumanhin na nakalimutan niyang alukin ang binata. “Ku-kung wala po kayong gagawin pwe-” de po kayong sumama, iyon sana ang sasabihin ni Chaaya ang kaso nga lang ay pinutol siya ni Lucius.  “Wala… wala akong gagawin,” mabilis na sagot ni Lucius habang nakatingin sa kanya. Bahagyang napangiti si Chaaya dahil sa reaksyon ng Senyorito.  “Sama ka na po sa amin,” sambit niya kaya kaagad na umayos ng tayo si Lucius tiyaka sila nagsimulang maglakad.  Tahimik lang silang naglalakad dahil hindi nila alam kung ano ang sasabihin sa isa’t-isa. Dahil sabay sila ay maraming mga mata ang nakatingin sa kanila at sigurado sila na pinag-uusapan sila ng mga ito. Lalo na ang pagtitinda kanina ni Lucius, naging usap-usapan na iyon at kumalat na rin iyon sa buong isla. May nakakuha ng litrato na sa malamang ay nasa dyaryo na siya kinabukasan.  Mabuti na lang at hindi malayo ang kanilang nilakaran at nakita nila ang kanilang mga kapatid na nasa loob ng stall. Maliit lang iyon at mga sampung katao lang ang magkakasya pero dahil busy pa ang mga tao na bumili sa palengke ay sila-sila lang ang nandoon.  Umupo si Chaaya sa harapan ng kanyang kapatid. Plastic lang naman ang mesa at ang upuan dito habang tumabi naman sa kanya si Lucius dahil doon na lang ang bakanteng upuan na katapat naman ng kanyang kapatid na si Lucas.  “Kuha ko muna kayo,” si Lucas na ang tumayo bago pa kumilos ang kanyang kaibigan na si Suzzie, masaya na siyang kumakain ng kanyang ice cream kaya siya na lang ang kumilos para oder-an ang kanilang kapatid. Alam niyang pagod na ang dalaga dahil sa pagtitinda at hindi pa kumpleto ang kanyang tulog dahil nag-aral pa siya kagabi at inabutan na siya ng anong oras.  Binigay niya rin sa dalawa ang ice cream cone nila. Nagpasalamat si Chaaya sa kanya habang hindi naman siya pinansin ng kanyang kuya. Tahimik nilang kinain ang kanilang ice cream dahil napagod at nagutom din sila sa pagtitinda. Lalo na si Chaaya at si Lucius na hindi naman sanay sa ganoong klaseng trabaho. “Nasa kabilang bayan daw si tatay dahil may dineliver,” wika ni Suzzie tiyaka niya binaba ang de-keypad niyang cellphone. Pinadalhan niya kasi ng mensahe ang kanyang ama para sana kasama siya ngayon na kumakain ng ice cream lalo na’t mainit para malamigan kahit papaano ang kanyang pakiramdam.  Pagkatapos nilang kumain ng ice cream ay hinatid ng dalawang magkapatid ang dalawang dalaga sa kanilang bahay bago sila muling bumalik sa kanilang mansyon habang tumatawa-tawa si Lucas dahil inaasar niya ang kanyang kapatid.  “Stop it, Lucas. It’s not funny.” Busangot na mukhang sambit ni Lucius dahil ginagaya siya ng kanyang kapatid kung paano siya magtawag ng customer kanina.  “You’re so funny kuya,” tumatawa pa si Lucas na halos sumakit na ang kanyang tiyan kaya nakahawak siya dito habang papasok na sila sa mansyon.  Pero nawala ang kanyang ngiti ng bumungad sa kanya ang mukha ng kanilang ina kaya pareho silang napatayo ng tuwid ng kanyang kapatid.  “Guess you both have fun,” sambit ng kanilang ina pero halata ang pagiging sarcastic nito. “Especially you, Lucas.” puna ng kanilang ina kaya napakagat sa labi niya si Lucas habang nakayuko. Hindi maganda ang samahan nila ng kanyang ina kaya kahit na may ngiti sa kanyang labi ay nawawala na lang iyon agad kapag nakikita na niya ang ina niya.  “Dress up, we’re going to Manila, Lucas.” Napakagat siya sa kanyang labi tiyaka siyia tumango dahil wala naman siyang magagawa kung hindi sumunod sa kanyang ina.  “Where are you going?” pagtatanong ni Lucius dahil alam niyang hindi magugustuhan ng kanyang kapatid kung ano man ang nakahanda sa kanya sa Manila. May ideya na si Lucius tungkol dito dahil naririnig niyang magkausap ang kanilang mga magulang.  “Don’t ask,” sambit ng kanyang ina tiyaka niya tiningnan ng mabuti ang anak niya mula ulo hanggang paa na tila ba amoy niya ang pagiging malansa niya dahil sa pagtitinda nila kanina.  “I heard what you did,”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD