Pagkatapos ng ilang araw sa probinsya, nag-aayos na si Almira ng gamit. Dalawang araw lang naman ang leave niya sa ospital kaya kailangan na niyang bumalik sa Maynila. Tahimik lang si Aiden habang tinutulungan siyang isakay ang bag sa kotse. “Sigurado ka bang ayaw mong magpatulong pa hanggang terminal?” tanong ni Aiden. “Okay na, Kuya. Salamat ha,” sagot ni Almira, ngumingiti pero may halong lungkot. Pagdating nila sa bus terminal, binigyan siya ni Aiden ng maikling yakap. “Mag-ingat ka palagi, ha. Text ka pag nakarating ka na.” “Opo, Kuya. Ingat din kayo ni Ate Lyka.” Pagkaupo niya sa bus, naramdaman niya ang pagod na parang sabay sumabay sa bawat ikot ng makina. Nilabas niya ang cellphone, nag-check ng messages, at doon siya biglang napatigil nang makita ang tawag ni Drew. Nagdal

