Chapter 32

1076 Words

Ilang araw na niyang hindi nakikita si Drew. Ang huling pagkikita nila ay noong ihinatid pa siya ng binata sa boarding house. Nagpaalam naman si Drew noon — sisimulan na raw niya ang taping ng teleserye, may kasunod pang movie, TV guestings, at mall shows. Alam ni Almira na ganito talaga ang buhay ng isang artista, pero kahit gaano pa niya ito unawain… may kulang pa rin. Oo, tumatawag si Drew gabi-gabi. Minsan, habang pauwi siya galing duty, maririnig pa niya ang pagod sa boses ng lalaki pero pilit pa rin nitong pinaparamdam na okay lang siya. Lagi ring may text, mga simpleng “Kumain ka na?” o “Ingat sa shift mo.” Pero sa bawat mensaheng natatanggap niya, lalo lang siyang nauuhaw sa presensiya nito. Iba pa rin ‘yung makita siya sa harap mo, ‘yung marinig ang boses niyang walang pagit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD