Almira POV Nitong mga nakaraang araw, hindi na ulit nagkikita si Almira at si Drew. Lalo itong naging abala sa pagpo-promote ng bago nilang movie ni Katrina, may mga shooting pa sa malalayong lugar, at sunod-sunod ang guesting sa mga TV show. Katatapos lang ni Almira maglaba nang maisipan niyang manood ng TV sa sala kasama ang mga ka-boardmates niya. Tahimik lang siya habang nakatitig sa screen—ini-interview si Drew kasama si Katrina. Ang sweet nila, parang may something. Parang inlove sa isa’t isa. Parang kinurot ang puso ni Almira. “Sana pala sinagot ko na lang si Drew... kahit papaano, may karapatan sana akong magselos ngayon.” “Parang inlove sila sa isa’t isa, ah,” bulong niya sa sarili, habang nanlalambot sa panonood. May paayos-ayos pa si Drew ng buhok ni Katrina, parang automat

