POV ni Almira Marami na akong naririnig tungkol kay Drew , ang pagiging womanizer daw nito, ang mga babaeng nililigawan at agad din niyang iniiwan. Hindi ko alam kung totoo lahat ‘yon, pero base sa mga sinasabi ni Jayson at sa mga kilos ni Drew, mukhang hindi imposible. Ako pa talaga ang susunod niyang bibiktimahin? Hindi, never. Hindi ako papayag na maloko niya. Hindi ko siya hahayaang guluhin ang mundo ko. Kaya kahit anong ngiti niya, kahit gaano siya kabait sa harap ko, alam kong hindi ako dapat magpalinlang. Marami na siyang napasuko, pero ako—ako ‘yung hindi niya basta mapapasunod. Yun ang sinasabi ng isip ko. Pero iba ang sigaw ng puso ko. Dahil habang pinipigilan kong maniwala, mas lalo kong nararamdaman na baka… baka hindi lahat ng chismis tungkol sa kanya ay totoo. At k

