Chapter 16 Inlove na sayo

1152 Words

Hinanap ni Drew ang ibang mga pahina ng diary, umaasang may maisusulat si Almira tungkol sa kanyang pamilya. Tama nga siya—nasa pinakadulo iyon ng lumang notebook. Napakunot siya ng noo; ang tagal na pala ng diary na ’to, naisip niya. March 15, 2016 Dear Diary, Natatakot ako. Iniwan kami ni Kuya Aiden kasi pupuntahan daw niya si Tatay sa kulungan. Nakakulong siya sa kasong pagnanakaw, at si Mama... kakamatay lang niya dahil sa nangyari. Mga De Vera daw ang may kagagawan. Malamig at nakakatakot ang gabi. Nagugutom ako pero wala kaming makain. Nagkape na lang ako, may natira pa naman kanin kaninang tanghali. Bata pa ako, nasa elementary pa lang. Gusto kong tulungan si Kuya Aiden, pero wala akong magawa kundi umiyak. Napahawak si Drew sa dibdib. Parang may humaplos sa puso niya. Bakit par

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD