POV: Drew Late na nang matapos ang shooting. Tahimik ang set, halos lahat ng crew ay nag-empake na. Si Katrina, gaya ng dati, lumapit sa akin habang inaayos ko ang jacket ko. “Ang lalim ng iniisip mo, Mr. Leading Man,” sabi niya, sabay ngiti. “Usually, after ganitong intense na scene, may cool down tayo, diba?” Alam ko ang ibig niyang sabihin. Dati, pagkatapos ng shoot, nagkikita kami sa condo—walang label, walang komplikasyon, puro sandaling kalimutan lang ng pagod at stress. Tinitigan ko siya sandali. “Wala ako sa mood ngayon, Kat,” sabi ko. “Pagod lang siguro.” Napatawa siya, pero halata sa tono niya ang pagtataka. “Wow, ikaw na mismo tumatanggi? That’s new. Akala ko ikaw pa mag-aaya.” Napakamot ako sa batok. “Nagbago na siguro priorities ko,” sabi ko, sabay iwas ng tingin. Tahim

