Chapter 6

1032 Words
Habang papalabas sila ng ospital, napansin ni Almira na parami nang parami ang napapalingon sa kanila. Kahit may suot na cap, face mask, at hoodie, halatang may nakakakilala na kay Drew. May mga nagbubulungan, may iba pang naglalabas ng cellphone. “Drew, bilisan mo. Ang dami nang nakatingin!” pabulong na sabi ni Almira, halos hinihila na ito. “Eh kasi, sinabi ko na nga bang delikado ‘to,” sagot ni Drew, sabay baba ng ulo. “Baka makunan pa ng picture.” Wala nang nagawa si Almira kundi dalhin siya sa boarding house na malapit lang. Diyos ko, unang beses kong magpapasok ng lalaki sa bahay! sigaw ng isip niya habang tinititigan ang gate. Pagpasok nila, nandoon sina Lhea at dalawa pang boardmates, kumakain sa mesa. Sabay-sabay silang napatingin. “Uy, Almira, sino ‘yan?” tanong ni Lhea, sabay tawa. “Bakit ganyan ‘yung boyfriend mo? Nakatakip ang mukha parang ninja!” Halos mapatalon si Almira sa kaba. “Ha? Hindi ko siya boyfriend! Bakla ‘yan!” mabilis niyang sagot, sabay tawa ng pilit. “Nahihiya lang kasi… pangit siya. Tara na!” Hindi na siya naghintay ng sagot. Hinila niya si Drew papasok sa kwarto, halos madulas pa sa pagmamadali. Pagkapasok nila, mabilis niyang isinara ang pinto. “Hinga!” sabi niya sa sarili, sabay lingon kay Drew. Pero bago pa siya makapagsalita, bigla siyang niyakap nito. “Drew!” gulat niyang sigaw. “Sorry!” mabilis na sabi ng binata, agad na kumalas. “Na-out of balance lang ako—promise!” Napairap si Almira, halatang naiinis pero bahagyang namumula. “Next time, ‘wag kang out of balance, baka masampal kita,” mataray niyang sabi. Natawa lang si Drew, halatang aliw na aliw sa reaksyon niya. “Okay, noted, Nurse.” “Sige na, tawagan mo na ‘yung driver mo. Magpasundo ka na bago may makakita sa’yo rito,” sabi ni Almira, pilit pinapakalma ang sarili. Ngumiti si Drew, tinanggal ang cap at bahagyang ibinaba ang mask. “Kung gusto mong umalis ako, aalis ako, pero…” Tumingin siya sa mga mata ni Almira. “Next time, ako naman ang bibisita sa’yo nang hindi nagtatago.” Napailing si Almira, pero hindi maitago ang ngiti. “Bahala ka, artista ka nga—problema mo ‘yan.” Habang palabas siya ng pinto para tawagin ang driver, ramdam niya pa rin ang t***k ng puso niya. At sa likod niya, si Drew, nakangiti lang, parang alam na alam kung ano ang epekto niya kay Almira. Nakangiti pa rin si Drew habang nasa loob ng sasakyan. Hindi pa rin maalis sa isip niya ang eksenang kanina lang ay niyakap niya si Almira. Ang bango niya, naisip niya, sabay ngiti. At ang lambot ng katawan… parang— Bigla siyang natigilan, napailing. “Ano ba ‘yan, Drew,” mahina niyang sabi sa sarili. Kalma lang. Pero kahit anong pilit niyang itanggi, totoo, may kakaibang naramdaman siya. Hindi lang dahil maganda si Almira, kundi dahil iba ito. May simpleng charm na hindi niya makita kahit sa mga artista o modelong nakakasama niya araw-araw. Grabe, ngayon lang ako nagtiyaga sa isang babae, bulong niya sa isip. Simula elementary hanggang twenty-eight na ako ngayon, never pa akong nanligaw. Paano nga ba manligaw? Napahinga siya nang malalim. Wala akong idea. Nasa gitna siya ng pag-iisip nang biglang tumunog ang cellphone niya. “Drew, nasaan ka na ba?” boses ni Ms. Lou, ang manager niyang parang nanay na rin sa kanya. “Ngayon lang nangyari ‘to, ha. May kumakalat nang balita, maghapon ka raw nasa ospital kung saan naka-confine si Caleb.” Napailing si Drew. Talaga naman ‘tong mga paparazzi, parang wala nang ibang trabaho. “Lou, relax. Wala ‘yon,” sagot niya, pilit pinapakalma ang tono. “Pero baka mamaya, may bago ka na namang kursunada. Sino ‘yan this time? Pasyente?” sarkastikong tanong ni Lou. Napatawa si Drew. “Hindi. Nurse.” May narinig siyang buntong-hininga sa kabilang linya. “Hay naku, Drew. Sira ulo ka talaga. Ingat ka diyan. Baka ‘yang nurse na ‘yan ang maging sakit ng ulo mo, at baka siya pa ‘yung humabol sa’yo, ha.” Ngumiti siya, pero sa isip niya, ibang sagot ang tumatakbo. Hindi yata. Feeling ko ako ‘yung hahabol sa kanya. Habang bumabaybay ang sasakyan sa kalsada, nakatingin lang siya sa labas ng bintana. Muling sumagi sa isip niya ang mukha ni Almira, ‘yung irap, ‘yung pagtulak niya, at ‘yung paraan ng ngiti nitong pilit itinatago. “Sana nga maging ganun sa akin si Almira,” bulong niya sa sarili. At sa unang pagkakataon sa matagal na panahon, napangiti siya — hindi bilang artista, kundi bilang isang lalaking parang unang beses na natutong umibig. Nang makaalis na si Drew, nakahinga nang maluwag si Almira. “Salamat naman, Lord,” bulong niya habang isinandal ang ulo sa pinto. “Akala ko hanggang umaga na ‘yon dito.” Napatawa siya nang bahagya habang naaalala ang mga eksena kanina. So, ‘yun pala ang mga artista. Akala mo kung sinong perpekto, pero totoo rin palang tao — at medyo sabaw din minsan. Napailing siya, sabay ngiti. Ang lakas pa ng loob magyabang, eh halos takpan na ang buong mukha. Takot din na pagkaguluhan eh. Habang nag-aayos ng gamit, napahinto siya. Biglang sumagi sa isip niya si Calix — ang lalaking na “perfect.” para sa kanya. Si Calix… siya pa lang ang nakilala kong may direksyon sa buhay. Mabait, gentleman, seryoso. Napatingin siya sa bag na hawak ni Drew kanina. At ito namang si Drew, opposite ng lahat ‘yon. Maingay, makulit, bolero. Ni niyakap pa ako kanina — kakainis talaga! Napailing siya ulit, pero may ngiti sa gilid ng labi. Pero bakit ganon? Kahit ayaw kong aminin… parang kinilig din ako. Napasapo siya sa mukha, nahihiya sa sariling iniisip. “Almira, ano ba, baka nadapuan ka lang ng hangin,” mahina niyang sabi, sabay higa sa kama. Pero kahit anong pilit niyang ipikit ang mga mata, ang ngiti ni Drew pa rin ang bumabalik sa isip niya. At sa hindi niya maintindihang dahilan, napangiti rin siya bago tuluyang nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD