Chapter 7

1170 Words
Almira’s POV Lagi namang marami ang pasyente, pero ngayon ko lang talaga naramdaman ‘yung pagod. Siguro dahil hindi ako nakatulog sa kaiisip kay… Drew? Bigla akong natigilan. Naku, Almira, huwag kang padadala sa charm ng artistang ‘yun. Kung ‘yung mga pangit nga nagloloko, lalo na si Drew—nasa kanya na yata lahat ng hinahanap ng isang babae. Lalo na kung physical appearance lang ang basehan. “Uy, Almira, ha! Inaagaw mo sa akin si Drew,” pagmamaktol ni Bea habang nag-aayos ng chart. Maaga kasi ang shift niya kahapon. Natawa ako. “Baliw ka talaga! Sa’yo na ‘yung prince charming mo. Hindi ko siya type, saka I’m sure, hindi rin niya ako type.” Sakto namang nag-flash sa TV ang mukha ni Drew, may bago pala siyang movie with Katrina. Napatingin ako. Mas guwapo pa rin siya sa personal kaysa sa TV, bulong ko sa sarili. Pero natigilan ako. Tama ba ‘yung nakikita ko? Si Drew… nasa harap ko! “Hi, girls!” Nakangiting bati niya sabay tanggal ng salamin at face mask, dahil halos wala nang tao sa Nurse Station. Halatang kinikilig ang mga kasamahan ko. “Hi, my beautiful nurse.” Sabay abot niya sa akin ng isang supot—may hot choco at tapsilog sa loob. “Uy, kami wala?” reklamo ni Bea, sabay ngiti nang nagpapacute. “Of course! Dapat may almusal ang mga magagandang nurse,” sabi ni Drew, sabay tawag sa driver at dalawang alalay. Maya-maya’y inabot ng mga ito ang mga food packs sa amin—tuwang-tuwa tuloy ang buong shift. Nahulaan niya pa talaga na hindi pa kami kumakain, isip ko, habang nakatingin sa kanya. Ngumiti ako. “Thank you.” “Siyempre, sa’yo special ‘yan. Buksan mo muna,” sabi niya, sabay ngiti. Lumitaw tuloy ang dimple niya sa pisngi. Natigilan ako. Para akong nahipnotismo. Ang gwapo talaga. Napansin yata ni Drew kaya napailing siya. “Bakit?” tanong niya, medyo nagtataka. Umiling ako, sabay ngiti. “Wala.” Napayuko si Almira para hindi makita ni Drew na namumula ang pisngi niya. Ramdam niya ‘yung pagtibok ng puso niya, parang ang lakas-lakas. Ano ba ‘tong kabaliwan na ‘to, Almira? artista lang ‘yan, hindi mo ka-level! “Hindi mo ba titikman?” tanong ni Drew, may halong lambing sa boses. “Baka malamig na ‘yan.” Tumingin si Almira sa kanya, sinubukang gawing casual ang tono. “Ah, oo... mamaya. Busy pa ako sa charting.” Ngumisi si Drew. “Charting daw,” sabay turo sa ballpen na hawak niya. “Wala namang sinusulat.” Napaawang ang labi ni Almira, nahuling hindi talaga siya gumagalaw kanina. “Eh kasi... iniisip ko kung tama pa ‘yung spelling ng pangalan mo sa ID mo,” biro niya, sabay iwas tingin. Tumawa si Drew, ‘yung halakhak na may kasamang charm na parang pang-commercial ng toothpaste. “So iniisip mo ako?” “Hindi noh!” mabilis niyang sagot, pero halatang nagulat pati siya sa tono. Lalong lumawak ang ngiti ni Drew. “Okay, okay,” sabi ng binata, sabay taas ng dalawang kamay na parang sumusuko. “Pero mamaya, ako na magdadala ng lunch. Baka sabihin mo, unfair ‘pag breakfast lang.” “Hindi mo naman kailangang—” “Gusto ko,” putol ni Drew, diretsong tingin sa kanya. “Kailangan din namin ng energy, lalo na ‘pag ikaw ang nurse na nag-aasikaso sa kaibigan ko.” Hindi alam ni Almira kung paano tatayo o anong isasagot. Ang tanging nagawa lang niya ay tumawa nang pilit, habang pilit ding itinatago ang ngiti. “Uy, Bea,” tawag ng isa nilang kasamahan. “Tingnan mo nga ‘tong si Almira, para siyang tinamaan ng love virus!” Nagkatinginan silang lahat, nagtawanan, habang si Drew ay nakangiti lang, pinapanood siya. At sa loob ng ilang segundo, pakiramdam ni Almira, siya lang ang tao sa buong Nurse Station. Drew’s POV Hindi ko alam kung bakit ako napapadpad dito. Dati, kapag may promo shoot o charity visit, Bisita sa kaibigan niya na naka confine. Pero ngayon, iba. Simula nung una ko siyang makita, hindi ko na siya matanggal sa isip ko. Si Almira. Simple lang siya, hindi ‘yung tipong babae na agad mapapansin sa crowd, pero may kung anong calm energy na nakakahinahon. Siguro dahil sa mga mata niya—‘yung parang laging pagod pero mabait. Parang kahit stressed, kaya pa ring ngumiti. “Drew, ready na tayo, bro,” sabi ng PA ko, bitbit ‘yung schedule folder. “Wait lang,” sabi ko, sabay silip muli sa Nurse Station. Nakita ko siyang nagtatawanan kasama ‘yung mga kasamahan niya. May dimple siya kapag tumatawa—at ‘yun ang paborito kong parte. Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin pero kinuha ko ‘yung maliit na sticky note mula sa bulsa ng jacket ko. May nakasulat doon: “Don’t skip meals, my favorite nurse. :) — Drew” Tahimik kong inilagay sa gilid ng tray ng almusal niya bago ako tuluyang lumabas. Habang naglalakad papunta sa elevator, napangiti ako mag-isa. “Bro, bakit ang saya mo?” tanong ng PA ko. “Wala,” sagot ko. “May nakita lang akong dahilan para bumalik ulit bukas.” Almira’s POV Pag-alis ni Drew, halos lahat ng nurse sa station ay hindi mapigilang magbulungan. “Grabe, Almira! ‘Yung ngiti ni Drew kanina, para lang sa’yo!” “True! Parang may something!” Napailing na lang ako, kunwari busy sa chart. “Tigilan niyo nga ako, baka marinig ni head nurse.” Pero kahit anong pilit kong maging kalmado, ramdam kong ang bilis ng t***k ng puso ko. Nakatingin ako sa tapsilog na binigay niya, hindi ko pa rin mabuksan. Hindi ko naman siya iniisip, diba? Nang mapansin kong may maliit na papel sa gilid ng tray, napakunot noo ako. Inangat ko ‘yun at nabasa: “Don’t skip meals, my favorite nurse. :) — Drew” Napanganga ako sandali. Ha?! Favorite nurse?! Agad kong tiniklop ang note at tinago sa bulsa ng uniform ko bago pa may makakita. Pero huli na—napansin ni Bea. “Hoy! Ano ‘yan?” sabay agaw niya ng tingin sa tray. “May sulat ba si Drew?” “Ay, wala! Wala!” halos mapasigaw ako, sabay talikod. “Resibo lang ‘yan sa food.” Tawa nang tawa ang mga kasama ko. “Sure ka ha, resibo raw oh!” pang-aasar ni Bea. “Almira, baka next time may flowers na!” Hindi ko na lang sila pinansin, pero habang nililinis ko ‘yung station, lihim akong napangiti. Hindi ko man aminin nang malakas, pero... iba ‘yung pakiramdam. Matagal na akong sanay sa pagod, sa routine, sa mga pasyenteng dumarating at umaalis. Pero ngayong araw—parang biglang may kulay ang duty ko. At habang tinititigan ko ‘yung sulat na nakatago sa bulsa ko, isang tanong lang ang pumasok sa isip ko: Babalik kaya talaga siya bukas?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD