Nasa set na si Drew ngayon. Madaling araw na, pero tuloy pa rin ang trabaho nila bilang mga artista. Kaeksena niya ngayon si Katrina, ang sikat na aktres na leading lady niya sa bagong teleserye.
“Mahal pa rin kita, ayokong mawalay sa’yo,” naiiyak na sabi ni Katrina, sabay haplos sa pisngi ni Drew.
“Nandito lang ako, kahit ayaw ng papa mo—si Don Julio. Magsusumikap ako, papatunayan ko sa kanya na ako ang karapat-dapat na lalaki para sa’yo,” emosyonal na sabi ni Drew bago nila nilapat ang kanilang mga labi sa isang halik na puno ng damdamin.
“And cut! Good job!” sigaw ni Direk Erik, sabay palakpak. “Perfect take!”
Umupo muna si Drew sa may couch habang pinapaypayan at minamasahe ng mga PA ang mga binti niya. Ramdam niya ang pagod, pero sanay na siya—ganito talaga ang buhay sa industriya.
Lumapit naman si Katrina, nakangiti at may kumpiyansa. Pinalis nito ang mga alalay ni Drew at yumuko ng bahagya sa tabi niya.
“Tapos na ang shooting… my place or yours?”
mahina nitong bulong, may halong lambing at tukso.
Napatitig si Drew sa maganda nitong mukha. Ilang beses na rin silang nagkasama—sa kama, sa hotel, sa private rest house. Sampu? O higit pa? Pero kahit gano’n, wala silang commitment. Walang label, walang kasiguraduhan.
Ngumiti siya nang bahagya, malamig at pamilyar.
“Your place,” mahina niyang sagot.
Ngumiti lang si Katrina at tumalikod, iniwan siyang nag-iisip.
At sa likod ng ngiting iyon ni Drew, may bahagyang lungkot, isang pakiramdam na kahit ilang babae pa ang dumaan, may kulang pa rin.
Pagdating nila sa condo ni Katrina, pagsara ng pinto ay dali-dali siyang hinalikan nito sa labi, tila sabik na sabik, kahit kahapon lang yata may nangyari sa kanila.
"Wait lang," natatawang sabi ni Drew.
"Bakit? I miss you," malambing nitong sabi sabay halik na naman.
Hinayaan na lamang niya na si Katrina ang kusang gumalaw. Pagkatapos siyang hubaran at maghubad ni Katrina, dali-dali itong umibabaw sa kanya. Malakas na umuungol si Katrina. Napaungol na rin si Drew, sa galing ba naman ng babae umibabaw.
Tapos ay nagsalita si Katrina, "I'm cominggg, Drew!" sabay halik sa kanya sa labi. Pawis na pawis ito.
Biglang natigilan si Drew at bahagyang naitulak niya si Katrina sa ibabaw niya.
"Teka lang," nanginginig niyang bulong.
Nagulat si Katrina, "Anong nangyayari? Halos tapos na tayo."
Hindi umimik si Drew. Laking gulat niya nang bigla niyang na-imagine na ang mukha ni Almira ang nasa ibabaw niya, na tila ito ang sarap na sarap sa ginagawa nila.
"W-what the heck?" Bulong niya sa sarili, sabay pikit nang mariin. Nag-iimagine ako kay Almira.
Naramdaman ni Katrina ang pagtulak kaya nagtanong siya, "May problema ba, Drew?"
Mabilis na pinilit ni Drew na alisin sa isip ang imahinasyon niya. Ayaw niyang mapansin pa ni Katrina ang pagbabago niya.
"Wala," mabilis niyang sagot, sabay hawak sa baywang ni Katrina at hinila ito papalapit. "Sige, ipagpatuloy mo lang."
Nakahinga nang maluwag si Katrina at mas lalong sumigla sa pagkilos. Kahit pilit na pinipigilan ni Drew ang sarili na isipin pa si Almira, naramdaman niya ang init at sarap mula kay Katrina, kaya't sa huli ay napadaig na rin siya sa sandali.
"Ako din, Katrina!" malakas na bulalas ni Drew kasabay ng paghampas ng kanyang likod sa kama.
Humingal si Katrina at bumagsak sa dibdib niya. Niyakap siya nito nang mahigpit habang pareho silang naghahabol ng hininga. Ilang minuto silang nanatiling tahimik, tanging ang tunog lang ng malakas na t***k ng puso ni Katrina ang naririnig niya.
Pero sa kabila ng lahat, hindi pa rin maalis sa isip ni Drew ang nangyari. Nakatingin siya sa kisame, habang pilit na kinakalma ang sarili.
"Ang galing mo talaga," bulong ni Katrina, sabay halik sa kanyang leeg.
Ngumiti si Drew, pero hindi umabot ang ngiti sa kanyang mga mata. "Ikaw din."
"Gusto mo pa?" Tanong ni Katrina, sabay ang pagdantay ng kamay nito sa kanyang hita.
Bahagyang nag-alinlangan si Drew, pero ayaw niyang maging halata. Kailangan kong malaman kung bakit ko naisip si Almira.
"Mamaya na lang," sabi niya. "Magpahinga muna tayo. Napagod ako sa biyahe."
Napansin ni Katrina ang kakaibang pag-iwas sa tinig ni Drew. Bumangon ito at tiningnan siya sa mata.
"Teka, may problema ba? Para kang biglang lumamig. Hindi ka ba masaya?"
Doon niya naramdaman ang bigat ng sitwasyon. Ayaw niyang saktan si Katrina, lalo na at alam niyang sabik ito sa kanya. Pero ang mukha ni Almira—ang pag-iimagine niya sa ibang babae habang kasama si Katrina—ay nagpaparamdam sa kanya ng matinding pagkakasala.
"Wala. Sobrang saya ko," pagsisinungaling ni Drew, sabay yakap ulit kay Katrina nang mahigpit. "Masyado lang talagang nakakapagod ang linggong ito. Gusto ko lang munang matulog nang mahimbing kasama ka."
Hinalikan siya ni Katrina sa labi, matagal at puno ng pagmamahal. "Okay. Dito lang ako, mahal ko."
Ipinikit ni Drew ang kanyang mga mata, ngunit hindi siya makatulog. Sa dilim ng condo ni Katrina, tanging ang mukha ni Almira ang nananatiling malinaw sa kanyang isip.
POV Almira
Umaga na, at ang tanging nararamdaman ko ay ang tindi ng sakit ng ulo. Hang-over mula sa alak kagabi. Kahit alas otso pa lang, ramdam ko na ang sikat ng araw sa bintana ng Nurses' Station. Dapat sana, nagpapahinga pa ako sa bahay, pero narito na ako, nakaupo, at pilit na inaayos ang sarili ko para sa susunod kong shift. Sabi ko sa sarili ko, mamaya na ako magkakape.
Pero hindi ang hang-over ang pinakamabigat na dala ko.
Kailangan ko na talaga makita ang diary ko.
Nakatulala ako sa blankong pader. Ano ba talagang gagawin ko? Ang diary na iyon... hindi lang iyon libro na punô ng sulat-kamay. Iyon ang naging kasama ko, ang saksi sa lahat ng pinagdaanan ko.
Kasama ko na siya simula nung high school pa lamang ako.
Ang diary ang naging kasama ko simula ng mawala ang mga magulang ko. Parang best friend na hindi nagsasalita, pero nakikinig sa lahat.
Naalala ko ang mga araw na naiiwan ako sa bahay kasama si Archie, habang kailangan magtrabaho ng kuya Aiden ko, at the same time, nag-aaral siya para mabuhay kami. Ang daming gabing umiyak ako habang nakayakap sa diary, sinasabi sa mga pahina nito ang pangungulila ko. Ang daming beses na isinulat ko doon ang tagumpay ni Kuya Aiden, ang pagmamahal ko sa kapatid ko, at ang mga simpleng kaligayahan namin.
Nakatulala ako habang nakaupo, iniisip ko ang hirap na dinaranas namin noon.
Ang tanging diary lamang ang kasama niya kapag siya ay nalulungkot at masaya.
Nakapuwesto ako sa sulok ng Nurses' Station, nakatulala at abala sa pag-iisip kung paano ko hahanapin ang diary ko. Hindi ko man lang namalayan na may tao na pala sa harap ko.
Biglang sumulpot si Drew sa harapan ko. Nakatingin siya nang diretso sa mukha ko, na tila sinusuri ang bawat detalye ng pagmumukha ko. Ang lapit niya... at ang lakas ng tama ko pa sa ulo dahil sa alak kagabi.
"Kanina ka pa diyan?" nagtataka kong tanong, sabay hawak sa sentido ko. Pilit akong ngumiti, kahit sobrang sakit ng ulo ko.
Nakangiti siya, iyong ngiti niyang parang alam niya ang lahat, at mas lalo siyang gumuwapo sa suot niyang simpleng T-shirt at jeans.
"Yes, kanina pa kita pinagmamasdan," malambing niyang sagot, at hindi ko naiwasang makaramdam ng init sa pisngi ko. "Ako ba ang iniisip mo? Nandito na ako."
Aba, feeling nito! bulong ko sa sarili, sabay taas ng kilay. Ang kapal talaga! Alam kong nagpapagaan lang siya ng atmosphere, pero sa sitwasyon ko, parang gusto kong sungitan siya.
Pero iba ang lumabas sa bibig ko. "Ah, sorry. May iniisip akong iba, at hindi ikaw 'yon."
Hindi ko alam kung bakit ko pa iyon sinabi. Dapat ay nagtanong na lang ako kung bakit siya naroon. Pero kailangan kong panindigan ang pagpapalusot ko.
Nawala ang ngiti ni Drew, pero hindi nagalit. Tila may lungkot na dumaan sa kanyang mga mata.
"Ganoon ba?" tanong niya, at iniba na ang usapan. "Ano bang iniisip mo? Mukhang malalim."
Hindi ko masabi sa kanya na ang iniisip ko ay ang diary na punô ng mga lihim ko, lalo na ang mga lihim na may kinalaman sa akin at kasama ka nga pala dun. Ang inis ko sayo! kahit hindi pa kita kilala at nakikita dati.
"Wala. Trabaho lang," pagsisinungaling ko ulit. "Teka, anong ginagawa mo rito, Drew? May sakit ka ba?"
Lalo siyang lumapit, at bahagya siyang yumuko para maging level ang mukha namin.
"Gusto lang kitang makita. Alam mo namang hindi buo ang araw ko kapag hindi kita nakakausap."
At doon, pakiramdam ko, nag-init ang buong mukha ko. Hindi ko alam kung dahil sa hang-over o dahil sa sinabi niya.