Almira POV Pagkaalis namin sa bahay ni Kuya Aiden, halos buong biyahe ay tahimik kami ni Drew. Walang nagsasalita sa amin, pero ramdam ko pa rin ang bigat ng mga sinabi ni Kuya. Pagdating namin sa condo, agad kong inalis ang heels ko at naupo sa sofa. Gusto kong magpahinga, pero lalo lang akong napagod sa mga iniisip ko. Si Drew naman, tahimik lang na nakatingin sa’kin. Ilang minuto ang lumipas bago siya lumapit. “Pagod ka na?” tanong niya. Tumango lang ako. “Oo, sobra. Ang hirap umarte sa harap ni Kuya.” Tahimik siya saglit, tapos marahan siyang umupo sa tabi ko. Ramdam ko ang titig niya kahit hindi ako lumilingon. “Almira…” mahina niyang sabi. “Alam kong biglaan lahat ‘to—‘yung kasal, ‘yung gulo, ‘yung kontrata.” Napatingin ako sa kanya. Diretso ang tingin niya, seryoso, pero may

