Almira POV Pagpasok namin sa kuwarto, agad kong binuksan ang ilaw. Ang bango ng silid, may mga puting bulaklak sa mesa, champagne sa gilid, at petals sa kama. Great. Pati kwarto, mukhang pang-honeymoon talaga. Hindi pa man ako nakakaupo, bigla nang nagsalita si Drew habang nakangiti nang pilyo. “Tara na, umpisahan na natin ang ating unang honeymoon.” Napalingon ako, halos malaglag ang panga ko. “Ano ka ba, Drew?! Pwede ba? Wala nang tao, no! Dun ka sa sofa matulog!” inis kong sabi habang nagkrus ang mga braso ko. Tumaas ang kilay niya. “Aba, mag-asawa na tayo, ha.” “Sa papel lang!” mabilis kong balik. “Wala nang kung anu-ano pa, okay? Dun ka nga sa sofa!” Napangiti siya, parang lalo lang siyang naaliw sa inis ko. “Okay, dun na ako sa sofa... pero sa isang kondisyon.” “Ano na nama

