Almira POV Simula nang marinig niya ang pag-uusap ng dalawang crew kanina, desidido na siyang iwasan ang binata. Kahit anong mangyari, alam niyang sa huli, siya rin ang masasaktan. Kaya kahit nagte-text si Drew at nagtatanong kung bakit siya umiiwas, pinilit niyang huwag sagutin. Second day na ng shooting nila Drew at Katrina. Matapos ang isang take, lumapit sa kanya si Katrina. “Hi, you’re Almira, right?” malambing na sabi nito. Pilit siyang ngumiti at tumango. Ewan niya, pero parang may bumara sa lalamunan niya. “Wala pa si Drew, mamaya pa kasi ang take niya. Magkaibigan daw kayo, naikuwento niya sa akin. Alam mo, sweet ng boyfriend ko na ‘yun, at ang friendly pa,” nakangiting sabi ni Katrina. “Mabait nga siya,” pilit niyang sagot, sabay ngiti. “Ah, sige, may gagawin pa kasi ako,”

