Almira POV Lumipas ang dalawang buwan na wala na silang contact ni Drew. Hindi na ito nagte-text o tumatawag, at ni minsan ay hindi na muling pumunta sa ospital. Biglang tumahimik ang buhay niya—ang buhay na minsang ginulo ni Drew. Ngunit sa katahimikan, bigla niyang naramdaman ang pagkamis sa binata. Ngayon, kontento na lang siya sa panonood ng mga interview nito sa TV at sa bagong teleserye niya. "Mamahalin ko na lang si Drew sa malayo. Sanay naman ako ro’n... ang magmahal nang malayo." “Uy, labas naman tayo! Inom tayo. Mababaliw na ako sa stress dito sa ospital. Gusto ko nang masayaran ng alak ang lalamunan ko!” reklamo ng baklang si Martin. “Uy, bunganga mo naman!” saway ni Bea. Napatawa si Almira sa kanila. Kahit papaano, nalilibang siya sa mga kaibigan. “Ano, game na?” nakangi

