CHAPTER 1
*/thundering
Isang gabi, nasa loob ako ng munti naming kubo at gumagawa ng takdang aralin...
"Eli, anak tumakas kana sige na" wika ni nanay na mukhang pagod sa kakatakbo
"nay bakit po?" tanong ko ng may kyuryosidad
"sige na anak, makinig ka kay nanay" tugon ni nanay na para bang takot na takot
Maya maya pa ay may mga dumating na taong may bitbit na itak, palakol, mahabang kawayan na may apoy, at iba.
"Lena lumabas ka diyan!" sigaw ng isa sa kanila.
Dali-daling lumabas si nanay. Hindi nya ako pinasunod pero sumuway ako, lumabas din ako ng bahay at sinundan sya.
Nang lumabas si nanay, isang taga baryo ang nagsalita...
"Umalis na kayo dito. Hindi kayo karapat dapat sa baryong ito mga malas!" Pasigaw na tugon nito
Nang hindi kona makayanan ang pangungutya nila kay nanay, sumabat na'ko sa usapan.
"Bakit nyo po kami pinaaalis? wala naman po kaming ginagawang masama ah" pagmamakaawang tanong ko.
"Walang ginawang masama? Eh kayo nga ang malas sa baryong ito. Lahat ng dumidikit sainyong pamilya, minamalas! nadidisgrasya! Kaya dapat sainyo palayasin na!" Tugon saakin nito.
Isa-isa nilang itinapon ang dala nilang apoy at hinarangan kami ni inay ng dala nilang itak para hindi kami makalapit sa bahay.
Umiiyak ako.... ngunit hindi sa takot. Umiiyak ako dahil sa pagkaawa kay nanay. Dalawa na lang kasi kami sa buhay sa baryong iyon. Wala na kaming ibang pupuntahan pag pinalayas pa kami doon. Walang binanggit saakin si nanay na kamag-anak nya o ni tatay kaya wala akong alam na matatakbuhan. Huminto ang paligid ko nung itulak ako ni nanay at nagpumilit na ihinto ang pagsunog sa bahay. Isang tagabaryo ang bumwelo at ibinato ang isang bagay sa bahay ngunit iba ang natamaan....si nanay. Nasaksihan ko kung paano sya natamaan at kung paano sya bumagsak. Nasaksihan ko lahat....
"Inay!" sigaw ko sabay takbo at hinawi lahat ng nakaharang saakin
Pagkatapos ng pangyayaring iyon, isa-isa silang umatras at lumayo. Iniwan nilang nasusunog ang aming bahay at sugatan ang aking ina. Dali-dali kong pinuntahan si nanay at nilapat ang ulo nya sa hita ko.
"Nay, nay kumapit ka po" umiiyak na tugon ko
"Anak pasensya kana ha, ganito ang buhay na ibinigay sa'yo ng nanay. Wag mong hahayaan na apihin ka din ng mga tao ah, ipangako mo 'yan kay nanay.... mahal na mahal kita anak" naghihingalong wika ni nanay
"Pinapangako ko po inay" umiiyak na sagot ko
Pagkatapos noon ay nawalan ng buhay si nanay.
Ilang araw akong pagala-gala sa baryo para humingi ng tulong ngunit walang gustong tumulong saakin dahil sa usap-usapang lahat ng mahahawakan ko'y mamalasin o di kaya'y madidisgrasya. Hanggang sa isang araw, napadpad ako sa bus terminal.
"Yhael?" ani ng ale sa terminal.
"Po? a-ako po?" sagot ko.
"Nako anong nangyari sa pamangkin ko diyos ko ba't ang dungis dungis mo?" pag aalalang tugon nya
"Sino po kayo?" tanong ko.
"Ako si Lanie, kapatid ko tatay mo" pagpapakilala nya.
"Si - si tatay?"
Hindi ko nga nakilala si tatay tapos sasabihin nyang kapatid sya ni tatay?
pano kung niloloko lang ako ng aleng ito?
Yan ang mga tanong na pumasok sa utak ko nung banggitin nya si tatay. Gusto kong makita ang tatay ko. Gusto kong itanong sakanya kung bakit nya kami iniwan, bakit hindi nya man lang ako binisita. Namatay si nanay ng wala sya, kaya ayaw kong kilalanin sya bilang ama.
"Halika sumama ka sakin, dadalhin kita sa lugar namin" pag anyaya ng ale
"P-po? isasama nyo po ako?" tanong ko
"Oo, aalagaan kita dun. Nandon din ang tatay mo" pangungumbinsi nya
Ayaw ko man sumama pero wala akong magagawa dahil wala nakong uuwian. Sumama ako kay tita Lanie at pumunta sa Albay.
—TO BE CONTINUED—