------
°Eli's POV°
------
AFTER 7 YEARS...
Pitong taon na ang lumipas at sariwa pa rin sa isipan ko ang nangyari noong labing isang taong gulang palang ako.
Nang dinala ako ng tita ko sa Albay, nakilala ko sa unang pagkakataon ang tatay ko. Masakit sa loob dahil lalapit ako sa taong nang-iwan samin at pinabayaan kami sa loob ng 11 years. Hanggang ngayon, kay tita Lanie ako lumalapit at nagsasabi pag may kailangan ako. Ayokong magkaroon ng utang na loob kay tatay.
"Uhm tita, labas po muna ako" paalam ko kay tita na nakaupo sa sofa
"Sigurado ka Eli, akala ko ba ayaw mong lumabas?" pagtatakang tanong ni tita.
"Susubukan ko lang po, pangako hindi po ako didikit kahit kanino" paninigurong tugon ko
"Mag ingat ka anak" wika ni tatay
Tinignan ko lang sya saka umalis.
-------
°AENA'S POV°
-------
I'm Aena, seventeen years old. Isa akong grade twelve student and only child. Hindi naman sa isa akong spoiled brat pero nakukuha ko ang gusto ko. In short, galing ako sa may kayang pamilya. I'm not a girl na mapili sa kakaibiganin kaya close ko halos lahat ng nakatira sa zone namin.
"Ma, labas lang po ako" paalam ko kay mama
"Sige anak mag iingat ka" wika ni mama
I just smiled at her.
When I'm on my way, may matandang babaeng may bitbit na basket ang naglakad.
"Should I help her?"
Of course, hindi ako nagdalawang isip na tulungan ang matanda.
her basket has some stuff like may baso, palayok, may mga dahon din and may isang knife. I just carried the basket for her and walked her home when a boy passed me by. Dumaan lang sya pero may kakaibang aura akong naramdaman.
Walang anu- ano'y napigtas ang handle ng basket na dala ko. The knife slide down and nahiwa ang palad ko. The boy passed by helped me at inalalayan nyako.
"Okay ka lang miss?" tanong nya
"mukha bakong okay? nasugatan na nga ako oh" pagsusungit ko sakanya
I don't know what happened to me... bakit ko sya sinigawan? all he wanted is to help me naman eh.
"I'm sorry miss" tugon nya
Hinatid namin ang matanda sa bahay nito at hinatid nya din ako sa bahay namin. Pag dating ko, nakita agad ni mama ang sugat ko kaya kumuha sya ng first aid kit para gamutin ako.
"Ay sus jusko po anong nangyari sa'yo Nana?" nag aalalang tanong ni mama
"it's just an accident ma" panatag naman na tinig ko
"Thank you nga pala sa pag tulong sakin, and also sorry kasi nasigawan kita kanina" ani ko sa tumulong sakin.
"Nako wala yun" sabi nya sabay kamot sa ulo
"Oh before I forgot, may I have your name? para naman makabawi ako sayo" tanong ko sakanya
"ah... ako si Yhael, Eli na lang" mahinhin na sagot niya
"Oh, hi Eli I'm Aena... but you may call me Nana if you want to" malambing kong tugon sakanya
It's weird but I have sense something on Eli. I don't know what it is but it's really strange.
"Dito kana mag meryenda hijo" sabat ni mama
"Ay wag na ho okay na po ako" nahihiyang sagot niya
"Hay nako Eli tara na dito kana mag meryenda, as a pambawi na rin for what you did to me" pamimilit ko sakanya at sa huli pumayag din sya
------
°Eli's POV°
------
"Hay nako Eli tara na dito kana mag meryenda, as a pambawi na rin for what you did to me" pamimilit ni Aena
Tumigil ang mundo ko ng hinawakan ni Aena ang kamay ko ng walang pag aatubili. Nakaramdam ako ng kilig pero mas nangibabaw sa isip ko ang takot na baka may mangyari ulit sakanya
Hinawakan nya ako sa kamay.... Hindi ba siya natatakot? Paano kung masugatan ulit siya? kasalanan ko nanaman to. Pero... bat parang iba pakiramdam ko?
"Eli? are you okay?" pag tatanong nya ng may mapupungay na mata
"Ahh...o-oo okay lang ako" sagot ko sabay sunod sakanya sa kusina
Tinitignan ko lang ang kamay niya na nakahawak sakin habang papunta kami sa loob. Wala akong ibang nakikita sa paligid kundi siya lang. Ang tatamis ng ngiti niya, malambing pa magsalita.
"Eli? Eli..." naririnig kong tinatawag pangalan ko
"Eli!" pagpitik ni Aena sabay ng gulat ko
"Huh?? sorry po" paghingi ko ng paumanhin sabay kamot sa ulo
Sa mga oras na iyon, tanging ngiti ni Aena ang nakikita ko. Tanging mga mata nya lang ang papansin ko. Tanging si Aena lang ang mundo ko. Pero paano kung makarating din sakanya ang mga usap usapan tungkol sa'kin? matatanggap niya kaya ako? matatanggap niya kaya ang buong pagkatao ko?
TO BE CONTINUED...