CHAPTER 3

778 Words
Hindi ako makatulog buong gabi kakaisip sakanya. Pilit ko mang matulog, wala paring nangyayari. Siya lang ang nasa isip ko. Sinubukan kong i text si Aena pero inunahan ako ng hiya kaya hindi ko magawa gawa. */notif pops Aena: Still up? Totoo ba to? Arghh gabi na ah. Bakit gising pa sya? Hindi din ba sya makatulog? Ano isasagot ko? hindi ko alam pero bahala na. */texting Aena: Still up? Eli: Oo, hindi ako makatulog eh. ikaw ba? Aena: Same. idk why Eli: bakit naman? "Bakit naman?"??? talaga ba Eli? Ang korni ng sagot mo. Hindi nga alam kung bakit tapos magtatanong kapa? Napaka korni mo talaga. */texting Eli: Bakit naman? Aena: wala lang, hindi lang ako tinatablan ng antok Eli: Ako nga din eh, ano usap muna tayo? Aena: Sige ba Nag usap kami ni Aena buong gabi. Hindi mawari ang saya sa'king mukha habang kausap ko sya. Gusto ko pang makilala sya ng lubusan. Wala na'kong pakialam kung ano pa sasabihin ng ibang tao tungkol sa'kin. Pero pano ko sasabihin sakanya oras na malaman nya ang totoo? Matatanggap niya kaya ako? Sa kakaisip ko mg kung anu-ano hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Pag gising ko kinaumagahan, nakita ko si tita Lanie na nagluluto ng umagahan. "Oh, Eli. Gising kana pala. Tara kumain kana at nang pumasok kana sa school. Diba ngayon first day mo sa school" ani tita "opo tita" sagot ko. Pagkatapos ko kumain, naghanda nako papuntang school dahil first day of school ngayon. Madaming mga bagong mukha akong nakita. Hindi ako sanay sa bagong school na pinasukan ko. Pinagtitinginan ako ng mga tao pero hinayaan ko lang sila. Pumunta ako sa registrar's office para hanapin ang pangalan ko. May babaeng tumabi sakin at akala ko'y isa lang na estudyante na naghahanap din ng pangalan nya sa list of students. "Found your section already?" ani babae. "Hindi pa eh" sagot ko "I'll help you, what's your surname?" tanong nya "Yhael.... Yhael Prado" sagot ko ulit Tumingin sya sakin... "Eli? ikaw pala yan" "Aena, dito ka din pala nag-aaral?" gulat na tanong ko "Yeah, I'm studying here since freshmen year" sagot nya Masaya ako nung nalaman kong dito din pala nag-aaral si Aena. Sa wakas makakasama kona din sya ng madalas. ——————— °Aena's POV° ——————— "Sissy!!" my friend Jessica called me "Uhm excuse me Eli ah" paalam ko sakanya Iniwan ko si Eli sa window 3 and I went to my friend. "Sino yun? kasama mo?" tanong nya sabay nguso, pointing at Eli. "Oh... he's Eli, new friend ko" sagot ko "Ahh" imik nya with a little bit of side eye. When she look at Eli with that attitude, nagtaka ako na may halong inis. It's like she's judging Eli kaya nag tanong ako "ba't ganyan ka maka tingin? may atraso ba sa'yo yung tao?" tanong ko "Nothing, may I ask few things Nana?" sabi nya "Yeah what is that?" pabalik kong tanong "Kapag magkasama ba kayo do you feel something strange or sometimes something bad happens when you're with him?" diretsahan nyang tanong "What kind of question is that?" tanong ko ulit "Wala lang sis, I'm just worried about you" sabi nya "worried? about what? may dapat ba'kong malaman? what is it?" sunod-sunod kong tanong "I just heard some rumors about that guy. He's dangerous daw kasi. Lahat daw ng mahahawakan nya or didikit sakanya madidisgrasya or something bad will happen like... i don't know" paliwanag nya "At kailan kapa naging chismosa? ba't ba naniniwala ka sa mga kwentong ganyan? Eli is a good friend okay. Last mona yang kwentong yan tungkol kay Eli ha, if I heard na ponagchichismisan nyo s'ya again ako makakalaban nyo" galit akong umalis at dumiretso sa room ko —————— °Eli's POV° —————— Nag paalam sa'kin si Aena na pupuntahan nya kaibigan nya kaya pinagpatuloy kona lang ang paghahanap sa pangalan ko "12 Margaux? Room 304" Pagkakita ko sa pangalan ko, agad akong umalis para sana sabihin kay Aena na nahanap kona pangalan ko pero nung papalapit na'ko sakanya, bigla naman syang umalis at parang galit kaya hinayaan kona lang sya at pumunta na sa room ko. */on the classroom "Okay class Good morning, I am your teacher in Philosophy, Carmela Villamor" "Good morning ma'am! sorry po late ako" hinihingal kong sabi "Please take your seat mister" tugon ng teacher ko umupo ako sa isang bakanteng upuan at nirefresh ang utak ko "Eli?" wika ng isang estudyante lumingon ako at laking tuwa ng siya ang makita ko "Aena!" TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD