(Erlon’s POV) “Hi Sir Erlon,” agad na bati sa akin ng co-teacher ni Elly ng mabungaran ko siya sa hagdan paakyat sa principals office. “Hi, si Elly?” bati ko rin sa kanya saka ako ngumiti. “Nasa office pa po si Ms. Elly,” mayamaya ay sabad ng isa pa nilang co-teacher na may mga dalang papel. “Is it for her? Can I bring that to her?” I ask na agad din naman niyang tinanguan. Agad niya ring iniabot sa akin ang mga dala niya saka sila nag-paalam at tuluyang umalis ng isa pang teacher kaya tumuloy na lang din ako. Napangiti na lang din ako ng makita kong abalang-abala si Elly sa mga papers na nasa office table niya pagdaaan ko sa bintana. Hindi ko na rin siya inabala pa at pumasok na lang din ako kaagad saka ako dumiretso sa mesa niya. “Saan ilalapag ang mga ‘to Ma’am?” I ask her saka lang

