(Triz’s POV) “Kahit kaylan masakit para sa isang ina na kuwestyunin siya sa pagpapalaki at pagde-desisyon para sa anak niya, na para bang wala siyang nagawang tama at napaka-sama niya,” Forest suddenly said matapos na umalis ni Daun sa harapan namin. “This is wrong in any way Forest!” muling hiyaw ni Kyrre but this time ay kay Forest na ang mga hiyaw na ‘yon. “Are you right? Tama ba na ilihim mo sa lahat lalong-lalo na kay Daun na hindi pa tapos ang problema? Kaya ka nga pumayag na umalis siya hindi ba? Hindi bobo si Daun Sylvania!” balik hiyaw ni Forest sa kanya na agad ring ikinatahimik ni Kyrre. “Alam niya ang totoo, hindi ko rim alam kung paano o kaylan pa. Basta isang araw someone tried to hurt her here, pero nalampasan namin, nalusutan namin ‘yon at doon ko nalaman na alam niya an

