(Daun’s POV) Napatitig ako sa nararamdaman kong nakayakap sa akin mula sa likuran ko saka ako napatingin sa anak ko na nasa harapan ko at natawa na lang din ako sa pwesto naming tatlo. Hindi ko kasi akalain na iipitin nila ako ng ganito sa gitna nila but I like it. Hindi na lang din ako gumalaw and I remained looking at Kyrro na nasa harapan ko and I smile when I hear his little snores. Umaga na pero humihilik pa siya, siguro napagod siya sa kaka-laro kasama si Kyrre at ‘yong iba pa. Nakapahinga kasi kami ni Forest kaya sila ang nagaalaga kay Kyrro, tinulungan din sila ni Maria noong umpisa pero pinagpahinga ko rin siya dahil siya madalas ang kasama ni Kyrro kapag wala ako. Bukas ay graduation na namin, we’ll also celebrate here saka kami uuwi para muling mag-celebrate doon and to stay

