Sakay ang private plane. Nakarating din kami sa Isla na tinutukoy ni Calvin. Gabi ’yun kaya hindi ko pa nakita ang buong paligid. Ngunit nakarating naman kami sa isang rest house na bungalow type. Pero isang modern design bawat interior, hahanga ka. May ilaw na ang bahay pagkarating namin. May Aircon rin na umaandar. Ibig sabihin talagang may nakatira rito sa Isla. "Come in, Ella." Giniya ako ni Calvin patungo sa loob ng bahay. Sumunod naman ako sa kanya habang nilibot ang tingin sa buong paligid. Sobrang tahimik rito. "Nasaan ang taong ipakilala mo sa akin?" kuryuso kong tanong habang sumusunod sa bawat hakbang niya. "Maybe she's resting upstairs. Alam niyang pupunta ako ngayon kaya baba rin ito...Here, drink a lot of water." Tumango ako saka tinanggap ang tubig na ininom niya. W

