"Ma'am, bagay sa inyo ang suot niyo," puri ni Benjamin habang pasulyap-sulyap siya sa akin sa front mirror.
Kahit na ganoon, gumaan ulit ang naramdaman ko dahil nakarinig ako ng isang salita na kahit paano, hindi lang pala ako ang nagandahan sa sarili ko.
"Thank you. Hindi nga ako sanay magsuot ng ganito."
"Ang dapat niyong gawin, Ma'am. Maging confident na kayo sa sarili niyo. Gusto kasi ni bossing ang babaeng may confidence. Hindi nahihiya, hindi natatakot, marunong din po tumayo sa sariling mga paa na hindi kailangan ng tulong ng iba. Gusto niya rin ang matapang na babae."
"Bakit mo alam na ganoon nga ang gusto ni Calvin sa isang babae?"
"Iyan kasi ang katangian na nakikita ko kay bossing. Matagal na akong naging bodyguards niya, kilala ko na si bossing. Baka iyon din ang hanap niya sa isang babae. Kung alam niyo lang talaga, kahit hindi man kagandahan ang isang babae kung malakas lang ang confidence sa katawan, tiyak magugustuhan naming mga lalaki."
"Ganoon ba iyon, Benjamin?" Singhap ko. Napanguso na lang dahil wala sa mga katangian ko ang ideal girl ni Calvin.
"Oo, Ma'am kaya dapat malakas ang confidence mo. Huwag mong iisipin ang sasabihin ng ibang tao. Dapat taas noo kayo palagi, nakakaganda iyon sa mga babae."
Dahil sa pinag-uusapan namin ni Benjamin sa kotse. Kahit mababa ang self-confidence ko dahil sa aking katawan. It lightens my mood again.
Sa kotse pa lang. I practiced myself. Sinimulan kong ituwid ang sarili ko. I started looking up. Habang palapit ako sa Hotel na pagdadausan ng event. I started acting confidently in the car. Natawa na nga si Benjamin sa akin dahil panay ayos ako sa aking pag-upo.
"Nandito na tayo, Ma'am. Huwag kayong mag-alala nakasunod lang ako sa likuran niyo. Ang sabi ni Mr.Calvin na huwag ko kayong iiwan."
"Pwede ka naman dumistansiya sa akin, Benjamin. Bantayan mo lang ako sa malayuan. Ayaw kong may bodyguard na nakasunod sa akin sa loob. Baka pagtawanan pa ako."
"Walang problema, Ma'am. Kung kailangan niyo ng tulong, nandito lang ako."
I nodded my head. Tinanaw ko ang red carpet sa labas ng Hotel. Maraming mga camera man ang kumuha ng litrato sa mga bago lang din na dumating na mga celebrities, models, at iba't-ibang mga panauhin na sa industriya mo lang makikita. Maraming mga bibigating artista akong nakita.
"Sa likod lang kita, Benjamin. Huwag kang aalis, huwag mo rin akong iiwan habang papasok ako sa loob ng Hotel," sabi ko pa. Tumango lang ito saka nauna nang lumabas para pagbuksan ako ng pinto.
Ngayon pa lang, nagkaroon na ako ng tensyon. Sa totoo lang hindi talaga ako sanay na ma-expose sa publiko. Nahihiya ako dahil alam kong pagtatawanan ako ng mga tao. Hindi rin ako sanay humarap sa mga camera. Pero dahil gusto kong makita ni Calvin na kaya kong humarap sa mga tao na hindi nahihiya. I started smiling.
Pagkababa ko ng kotse. Hindi ko talaga niyuko ang pagmumukha sa mga reporters na sumalubong sa akin. Ngumiti ako sa mga kuha nila. I walk formally towards the red carpet. Akala ko kakausapin nila ako, e-enterviewhin kagaya noong mga dumating rin na kasali sa event. Pero lumihis lang sila ng daan, hindi nila ako pinansan at mas pinagtuonan ng pansin ang isang babae na sikat na artista. Kadarating lang din nito sakay ang isang SUV car. Nasa likuran siya ng kotse ko nakaparada.
She's wearing a see through dress na kulay pula. She's skinny, maliit ang bewang, maganda ang katawan. Sobrang sexy niya at bagay sa kanya ang suot nito.
Nagtagal ang titig ko sa babae dahil pinapalibutan na siya ng mga reporters. Maraming tanong sa kanya kagaya nalang ng upcoming movie nito.
I know her...Siya ang naging rumored girlfriend ni Calvin. Isa siyang famous actress dahil sa mga movie niya sa loob at labas ng bansa. Ilang beses na rin silang magkatrabaho ni Calvin sa kabilang Entertainment Company.
Sa daming mga tanong ng reporters sa kanya. May iilang tanong ang nagpakuha ng atensyon ko.
"Ms. Eudora Lee, bakit hindi niyo kasama si Calvin Klein na dumating sa event. Naunang dumating si Calvin...Hindi ba't may bago kayong gawa na movie at magka-loveteam kayo sa bago niyong pelikula. Hindi niyo ba na pag-usapan ito na dapat isama ka niya sa red carpet?"
Ngumiti nang malawak iyong Eudora Lee. She confidently face all the reporters.
"Well, inalok ako ni Calvin na magkasama sana dapat kami sa event na ito pero dahil gusto kong mag-isang maglakad sa red carpet. I declined his invitation. Gusto kong magkaroon ng solo exposure."
Napatitig ako doon sa sikat na actress. Para akong natuod habang sinusundan siya ng tingin. Naglakad pa ito sa harapan ko habang kausap niya ang mga reporters. Hindi ko maiwasang mangilit sa sobrang lakas ng appeal niya.
Nakatulala lang ako sa kanya. Kundi lang ako tinawag ni Benjamin na kailangan ko na ring sumunod sa paglalakad sa red carpet. Hindi sana ako makagalaw.
Sa likuran ng mga reporters at sa likuran ni Eudora naka sunod lang ako sa kanila habang naglalakad kami sa pulang aisle. Papasok ng Hotel.
Lahat ng atensyon nasa kay Eudora lang. Habang nagmumukha naman akong assistant sa likuran dahil hindi man lang ako binigyan ng exposure sa red carpet dahil pinagkaguluhan na ang sikat na actress. Nagsisi pa tuloy ako kung bakit sumunod ako agad.
"Coincidence ba ito na magkasunod kayo ni Calvin sa pagdating?" another reporter asked.
"Totoo ba na may relasyon kayong dalawa kaya palihim ang pagkikita niyo?"
Umangat ang tingin ko roon sa isang reporter na nagtatanong nu'n. Narinig kong tinawanan lang siya ni Eudora Lee.
"Actually, we didn't know na magkasabay pala kami sa pagdating. We didn't communicate though. Huwag niyo nang lagyan ng malisya ang ginagawa namin. Wala kaming relasyon. Fake news ang naririnig niyo tungkol sa amin ni Calvin. We're just friends... Oh, by the way. We're just having our upcoming new movies. Sana panoorin niyo.... Please, excuse me."
Tuluyan nang nakawala si Eudora sa mga reporters pero siya pa rin ang pinag-uusapan.
Natapos na rin ang paglalakad ko sa red carpet na hindi man lang ako tinanong ng mga reporters nang kung ano-ano. Hindi rin ako kinukuhanan ng litrato. I was just walking normally.
Ganoon nga siguro kapag nasa industry ka. Kung hindi ka sikat, hindi ka kilala. Walang kakausap sa'yo. Hindi ka rin bibigyan ng atensyon, you're just a nobody.
Okay na rin ito. Ayaw ko rin malagay sa balita at pagtawanan ng mga tao. Sa kagaya ko na anak pala ng may ari ng Entertainment Company. Ayaw ko talaga ng atensyon, ayaw kong ma-expose dahil mahirap pag sikat ka na..kaunting kibot mo, bibigyan ng malisya. Konting galaw mo may masasabi na ang ibang tao. Maski sa issue mo, hindi na iyan kakalimutan ng mga tao. That's why I tell my father na huwag niya akong ipakita sa publiko.
Unlike if you're just a nobody. Isang simpleng tao, walang issue, walang masasabi ang mga tao sa'yo. Ang tanging manghuhusga lang, iyong mga taong nakakilala sa'yo.
Pagkapasok ko sa hall ng event. Marami na akong nakikitang mga familiar na mukha na nakikita ko sa news, sa magazines, sa television, sa social media. Halos lahat ng nandito puro mga celebraties, influencers, mga politics, mga tao na sobrang yaman.
Tinitingnan ako ng mga tao habang naglalakad ako sa gitna. May malaking espasyo at doon dumadaan ang mga dumating. It's a green aisle. Maganda ang buong event. Parang nasa garden lang ako.
Tiningnan ko ang paligid, doon ko lang na pansin, pinag-uusapan nila ang itsura ko, pinagtatawanan. They keep on glancing on me, sabay tingin sa katawan ko pagkatapos natatawa pa sila ng patago.
Humugot ako ng malalim na hininga. Hindi ko na lang inalintana ang mga taong nasa paligid ko na tumitingin sa appearance ko. Hindi naman sila ang sadya ko rito, nandito ako dahil inimbitahan ako ni Calvin.
And speaking of him...hinanap ko ang presensiya niya sa dagat ng mga tao. At the same time, hinananap ko rin ang upuan ko. Lahat ng tables may mga pangalan, pero hindi ko nakita ang pangalan ko sa mga lamesa.
Kailangan ko pang dumaan sa mga lamesa na pabilog na may nakaupo na ring mga bisita para lang makadaan sa kabilang gilid.
"Ouch...hinay-hinay naman sa pagdaan. Ang laki ng katawan mo, tapos kung dumaan ka diyan parang hindi mo kami nakita!" May isang babaeng nadaanan ko na may hawak na drinks. Pinandilatan niya ako ng mata dahil nasasagi ko raw ang siko niya.
"Pasensiya na...may hinahanap lang akong tao."
Umirap ang babae sa akin.
"Gosh! Bakit may nasaling baboy rito, lumiit tuloy ang lugar," bulong niya sa kasamahan niyang babae sabay nagtawanan sila.
Tumitig lang ako sa kanila pagkatapos nagkunwari ako na hindi ko sila narinig. Nagpatuloy ako sa paghahanap kay Calvin. Hindi lang isang beses, dalawang beses na may nagrereklamo sa pagdaan ko sa kanilang lamesa. Umabot ng pang-apat na tao ang nagrereklamo.
"Hey! Watch your step. Sa sobrang laki ng bilbil mo, hindi mo ba kami nakikita na nakaupo rito? Your butt is touching my shoulder. Eww!" sabi pa noong isang babae na sobrang arte at makapal ang make-up.
"Staff yata iyan dito. Her face are not familiar," sabi pa noong isa. Sabay titig sa akin.
May kasamahan siya lamesa nila. Lahat sila nakatingin sa akin. As usual, hindi ko na sila pinatulan kahit pa masasakit na salita ang narinig ko. Yumuko lang ako at humingi ng pasensiya.
Parang pinagsisihan ko tuloy kung bakit pumunta pa ako sa ganitong event. Parang hindi ako welcome. Hindi ko akalain na sa kabila ng mga kasikatan ng mga nandito, masasamang ugali pala ang ma-encounter ko. Kahit maganda ang suot ko at nag-aayos ako sa sarili, hindi pa rin pala sapat.
"Ang panget niya!"
"Ang taba naman niya!"
"Gosh! Ayaw kong lumaki ng ganyan ang katawan ko. Nakakadiri pa lang tingnan kahit magsuot pa ng magandang dress, nagmumukha lang katawa-tawa," bulungan ng mga taong nadadaanan ko.
Nilunok ko ang lahat ng iyon. Kailangan kong maging manhid. That's why I can't be in this kind of gatherings, mas malala pa ang naririnig ko kompara sa labas.
Sa halos kalahating oras na paghahanap ko kay Calvin nakita ko rin siya sa may veranda ng hall. Naabutan ko siyang nasa railings, kausap ang isang babae na familiar na naman sa akin. Kung hindi ako nagkamali siya iyong babaeng na-link rin sa balita na may relasyon din sila ni Calvin. Pero walang napatunayan ang mga tao na totoo iyon pero nakita lang sila ni Calvin na sabay na lumabas ng isang Hotel. Matagal na ang issue na iyon, hindi pa kami kasal.
Marami-rami ang taong nandito sa veranda. Medyo dark rin ang ilaw rito pero may neon lights at maingay ang sounds kompara sa loob ng hall. Dito may bar counter na may mga inumin. Marami ring nagsasayawan sa gitna.
Umupo ako sa isang upuan na walang mga tao. Bakante lang dito at natatanaw ko lang si Calvin.
Hindi ko naman siya pwedeng kausapin dahil nasa usapan na namin na bawal akong dumikit sa kanya kapag nandito na kami. Pero dapat daw nakikita niya lang ako. Iyan ang usapan.
Saktong may dumating na taga-hatid ng wine. Kukuha na sana ako pero agad nilayo noong waiter ang mga wine na hawak nito.
"Ma'am, pasensiya na pero ihahatid ko po ito sa kabilang lamesa. Kung gusto niyo pong uminom. Kailangan niyong pumunta doon sa bar counter para kumuha." Tinuro niya ang bar counter na may mga lalaking naka upo roon sa mga high chair.
"Ah...okay."
Umalis na iyong waiter. Binaling ko naman ang atensyon doon sa kinatatayuan ni Calvin na nasa kalayuan. Kausap niya pa rin iyong babaeng actress. Pansin ko na hinahawakan siya nito sa bandang dibdib. Nagtawanan ang dalawa. They seems flirting.
Sumandal si Calvin sa railings. May binulong siya roon sa babae habang may hawak itong wine sa kanyang kamay. Nakita ko talaga ang pag ngiti niya noong matapos niyang bulungan ang babae. The girl in front of him was also whispering in his ears. I saw a lot of women here who were watching him from afar, halos mabali na ang leeg nila katitig kay Calvin, kagaya ko.
Bigla akong hindi mapakali sa nakikita ko noong hinapit ni Calvin ang bewang noong babae. Hindi ako comfortable na makita nang harap-harapan na may kalandian si Calvin. Alam kong hindi niya pa ako na pansin na nandito rin sa malawak na veranda.
Alam kong normal na talaga sa industriya na kailangan mong makipaghalubilo sa mga kasamahan mo para walang issue ang mga tao sa'yo. Pero kapag nasa harapan ko na pala kung paano makipag-usap si Calvin sa mga babae, nasisilaw ang mata ko. Uminit ang pakiramdam ko. Nakaramdam ako ng kaunting inis.
Iniwas ko ang tingin sa kanilang dalawa saka pumunta ako roon sa bar counter para kumuha ng inumin. I need to divert myself. Hindi ako dapat umasta na nasasaktan. Ayaw ni Calvin na pakialaman ko ang buhay niya. Kailangan kong tiisin itong selos na nadarama ko.
Pagkarating ko sa bar counter. Agad akong nag-request ng light ladies drink. Napansin naman ako ng katabi kong lalaki na nakatayo lang ako.
"Miss, you wanna sit?"
Bumaling ang atensyon ko sa lalaki. Nakangiti siya ng malawak habang inaalok ang upuan nito. Mula pa kanina siya pa lang ang tao na hindi ako nilalait sa unang tingin niya sa akin.
"Uh. Naghihintay lang ako sa inumin ko...Babalik rin ako sa upuan ko. No thanks." I smiled to him.
He's handsome, maputi, matangos ang ilong. May deep voice rin.
"Ow! Payag ka nu'n pre. Ikaw na nga ang nagmamagandang loob ikaw pa ang tinanggihan. Akala mo talaga kagandahan e...Sobrang taba naman." Biglang umimik ang katabi niyang lalaki.
Kumunot ang noo noong tisoy na lalaki saka binalingan niya ang lalaking kasamahan nito. Narinig ko na pinagalitan niya ito.
Sakto namang tapos na ang ni-request kong inumin kaya agad na akong umalis sa bar counter na iyon. Nakaramdam ako ng ka unti hiya. Hindi ko naman intensyon na mainsulto iyong lalaki sa pag-alok niya ng upuan sa akin. Gusto ko lang talagang pumirmi rito sa sulok habang pinagmasdan si Calvin.
Pagkabalik ko sa inuupuan ko bitbit ang inumin. Binalik ko ang atensyon kay Calvin ngunit laking gulat ko na lang nang mahuli ko siyang nakatitig na pala sa akin.
Madilim ang kanyang itsura. Taas ang kilay nito. Igting rin ang kanyang panga. Dahil sa neon lights na tumama sa kanyang mukha mas nakakatakot siyang tingnan. Nanaliksik rin ang titig nito sa akin.
Mag-isa na lang siya sa kanyang kinatatayuan. Nawala na iyong babaeng kausap niya kanina.
Dahil sa taranta ko sa titig niya, ininom ko nang walang pagdadalawang isip ang wine. Naubos ko ang lahat ng iyon habang nakapikit ang mata. My heart is pounding loudly, hindi niya pa ako tinitigan nang ganoon. Nakakatakot pala.
Noong naubos ko ang laman. Ngumiwi ako sa pait ng lasa nun pero medyo matamis kaya nalunok ko lang. Pagmulat ko sa aking mata upang tingnan ulit ang kinaroroonan ni Calvin, nagulat na lang ako nang makita ko ang isang pigura ng lalaki sa aking harapan. Pag-angat ko ng tingin, isang lalaki na natatawa habang nakatitig sa akin.
"Cute...ang lakas mo pa lang uminom." He smirked.
Siya itong lalaking kausap ko kanina sa bar counter. He's in front of me. Nakapamulsa.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" gulat kong tanong. Wala na siyang kasama.
He chuckled again pagkatapos inalok niya sa harapan ko ang wine.
"Mukhang ubos na ang kinuha mo sa counter. Here, dinalhan na kita."
Kinurap ko ang mga mata. Dahil sa kauna-unahang pagkakataon, may lalaking ngumungiti ng walang halong pang-insulto at nagmamagandang loob na bigyan ako ng inumin.
"Bakit ka pa nag-abala? Hindi ko naman hiningi na dalhan mo ako ng wine saka bakit nandito ka? Pinagtitinginan na tayo ng mga tao sa paligid, hindi ka ba takot na magka-issue?" wika ko pa sa pagkat pinagbubulungan na kami ng mga taong nasa paligid namin.
Base sa napansin ko, mukhang sikat rin siya na celebrity. Kaso hindi siya familiar sa akin.
Mas lalo siyang natawa at umupo pa nga ito sa sofa kung saan din ako nakaupo.
"Nah...hayaan mo na sila. Gusto lang kitang samahan rito, na pansin ko kasi na mag-isa ka lang."
"Okay lang naman ako. Huwag ka nang tumabi sa akin. Ayaw kong malagay sa balita kinabukasan." Nag-iwas ako ng tingin. Napatitig ako sa wine na inalok niya sa akin na hanggang ngayon hawak niya pa rin.
"Walang ganoon....promise walang lalabas na balita na kasama kita...Here, inumin mo na itong dala kong wine."
Napalunok naman ako. Biglang bumalik sa isipan ko si Calvin. Bumaling ulit ang atensyon ko sa kinaroroonan ng lalaki ang kaso nawala na siya roon sa may railings. Nilibot ko ang paningin sa paligid. Hinanap ang presensiya niya. Nakita ko na lang na palabas na siya ng veranda. Tanging likuran nito ang nakikita ko.
Hindi ko alam kung susunod ba ako sa lalaking iyon o kausapin itong lalaking nasa tabi ko.
"Pasensiya na...Doon muna ako sa hall. Tama na iyong na inom ko."
Mabilis akong tumayo para sundan si Calvin. Hindi ko alam kung ano'ng ginagawa ko rito sa event. Nandito lang ba ako para sundan kung saan si Calvin? Nandito ba ako para bantayan na lang siya at sundan kung saan ito patungo?
Napabuntong hininga na lang ako. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko rito. Hindi naman ako na enjoy, kadarating ko lang pero walang magandang nangyari. Bukod sa maraming mapanghusga, mas lalo ko lang din narinig bawat issue ng mga celebrities, including Calvin. Hindi lang pala isang celebrity ang may gusto sa kanya, kundi marami sila. Kahit sikat na artista at kilala sa industria. Gusto nila si Calvin.
Paglabas ko ng veranda. Nakita kong sinalubong si Calvin noong Eudora Lee. Nagtanguan silang dalawa pagkatapos sabay silang pumunta roon sa isang pintuan.
Saan sila pupunta?
Out of curiosity. Tumungo rin ako doon sa pinasukan nila. Pagkabukas ko ng pinto. Wala akong nakita kundi ang mahabang pasilyo at may mga pintuan ang madadaanan.
Naglakad ako sa tahimik na pasilyo. Pinapakinggan ang tunog. Sa ikatlong pintuan. Narinig ko ang mumunting tinig ng isang babae.
Lumapit ako doon sa pintuan. At doon narinig ko ang boses ni Calvin na may kausap siya sa kwarto.
"Itigil na natin ito, Eudora. I'm so sick of this. Before they could find out, we need to stop our fúcking relationship."
"No,. please...ayaw kong masira ang career ko. Kapag iiwasan mo ako, paano na lang ang career ko? Sa'yo ako umaasa, Calvin. Mas sumikat ako at mas bumango ang pangalan ko dahil sa'yo."
"Are you telling me that you're just using me for your career? You didn't love me in the first place?"
Natigilan ako sa narinig galing kay Calvin. Napatakip ako sa aking bibig. Hindi ko alam kung ano'ng magiging reaksyon lalo na't narinig ko mismo na may relasyon sila.
So totoo nga ang usapan sa balita na may relasyon silang dalawa nang palihim? Ayaw lang nilang aminin sa publiko?
"Of course not. Mahal kita...alam mo iyan. Ang kaso lang...sobrang babaw ng dahilan mo kung maghihiwalay lang tayo dahil nagsawa ka sa akin. That's not fair, right?"
"Nagsasawa ako sa paulit-ulit na lang na ganito. I'm fúcking jealous...Hindi mo kayang iwasan si Ervic? He's flirting with you...for fúcking sake!"
Umatras na ako palayo roon sa kwartong iyon. Hindi ko na tinapos ang pakikinig dahil halata naman sa usapan nila na may relasyon ito. Sumisikip ang dibdib ko. Nasasaktan ako dahil nagawa ni Calvin na magloko.
Mula noong kinasal kami, kung sino-sino nang mga babae ang na-link sa kanya at sumisikat ng husto. Ang kaso walang proweba ang mga tao na may karelasyon nga si Calvin kaya hindi rin ako naniniwala. Pero ngayong nasaksihan ko na may karelasyon siyang isang sikat na actress. Ang hirap tanggapin.
Sa pag-atras ko sa aking paa. Bigla akong natumba noong hindi ko ma-balance ang heels kong suot dahil sa panginginig ng binti ko. Bigla akong nasalampak sa sahig at nagkaroon ng ingay. Namutla ako nang wala sa oras lalo na't marinig ko ang boses ni Calvin.
"Who's in there!"
Mas lalo akong namutla. Bakit ngayon pa ako pinahamak ng high heels ko.