Cheating is a choice. Cheating is not a mistake. Nangilid ang luha ko dahil sa sobrang kirot ng dibdib ko. Ngunit pinigilan ko lang ito sa pamamagitan ng paghinga ko ng malalim. Sinubukan kong tumayo para makaalis na ako. Ayaw kong mahuli ni Calvin na narinig ko sila na nag-uusap tungkol sa kanilang relasyon. It's breaking my heart into pieces. Tinukod ko ang kamay sa pader. I tried standing my feet. Hinubad ko rin ang dalawa kong heels saka binitbit. Ngumiwi ako nang maramdaman ko na nagkaroon ako ng sprained sa paa. Sinubukan ko ulit na makatayo para lang hindi ako mahuli. Paalis na ako sa pintuan ng kwartong iyon kaso narinig ko ang yapak ni Calvin na palabas ng kwarto. Huli na para makaalis ako dahil tuluyan na siyang nakalabas ng silid at nakita niya akong nahihirapan sa pagtayo

