Sa araw ding iyon, wala akong gana sa gym. Napagpasayahan ko na pagkatapos kong nag-exercise. Hindi na muna ako uuwi ng bahay. Masiyado pang masama ang loob ko kay Calvin. Hindi ako uuwi hangga't hindi umaalis ang babaeng dinala niya sa mismong mansyon. It's breaking my heart, knowing that he had some other woman. Akala ko magiging masaya na ako kung mawala si Eudora. Pero hindi pala, mabilis lang para kay Calvin ang magpalit ng babae. Pagkatapos kong mag-gym, pumunta ako ng bar. Hindi pa ako nakapasok sa ganitong lugar pero ang sabi nila kapag pumasok ka raw rito. Makakalimutan mo ang problema. I hope... My heartaches fade away after I drink a lot of alcohol. Pumasok ako sa isang mamahaling club. It is a high end bar. Nag-order ako ng nakakalasing na inumin. Maingay ang paligid, mar

