Masakit ang ulo ko nang magising ako kinabukasan. Tanghali na nga akong nagising. Hindi na ako nakapasok sa school dahil sa kalasingan. Habang naliligo ako. Naalala ko ang mga pinag-uusapan namin ni Calvin kaninang madaling araw. Until now, I couldn't believe what I said to him without any hesitations. Maski makaramdam ako ng takot. Hindi ko ramdam iyon habang sinusumbat ko sa kanya ang mga hinaing ko. Ngayon ko lang naramdaman kung gaano ka delikado ang magagawa ng alak. Pwede mo pa lang masabi ang mga hinanakit mo na matagal mo nang kinikimkim. "Magandang umaga, Ma'am Ella. Tanghali na yata ang gising niyo," pagbati ni Aling Marikit nang makaupo ako sa dinning table. May nakahanda nang pagkain sa lamesa. Wala rito ang mga paborito kong pagkain. I'm still on diet. Hindi ko alam kun

