Mahirap ma-reject, masakit ang hindi ka matrato ng tama, kahit binigay mo na ang lahat. Hindi ka pa rin bibigyan ng halaga kapag hindi ka gusto ng isang tao. Ang hindi ko lang matanggap ang paulit-ulit na insulto na binibigay ni Calvin sa akin. Iyak ako nang iyak buong umaga pagkatapos ng encounter namin kagabi. Hindi ko maiwasang mag-breakdown dahil sa kalupitan na pinaranas ni Calvin sa akin. Nagkaroon pa ako ng sugat sa binti dahil sa bubog noong binasag niya ang bowl na may lamang ulam. Nagkaroon ng maliit na hiwa kaya ginamot ko ito sa kwarto ko. I can't really believe that I've faces many trial just because I love a man who doesn't see my worth. Nanghihinayang talaga ako...Kung paano niya sinayang lahat ng pinagpaguran ko. I've waited almost 10 hours pero iyon lang ang aabutin

