Walang magawa si Daddy sa naging desisyon ko na panatilihin ang kasal namin ni Calvin. Tuwang-tuwa si Marjorie Klein dahil bukod sa hindi ko pinirmahan ang divorce paper, gusto niya rin na magkatuluyan kami ng anak niya. Halos sambahin niya ako sa pasasalamat. I know my dad is very disappointed on me. Kahit na ganoon, mas gusto kong sundin ang tinitibók ng puso ko kay sa magpadala ako sa emosyon ko. Hindi naman siguro masama kong si Calvin ang pipiliin ko. I wanna give him another chance. Kung magkamali man ako sa tinatahak kung, landas. Wala akong ibang sisihin kundi ang sarili ko dahil pinili kong maging mesirable ang buhay ko kay sa pakawalan ang taong walang gusto sa akin. Hinatid ako ni Benjamin pabalik sa mansyon namin ni Calvin. Hindi ko alam kung nandoon ba ang asawa ko sa bahay

