Hindi ko na mabilang ang araw na nandito ako sa maliit na kwarto na gawa sa kahoy. I lost count because of too much suffering in here. But I'm still strong to face all of my challenges. I face a lot of worst, ilang beses akong nilagnat, ilang beses sumakit ang tiyan ko dahil sa mga pinapakain nila sa akin, minsan panis, minsan walang lasa. Minsan hindi rin nila ako pinapakain at pinapa-inom ng tubig nang ilang araw. Nagbago ang lahat mula noong balak akong ipapatay ni Calvin pero hindi tinuloy. He did something planned for me. Siguro pinahirapan niya ako dahil balak niyang unti-untiin ang paghihirap ko. Balak niyang makita akong naghihirap ng husto. Araw-araw din nakakatakot na ang limang lalaki na nagbabantay sa akin, lalo na si Caleb. Animo'y wala na itong awa kong pahirapan ako.

