I was hopeless. I was lost while thinking how to escape. Any moment, papasok na si Caleb at ang apat niya pang kasama para patayin nila ako dahil iyon ang utos ni Calvin. Gumawa ako nang paraan nang sa ganoon makatakas ako. Pilit kong tinanggal ang tali sa kamay ko ngunit sobrang higpit talaga. Pinapakawalan lang nila ako sa tuwing kakain na kaya kapag binalik nila ang tali mahigpit na naman ito. Kagaya na lang ngayon, alam kong limitado na lang ang minuto na mabubuhay pa ako. Pati kadena, hindi ko rin matanggal sa aking paa dahil kailangan pa ito ng susi. Ngunit huli na ang lahat dahil nakapasok na ang limang lalaki sa loob ng kulungan. "Parang awa niyo na...Huwag niyo akong patayin!" Pinagdikit ko ang dalawang palad saka lumuhod ako sa kanilang harapan. Sunod-sunod ang bagsak ng

