Hindi ko mawari kung bakit bigla na lamang akong naiyak habang tinatahak ang patungo ng altar. Ngumiti ako sa mga taong nadaanan ko. Hindi familiar sa akin ang ibang dumalo sa kasal pero may ilan sa kanila ang namukhaan ko. Ang huli kong nahagip, si Benjamin. Napasinghap ako pagkakita niya sa akin. Ganoon rin ako dahil sa gulat. Ngumisi siya. He's wearing a formal suit. Hindi na siya naka pang-bodyguard katulad noon. I remembered na siya ’yung tagahatid-kuha ko sa skwelahan noon. Isa rin siya sa pinagkatiwalaan ni Calvin para bantayan ako. How come he's here? Bakit ngayon ko lang siya nakita. Ngayon ko lang din siya naalala. Ngumiti ako sa kanya at tumango naman si Benjamin sa akin. Kahit marami akomg katanongan sa aking isipan, pinili kong itago na lang. Humugot muna ako nang mal

