I felt uncomfortable while sitting on a queen size chair. Katabi ko naman si Calvin na nakaupo rin sa isang king size chair. Kanina pa nagsimula ang kasiyahan dito sa venue ng kasal namin ni Calvin. Nasa fifty guest lang ang pwede sa loob. Kadalasan mga co-business partner ni Calvin ang nandito. Meroon ding ibang mga co-models na kasama ko sa fashion show. Marami ang natuwa at nagulat nang makita nila ako. Puno kami ng papuri ng mga bisita. "This is unexpected, iha. Sa lahat ng nagkagusto kay Calvin. Ikaw pala ang makakatuluyan niya." ‘yan ang kadalasan kong naririnig sa mga tao sa paligid namin. Wala akong kamag-anak maski isa rito. Lahat dito, ay si Calvin ang nag-imbita. Nagtanong pa nga siya kung may kamag-anak ba ako pero sinabi ko na hindi ko close at hindi ko kilala dahil

