Chapter 17: Chloe

2118 Words

"Wew?" hindi makapaniwalang bulalas ko, saka pa namaywang sa harapan nito. "Imposibleng hindi mo alam, empleyado mo iyon dito 'di ba?" Sa sinabi ko pa ay lalo lang hindi maipinta ang mukha ni Melvin, nagsisimula na naman itong mairita, imbes na naging okay na kami kanina dahil nakapag-sorry na ako. Well, gaano ba kasi katotoo na hindi niya alam? "Obligado ko bang alamin isa-isa ang mga pangalan nila?" palatak nito habang mariin akong tinititigan. "No. Pero nandito siya kahapon, pinuntuhan ka niya. So, ibig sabihin ay malapit siya sa 'yo at alam kong alam mo ang buong pangalan niya." "Basta Marvin lang ang alam ko. Huwag ka ngang makulit," palatak nito. Alam ko naman ding Marvin, pero hello? Ang dami kayang Marvin sa f*******:. Hindi ko naman pwedeng isa-isahin iyong mga nagngangalang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD