Kumuyom-sara ang kamao ni Robert. Hindi niya napaghandaan ang sinabi ng babae. Tama nga ang hinuha niya. Alam nito ang totoo. Hindi na siya magtataka kung bakit. Matalino si Azora. Naupo siya sa upuan niya kanina at matamang napatitig sa maamo nitong mukha. Mukhang bumalik na ito sa huwisto. Hindi nga lang siya sigurado kung walang bahid ng malisya ang pag-akto nitong nawawala sa sarili kung minsan. Pero sa tingin niya ay totoo ang pinapakita nitong pagkabalisa at takot. Bumuntong-hinga siya. "Hindi mo alam ang sinasabi mo," aniya. Akala niya ay magiging ligtas na siya sa mga tanong nito pero hindi niya inasahang magtatanong ulit si Azora. "It was you who carried me when I was poisoned in that room, am I right?" Nangunot ang noo niya. Hanggang kailan ito magsusupetsa? Bumuntong-hinga

