Naging usapan ng buong bansa ang kamatayan ni Anthony Clasiso. Naging isang high-profile case at hindi maintindihan ni Azora kung bakit naging laman ng balita, lokal man o nasyonal, ang nangyari kay Anthony. At sa nakalipas na mga araw, mas lalo siyang nabalisa. Sigaw ng mga tao ay hustisya at alam niyang hindi magtatagal ay mabubunyag ang tunay na nangyari sa gabing 'yon. Maging ang balita ukol sa pagkawala niya ay parang naanod sa rami ng tagasubaysubay sa kaso ni Anthony. Hindi na siya sigurado kung Clasiso lang ba ang nagpapalaganap ng balita o may iba pang mga sangkot sa likod ng maugong na pangalan ng namatay niyang nobyo. Halos hindi na siya makakain sa rami ng iniisip, at hindi makatulog dahil sa pagkabalisa. Napansin ni Robert ang kalagayan niya at minabuti nitong manatili sa b

