The Teleporter Ep 6

1692 Words
The Teleporter EP 6 Paglitaw nila Jam at Grey sa fire exit ng kabilang building ay nilinaw muli ni Grey ang bilin nya sa dalaga. "Remember, just walk casually. Don't let any people feel your tension. Just walk as if you're going to the laundry. This is important, pretty girl. I have to lure them away from you, so I can't focus on you." paalala nitong muli "Just stay at the meeting place once you get there and wait for me. I am going now." pahabol nito sabay dampi muli ng halik sa mga labi ni Jam bago naglaho. "Ohh boy. Here we go." kinakabahang sabi ni Jam sa isip nya. "Be safe, Grey." isip pa rin nya. Sabay dahan dahan na siyang naglakad palabas ng fire exit para gamitin ang elevator pababa. Samantala, sa fire exit naman ng kabilang building lumitaw muli si Grey. Daglian siya nag cloak sa sarili para masilip ang sitwasyon sa labas. "I can stay hidden like this for a minute to assess the situation. Then I'll plan my way to lure them out of this place. " Sabi niya sa isip nya Dahan dahan nyang binuksan ang pinto ng exit para makapunta sa corridor ng floor. "12 on this floor. Let me check the stairs on the other side." sa isip pa rin nya. "At least three per floor, they must have at least 50 operatives here right now. Damn, I hate getting famous." biro ni Grey sa sarili nya. "I'll just start with these 4 on this corridor," plano niya. "THuddd" "TThuuuudd" THUGGUGG" "THudug" sunod sunod na tunog ng mga nawalan ng malay na agents sa corridor na kinaroroonan nya. Sabay silip ng isang agent sa pinto. "SIR! He's here!" Sigaw ng agent. Sabay angat ng comms at mag rereport sana sa mga kasamahan. Bago pa man mapindot ay hinataw na ito ni Grey ng hawak na ballistic stick sa kamay. "THaaagg!" tunog ng palo na nagpabitiw sa agent ng hawak na comms. "BBRRAAAAAKKK" tunog ng palo ni Grey sa mukha nitong nabiyak ang suot na helmet. Sabay bagsak nito sa sahig nang walang malay. Nataranta ang pito pang nasa loob ng unit ni Jam. "HE'S HERE! HE'S HERE!" Sigawan nila na animo'y mga natarantang itik. Nagblink si Grey sa katabing unit para mag recover sa cloak niya. Hindi nya tlga kayang i-maintain ito ng mas matagal pa sa isang minuto. Mga ilang segundo pa at sinubukan niyang muli. Nagcloak siya sabay blink sa loob mismo ng unit ni Jam. Nakita nyang naka defensive postition na ang mga agents dito habang dahan dahan nag mamanman sa paligid. Lumapit siya ng marahan sa pinaka nasa likod nito sabay hawak dito at dinala sa kabilang unit. Paglitaw doon ay bigla nya itong hinataw ng ballistic stick sa batok para mawalan ito ng malay. Tinalian nya ng zip tie sabay balik sa unit ni Jam. Sabay dakot sa pangalawa at inulit ang ginawa sa nauna. Sa pangatlo ay medyo nag static na ang pagka cloak nya kaya nakita siya nito at nakapang laban. Me hawak din itong stun gun kaya nagulat siya ng madikitan siya nito. Hindi siya maka blink basta basta para maka kuha ng anggulo dito, kaya hinablot na lng niya ang kamay nito na may hawak sa stungun at ginamit iyon upang makuryente nito ang sarili nya. Nawalan din ito ng malay pagkatapos. Napagtanto na ng natitira pang agents ang nang yayari kaya pinabagsak na rin nito ang pinto ng katabing unit. Doon naabutan ng mga ito ang nakagapos na nilang kasamahan na walang malay. "Geddemmet! Get the new weapon! We got to pin him here, right now!" Malakas na utos ng animo'y leader ng agents. Naglabas ng tagiisang parang CQC riffles ang mga ito na may parang orange na ilaw sa dulo nito. "Get ready for his blink!" patuloy pa nito. Sinubukan ni Grey na mag blink palipat muli sa kabila pang unit, ngunit bigla siyang bumagsak sa gitna ng mga agent. "There he is! Get him! " nagmamadaling utos ng leader. Mabuti at mabilis siyang nakapag activate ng cloak kaya nawala siya sa paningin ng mga ito at naka layo siya ng dahan dahan. Sa kasamaang palad ay natabig nya ang isang vase sa malapit sa pinto dahilan para mapansin siya ng isa sa mga agents. "SIR, he can use his cloaking ability, SIR!" sigaw ng agent. Humanga rin si Grey sa mga ito dahil parang alam na nila ang mga abilidad ng mga tulad nya. "Turn your heat goggles on. We cannot let him escape this time." Matigas nitong tugon. Dahan dahan namang uumatras si Grey palabas ng unit sabay tago sa likod ng pader. "He is no longer in the room, sir!" pahayag ng isang agent "Then go get him outside. He can't use his blink ability right now!" utos nitong muli. "Yes sir!" sagot naman ng iba pa. Pinilit ni Grey maka blink sa pinakamalayong lugar na kaya nya, pero sa dulo lang ng corridor siya umabot. Naririnig na rin nya ang yabag ng marami pang agents na papaakyat sa floor nila kaya kahit nanghihina na sa paglakad ay pinilit nyang lumayo. Pagdating sa tapat ng pinaka dulong unit ay naramdaman nya na nandiyan na ang mga parating na back up ng sector 13. Napilitan siyang subukan pihitin kung bukas ang pinto, sa kabutihang palad ay bukas ito at dali-dali siyang pumasok. Dahan dahan niyang inilock ang pinto para hindi ito lumikha ng ingay. "Nagtatagu-taguan kayo, kuya?" nagulat si Grey dahil me batang lalaking nakakita sa kanya. "Uuuhhhmm, yes, we are playing hide and seek. Can I stay here for a bit? I can't let them catch me again." Pakiusap nya dito. "Siyempre naman, kuya, basta next time isasali mo na ako ah? Gusto ko kakampi mo ako. Tara dun ka sa kwarto ko, hindi ka nila mahahanap dun." yakag nito sa kanya. Dahil wala ng choice ay napilitan na ngang sumama si Grey sa bata. "Dito ka sa ilalim ng bed ko kuya, wala pang nakakakita sa kin pag jan ako nagtatago. " pagmamayabang ng bata sa kanya. Sumunod naman siya at nagtago sa ilalim nito. Naramdaman niyang tumabi ito sa kanya sa ilalim ng kama. Pagkalipas ng ilang minuto ay bigla na lng nawasak ang pinto ng unit. "BBBRAAAKK!" tunog ng pagkawasak ng pinto. "Search this unit! He can't be far from us now!" Sigaw nun leader. Kanya kanyang halughog ang mga agents sa paligid. Nahalughog na nila ang kabuuan ng unit hanggang mapadpad sila sa kama. "No place to hide now, punk." galit na sabi ng leader sabay balibag sa kama. Bago pa man tumilapon ang kama ay bigla siyang hinawakan ng bata sa braso sabay pikit nito. "This c-c-can't be real. WHERE IS HE??!!" galit na tanong ng leader. "Get to the exits!! He's not getting away from me!!!" patuloy nitong sigaw Nang maramdaman nilang wala na ang mga agents ay dahan dahan nang nagmulat ng mata ang bata. Sabay silang lumitaw sa parehong pwesto nila sa ilalim ng kama kanina. "Y-yyou can do cloaking??!!" gulat na tanong ni Grey sa bata. "Yun pampawala para di ka nila makita? Opo kuya, dati ko pa kayang gawin yun e, kaya nga hindi nila ako mahanap sa taguan. " pagmamayabang nito sa kanya. "Amazing.. I didn't even master my blink until I was a teenager, but this kid can easily hold his cloaking ability for minutes! Let alone with a baggage as big as me!" manghang sabi ni Grey sa isip. "Does anybody else know that you can do that?" tanong ni Grey. "Hhhhmmmmm.. Wala po, ako lang. Secret ko to e. Pag ayaw ko po makita nag aaway sila mommy at daddy, pumipikit na lng ako para hindi ko makita. Tapos hindi rin nila ako makita, ayun tumitigil na sila sa pag aaway." parang natatawa nitong kwento. "I see. So here is what I need you to do. You have to promise me that you will not tell or let anybody know about this, okay? This is now a secret between the two of us, can you do that?" sabi nya dito. "Para ba tayong mga superhero nito at dapat tayo lang ang nakakalam ng kapangyarihan natin, kuya?" inosenteng tanong ng bata sa kanya. "Something like that, but we've got more reasons why we can't let others know about us. I'll let you know more as soon as you get a bit bigger, deal?" paliwanag nya dito "Sige payag na ako, kuya. Basta pag laki ko, ako gawin mong sidekick ah.. "sagot naman nito. "That's my man!" sabi ni Grey sabay high-five sa bata. "Now, let's focus on not getting caught here. What's your name, kid?" tanong nya dito. "Kenjie po." sagot nito. "Where are your parents. Kenjie? Why are you alone here?" tanong ni Grey dito. "Sila mommy saka daddy nasa work, kasama ko dito si yaya. Kaso sobrang duwag nun, pag tinatakot ko nga yun basta na lang umiiyak tapos nag susumbong kanila mommy. Hahhahaha.. Malamang nagtatakbo na naman yun nung narinig yun mga kalabog. hahaha.." magiliw na kwento nito Napangiti rin si Grey. "An invisible kid trying to scare you? Who wouldn't crap their pants off? hahaha." sa isip nito May isang oras pa siguro silang nag hintay para siguraduhing umalis na ang mga agents. Kapag napapalapit ang mga agents sa kanila ay isinasama lang siya ni Kenjie sa cloak nito para hindi sila makita. Maya maya pa ay nasigurado na nilang nakaalis na ang mga agents dahil mga pulis at bumbero na ang nakita nilang paakyat ng hagdan. "Okay, Kenjie. Do you still remember what I said? Let's keep your powers between us, and when you get bigger, I'll show you mine." paalala ni Grey sa bata. "Yes Sir!" sumaludo pa itong parang sundalo sa kanya. Sinaluduhan nya rin naman ito. "Thanks, Kenjie. I'll see you soon." tuluyan nyang paalam dito. Naghintay pa siya ng ilang saglit para siguraduhing may kasama na ang bata bago nya ito tuluyang iwan. Sakto naman dumating ang mga magulang nito dahil siguro nabalitaan ang nangyaring kaguluhan sa building nila. Nakayakap na ito sa nanay nya bago kumaway pang muli kay Grey saka nagsimulang maglakad palayo ang binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD