The Teleporter Ep 7

2092 Words
The Teleporter EP 7 Si Jam. Kahit parang nanginginig ang kanyang katawan sa nerbyos ay pinilit nyang sundin ang utos ni Grey. Pinilit nyang kumalma at lumakad ng normal. Dahan dahan siyang lumabas ng fire exit papunta sa elevator. Pagdating doon ay pinindot nya ang ground floor. Habang nag hihintay dumating nag elevator ay may lumapit sa kanyang parang isang kasambahay sa isa sa mga unit doon. "Lalabas ka ba? Hindi mo ba nabalitaan yun nangyayari sa labas ngayon? Ni raid ata ng mga pulis yun kabilang building, me mga s*x den daw ata. " dire diretso nitong marites sa kanya "H-h-hindi, mag dadala lang ako ng laundry." utal nyang sagot dito. "Bago ka lng dito no? Ngayon lang kita nakita rito e, saka ngayon lang ako nakakita ng kasing kinis mo dito, puro galisin mga kasama ko dito e. hahahaha" natatawang puri nito sa kanya "O-o-oo bago lang." sagot pa nya. Mag sasalita pa sana ulit ito pero bigla na bumukas ang elevator. "Sige, una na ako." paalam ni Jam dito "Sige, wag kang lalabas, marami pulis jan, sige ka baka maligawan ka. hahahah.. " babala nitong pabiro "Ako nga pala si Tess! " pahabol pa nito nang pasara na ang elevator. Pagsapit sa ground floor ay dahan dahan tinungo ni Jam ang pinto ng building para lumabas. Pag silip nya ay nakita agad nya ang napakaraming black SUV na siguradong siyang pagmamay ari ng sector 13 agents. Nagdadalawang isip tuloy siya kung tutuloy ba siya palabas. "Ma'am, dito po sa kabila ang daan, may emergency drill daw po jan sa kabilang building kaya maraming naka park sa harap nila." paliwanag ng security ng building. "Aahh ganun ba? O sige, jan na ako dadaan. Salamat, kuya." sagot nya dito. "Bago ka lng po ba dito, ma'am? parang ngayon ko lang po kasi kayo nakita dito." tanong nito kay Jam. "Opo, bago lng po. Jan lang po ako kina ate Tess" palusot nya. "aaahhh kina tess marites? yun maingay?" paninigurado nito. "Opo, dun po. " sagot naman nya. "Biruin mo, me kilala palang maganda at ubod ng seksi yung maingay na babaeng yun?!" natatawang biro ng security. "hahahaha.." sakay na lng niya dito. Paglabas ng building ay nagkalat ang mga agents ng sector 13 sa paligid. Pilit na umiiwas si Jam sa mga ito. "Aahh miss, bawal po dumaan ngayon jan, naka yellow tape po. Dito na lng po muna kayo dumaan." sabi sa kanya ng isang agent. Tumango lang siya sabay sunod kung saan nito itinuro. "Jan po, diretso lng, tas kaliwa pabalik ng main road." patuloy nitong pagbibigay ng direksyon sa kanya. Napatingin si Jam dito at nagtama ang mga mata nila. Parang kilala nya ang agent na to? Hindi nya lang maalala kung san nya nakita. Nanlaki ang mga mata nya nun maalala nya kung san nya ito nakita! Isa ito sa tatlong agent na isinabit ni Grey sa puno! "Bakit nasa crowd control na lng to, nademote?" sa isip ni Jam. Parang pilit din siyang kinikilala ng agent, naka kunot noo rin itong pilit inaaninag ang mukha nya sa likod ng facemask. Palapit na ito ng tingin ng biglang.. "Hoy ateng, ikaw ba yan? Akala ko ba mag dadala ka lng ng laundry?" si Tess. "Ahhh eehhh me bibilhin din kasi ako kaya lumabas na muna ako, saka balak ko rin sana makiusyoso jan sa katabing building.' Kunyaring pakikimarites niya dito "Ahahahaha.. Alam mo, magkakasundo tayo, pareho tayong curious! AHahahaha.." sagot nito. "Babay manong pogi! Una na kami! Marami pa kaming mamaritesin! Ahahaha.." paalam nito sa naguluhang agent. Sabay yapos sa braso ni Jam at naglakad na sila palayo.. Pagdating sa dulo ay bumitiw na si Jam sa pagkaka hawak ni Tess. "Sige Tess, dito na ako sa kabila." paalam nya dito. "Huh? akala ko ba makiki usyoso tayo dun sa kabilang building? Me alam akong daanan dito para makarating tayo sa harap!" masayang yaya nito. "aahhmm, naalala ko, kelangan nga pla nila ma'am tong mga damit, baka hindi matapos malaundry, yari ako. Ka bago bago ko pa naman. " palusot nya dito. "Aaahhh ganun ba? sayang naman. Pero sige ako na lng, kukwentuhan na lng kita mamaya pag balik ko sa floor natin. Hahahah" ayun lang at nagpatuloy na ito sa paglalakad. Dumiretso na si Jam sa convenience store na paingusapan nila ni Grey. Pagdating ay pumasok siya sa common CR at magcheck kung me bakanteng cubicle. May tatlong cubicle sa loob at pumasok siya sa pinaka dulo. May kalahating oras na siguro siya doon nang may pumasok na dalawang babae sa CR. "Narinig mo yun kaguluhan sa kabilang kanto, sis? Ang daming mga pulis. Akala ko may shooting lang, totoo na pala." Kwento ng isa "Oo, akala ko nga rin shooting, yun pala me nahulihan pala ng drugs. Big time daw yun nahuli e, kaya maraming escort." saad naman ng isa pa "Drugs? Akala ko ba s*x-den? Yun mga babaeng nag shoshow sa computer? " paglilinaw ng nauna. Sabay pasok pa ang isa nila kasama. "Parehas kayong mali. Me emergency drill daw dun kaya pinalabas yun mga nakatira. Magkukwento lang kayo mali mali pa.." pag tatama ng pangatlo " E iyon ang sinabi nun lalaking naka overall sa akin e." pahayag nun pangalawa. Makalipas ang ilan pang minuto ay lumabas na rin sila. Hindi pa rin lumalabas si Jam sa cubicle nya. Hinihintay ang pagdating ni Grey gaya ng usapan nila. "Asan na kaya yun? Sana hindi naman siya nasaktan.. Napakarami nung tauhan ng sector 13 na sumugod sa unit ko. Sana nakaalis siya ng ligtas." naisip ni jam "E paano kaya kung di na dumating si Grey? Paano na ako? Saan ako pupunta? Sigurado ako hahanapin next ng mga agents na yun.." patuloy nyang pag iisip. "Ano kaya kung umuwi na lng ako sa amin? Maiintindihan naman ako sigurado nila nanay kung gagawin ko yun." tuloy pa rin nya. "Kaso , paano kung madamay sila? Tugisin din sila ng mga agents??!! Nakupo, ayaw ko mangyari yun.. Hindi. Hindi muna ako uuwi para hindi sila hanapin ng mga agents.. " Pagkumbinse nya sa sarili. Maya maya ay dalawang lalaki naman ang pumasok. "Haist salamat tapos na. Makakauwi na rin tayo. Mabuti at nalipat na tayo sa crowd control, kundi, bali bali na naman buto natin sa Grey na yun." pahayag ng nauna. "Oo nga e, ayoko na rin tlga gawin to e, gusto ko na lang bumalik sa pag nenegosyo. Kaso sigurado hindi papayag ang sector na basta na lang tayo tumiwalag sa dami na nang nalalaman natin." yun pangalawa naman "hhhhhhaaayy.." buntong hininga ng nauna bago nag salita."Ako man, gusto ko na itigil to. Napakalaki nga ng sweldo, pero araw araw naman nasa hukay ang isa nating paa. Hindi na nga ako sigurado kung legal pa ba tong mga ginagawa natin." salita nito "Hindi bale, pag nakuha na nila si Grey saka yun Blue, sigurado aalis na ang karamihan nila dito at makakabalik na tayo sa kanya kanya natin buhay." sabi ng una. "Sana nga. Balita ko pa ay may kinakausap na sila sa underworld para mas mapabilis ang pagtugis. Sana matapos na lahat to at nang mapayapa na ang mundo." sagot ng ikalawa. "Baliw ka ba? Pag nakialam na ang underworld, senyales na yun ng mas malaking digmaan. Pati mga ordinaryong tao damay na sa kaguluhan. Ipag panalangin na lng natin na sana wag nang umabot dun." pagtatapos nito Tahimik na nakikinig si Jam, kaso naigalaw nya ng bahagya ang paa nya na lumikha ng konting ingay. Narinig ito ng dalawang agents kaya lumapit sa cubicle nya. "May tao ba jan?" tanong ng dalawang agent habang kumakatok sa cubicle nya. Nataranta si Jam, pero pilit nag isip ng paraan paano malulusutan ang kalagayan nya ngayon. Nang bigla siya may naisip. "May tao po!" sagot nya sabay kanta ng mahina para kunyari ay kanina pa siya nag sa sounds. Nagkatinginan naman ang dalawang agents at nagpasya nang umalis. Nakahinga ng maluwag si Jam "Nasaan na kaya si Grey?" tanong nya sa sarili. Mahigit isang oras pa ang lumipas at hindi na nakatiis si Jam. Lumabas na siya ng cubicle at aalis na sana sa store na yun. Medyo mainit din kasi sa CR dahil wala naman aircon doon. Pawis na pawis tuloy siya paglabas. Pinagtitinginan siya ng mga tao at crew ng store dahil sa itsura nya. Dahil sa hiya ay nakayuko siyang lumabas ng store. Paglabas ay nagpalinga linga muna siya sa paligid at sinugurado na wala nang mga agents. Iniisip rin nya kung saan siya pupunta dahil baka dumating pa si Grey para sunduin siya. Lumakad siya ng marahan papunta sa direksyon ng sakayan ng Bus. "Bahala na. Lalayo na lng muna ako dito. Hahanapin naman ako nun pag hindi nya ako nakita sa store." sa isip ni Jam. Nakailan hakbang na rin siya sa madilim na kalsada na yun nang bigla siya nakaramdam na may umakbay sa kanya. "Nakupo, eto na naman ang kamalasan sa buhay ko! Bakit ba laging ako na lang??!! Wala na ba kayo ibang pwedeng holdapin??" naiinis pero kinakabahang sabi nya sa sarili. "And where are you going, pretty lady?" tanong ni Grey sa kanya. "GGREYYY!!!!" medyo napalakas na bulalas nya. Sabay yakap dito. "I am glad you are safe!" patuloy ni Jam. Hindi ito naka jacket na hoodie ngayon, nasuot ito ng Black na longsleeves. Naka tupi ang mga mangas hanggang siko pero hindi naka tuck in. Naka shades din ito pero walang suot na facemask at sumbrero. Napaka gwapo nito sa kasuotan na aakalain mo ay isang artista na may shooting. "I thought we agreed that you'll wait for me inside the convenience store?" parang naasar na tanong nito kay Jam. "I-I-I did, but it's been more than 2 hours, and sector 13 agents are coming in. SO I thought, I'll get to a safe distance so they won't catch me."Paliwanag ni Jam. "Hhhhmmmm. Okay, I understand. But you really have to work on your listening skills! You gotta learn how to trust me. It may have worked today, but what if it doesn't next time?" Pangaral nito sa kanya. "I'll let it slide this time, but think about what I've said. The people after us are getting smarter and smarter. We cannot afford to be careless, alright? PPOOOP!" nakangiti na nitong sabi sabay pisil sa ilong nya. "Go change clothes, we are going to the North." utos ni Grey kay Jam. "Do I need to change clothes just to blink?"takang tanong ni Jam. "We are not blinking. We are taking the Bus." Seryoso nitong tugon Nagpalit ng damit si Jam, nagsuot siya ng black na tube saka manipis na jacket, tapos black na slacks saka heeled boots. Nagsuot din siya ng shades at tinaggal ang facemask. Napakaganda ni Jam sa bago nyang suot. Bumagay sa napakasexy nyang hubog. Kahit si Grey ay napasilip sa ibabaw ng shades nito nang unang masilayan ang maalindog na babaeng nasa harap nya ngayon. "WOW!! Just wow.." sabi nito sa sarili. Pagkatapos ay magkahawak kamay na silang naglakad papunta sa Bus Stop. May mga nakaka salubong din sila na mga agents pero dahil iba ang description ng hinahanap ng mga ito ay hindi sila nito pinapansin. Pero may isang pares ng agents ang bigla tumawag sa kanila. "Wait! Where are you two going?" Maauthoridad nitong tanong. "To catch our ride home, where else?" direktang sagot ni Grey. "You don't look like someone who'll commute." puna nito. Biglang me naisip si Jam. "Padaanin mo na kami, kuya. Mga artista talga kami, tumakas lang kami sa set ng taping namin." paliwanag nito sa agent Tiningnan sila nito mula ulo hanggang paa. "Sabi ko na nga ba kilala ko kayo e! Kayo yun sa vivamax di ba? napanood ko na yun isa nyong pelikula e, yun naghabulan kayo sa tulay gamit motor? Paborito ko yun e!" tuloy tuloy nitong pahayag. "AAhhhh kayo ba yun? kaya pala mukha kayong artista. Hindi kasi ako nanonood ng vivamax e. Puro pornhub lang ako. HEhehehe.." sabad naman ng isa pa. Napakamot na lang ng ulo si Grey. "Pa autograph naman idol, papakita ko lng sa mga tropa ko, iinggitin ko. hehehe.."sabi ng una. "S-sure." sagot naman ni Grey. Pagkatapos ay pinaalis na sila nito. Magkahawak kamay na dumiretso ang dalawa sa sakayan at pinara ang pinaka unang bus na dumaan. Pagkaalis ng dalawa ay masayang masayang tiningnan ng agent ang autograph na nakuha nya mula sa mga artista. "Vandolph" ang nakalagay sa pirma ng lalaki. "Chichay" naman sa babae. "anak ng, napag tripan pa ata ako ng mga lokong yun ah!" sabi nito sabay kamot sa ulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD