The Teleporter EP 8
Pagkasakay ng dalawa sa bus ay agad na sila puwesto sa pang dalawang upuan. Si jam sa tabi ng bintana at si Grey naman sa may aisle.
Agad na rin silang nagbayad.
"Where is this bus heading?" tanong ni Grey sa kundoktor
"Ay sows, sakay sakay, di alam kung saan ang tungo!" inis na wika nito.
"BAGUIO!" parang pasigaw na patuloy nito.
Natawa naman si Grey.
"Alright, for two, please." Sabi nito sabay abot ng bayad.
"You want to know a secret? I have never been to Baguio, believe it or not." Sabi ni Jam.
"Really? Isn't it the summer capital? Where are you going during your summers?" tanong ni Grey.
"Usually just home. We live on the outskirts of our province. We keep crops, animals, and we are at the foot of a mountain, so we can go hiking whenever we like. We also have clean streams and rivers where we can fish. So, we really don't have to go anywhere to enjoy our summer." paliwanag ni Jam.
"That sounds nice. You should totally take me there and show me your place once this is done." Nakangiting sabi nito kay Jam.
"Definitely! How about you? What was your childhood like?" Tanong naman ni Jam.
"Hhhhhmmm.. It's pretty boring. I barely see my family all day. We got our own "worlds," if you will. The only ones to accompany me every day are the servants. I only see my family when there are gatherings and all the rich people are there. That's why I chose to live here instead of staying in Europe." paliwanag nito
"SO, mayaman pala kayo dun. Teka, san dito nakatira si mommy mo saka lola mo?" patuloy nyang tanong
"Somewhere out there. I don't want to give you info that might just be used to get you into trouble. You understand that, right?" tugon ni Grey.
"Yeah, I know. I hope the day will come when I can tell you everything about me. Sana dumating yun araw na hindi na tayo patago tago.
Yun kaya na natin mamuhay ng normal. Yun pwede na kita ipakilala sa amin, sigurado matutuwa sila mama pag nakilala ka. Lalo na si papa. Wala kasing anak na lalaki yun e." sabi ni Jam
"Sana dumating agad ang araw na yun. " panalangin ni Jam.
"Sana nga." pilit na pagtatagalog ni Grey kahit halatang halata ang accent.
Napangiti naman si Jam at nagpikit na lng ng mata.
Bigla naman siya inakbayan ni Grey para mayakap sabay pikit na din mga mata.
At nakatulog sila sa ganun pwesto.
Nakailan minuto na rin sila sa byahe ng naramdaman nila na bumagal ang pag usad ng bus.
Pagsilip nila ay may checkpoint na nakalatag sa bago pumasok ng expressway.
Kinabahan si Jam dahil mga agents ng Sector 13 ang nakita nyang naka mando dito.
Ginising nya si Grey para bigyan ito ng babala.
"Grey, sector 13 agents ahead." Mahinang bulong ni Jam dito.
Dahan dahan naman nagmulat ng mata si Grey para silipin ang sinasabi ni Jam.
"Just act normal, they don't know what we look like. "Malumanay nitong sabi.
Yumakap lang si Jam dito saka kunyari ay natulog.
Umaakyat ang mga agents sa bawat sasakyan para mag check ng mga ID. Yun mga wala naman dala ay ipinapaverify nila ang katauhan gamit ang data base.
Pagdating sa tapat ng bus na sinasakyan nila, umakyat na rin ang dalawang agents para mag inspeksyon sa mga pasahero. Isa isa chinecheck ang mga IDs ng mga ito.
Alam ni Jam na hindi siya pwede maglabas ng ID dahil makikilala siya ng mga ito. Alam din nyang walang ID si Grey kaya kinabahan siya.
Paglingon nya kay Grey ay parang medyo kumunot ang noo nito habang nakatitig sa pinto ng SUV ng mga agents.
Walang anu ano'y biglang bumukas ang pinto ng SUV na tumama sa isang agent na paparating at may hawak na mga papeles. Tumilapon ang mga papel sa paligid dahil na rin sa lakas ng hangin. Bumaba naman ang driver ng SUV para sana tulungan ang kasama, pero parang bigla naman itong natalisod at bumanggang muli sa agent na may nadampot nang ilang piraso ng papel, dahilan para kumalat itong muli.
Sa inis ay sinugod nito ang driver ng SUV at nagpambuno ang dalawa sa gitna ng daan. Napilitan naman ang dalawang kasamahan nila na bumaba para awatin ang nagaaway nilang kasamahan.
Dahil sa kumosyon ay pinaandar na ng nagmamando sa harap ang bus nila para makausad na ang pila.
Paglingon ni Jam kay Grey ay parang pangisi ngisi ito habang nakapikit.
"D-d-did you do that?" takang tanong ni Jam kay Grey
"DO what? I'm just sleeping here. " sagot nito habang natatawa.
"T-telekenesis yun di ba? You can also do that?' patuloy na tanong ni Jam.
Sumenyas lang ito na wag maingay.
Tapos ay bigla nitong pinaangat ang kamay ni Jam payakap dito nang hindi man lang gumagalaw.
Nagulat man ay napangiti na lng si Jam sa nangyari.
Mga ilang oras pa ang lumipas ay narating din nila ang Baguio.
"YOOHHHOOO! Finally!" Mahinang sigaw ni Grey habang nag stretch ng mga kamay.
"This is exactly why I hate commuting. A lot of time wasted just sitting on a slow-moving cell." Saad pa nito.
"ganun talaga, kung gusto natin mag lay low, magtyaga ka sa commute. Maganda rin to, nararanasan mong maging tao. Hahahaa.." biro ni Jam dito.
"Like I have a choice." Nakangiti nitong tugon.
"Let's eat first. Gutom na ako." pilit na pagtatagalog na naman nito.
Namili sila ng hindi masyadong mataong karenderia para kainan. May nakita naman sila sa bandang dulo ng street.
Sakto pa at may overlooking itong pwesto sa kabilang side ng pwesto nito.
Umorder sila ng Chopsuey, lechon kawali, saka bulalo na maraming gulay.
Gutom na gutom sila pareho dahil halos isang araw na nga pala silang hindi kumakain.
Habang kumakain ay naikwento ni Jam kay Grey yun narinig nya sa mga agents kanina sa CR.
Napaisip naman si Grey.
"That is exactly why I don't want to hurt them too much. Because most of them are also just victims of circumstances. Just like us. " Napapailing na wika nito.
"Wait a second, when you say underground, would it be possible that they said "Underworld" instead? " paglilinaw nito.
"I-i-I think so, yeah. Underworld nga ata yun sinabi nila. Why?" sagot naman ni Jam.
"This is bad. I gotta warn the others. Let's get you settled first so I can do my thing." Sabi nito.
Naghanap sila ng transient na mauupahan. Pinili nila yun hindi masyadong sikat, saka log book pa rin ang ginagamit sa pag check in. Hindi sila pede makita online, sigurado dudumugin agad sila ng sector 13.
May nakita naman sila sa may medyo mataas na street, hindi masyadong matao. Kita rin dito ang kabuuan ng mga kabahayan nakahilera sa pataas na bundok.
"This is nice. Are you good here?" tanong ni Grey kay Jam.
"Yes, but are you going to leave me here?" nag aalalang tugon ni Jam.
"Just for a bit. I just need to warn the others of the news you gave me. I'll be back soon." paliwanag ni Grey kay Jam.
"C-can you just bring me with you?" alanganing tanong ni Jam.
"Damn.. This girl really smells so nice.. and those eyes.. And she looks genuinely worried." sa isip ni Grey.
"How can I say no to her?" patuloy nyang naisip.
"Alright, it seems like this place has a high enough altitude. They won't be able to track us easily from here. I'll take you, but you gotta promise me this: no matter what happens, or what you hear, you will not say anything about it. You'll stay out of it, are we clear?" paninigurado nya kay Jam.
"O-o-okay. Thanks." sagot nya.
At lumitaw ang dalawa sa loob ng isang abandonadong ospital sa taas ng isang bundok.
"and what do you think you're doing, Grey?" tanong ng isang matangkad na lalaking naka hoodie ng itim.
"B-B-black. Why are you here? I am here to meet Blue." sagot ni Grey na parang biglang kinabahan.
" I asked a question first. WHAT ARE YOU DOING?!" parang dumadagundong nitong tanong.
"She's with me. Don't worry about her. I just can't leave her and have Sector 13 take her." sagot nya dito.
"You do know we have a set of rules to follow, right?" galit pa rin nitong tanong.
"Of course.." mahinang tugon ni Grey.
"YOU DO??!! Then what the HELL ARE YOU DOING BRINGING THAT GIRL IN HERE??!!" patuloy nitong pagsigaw ng pagalit.
"Black, that's enough." malumanay na sabi ni Blue na kakalitaw lng sa may di kalayuan.
"No! He has been disregarding our rules over and over for this girl, and this has got to stop!" sigaw pa rin nito.
"There is a reason why we agreed to put up the rules, that is to be sure that we protect and preserve our bloodlines. We are working our ass off to be sure we comply, and we will just let Grey do whatever he wants??!!" galit nitong paliwanag.
" I'm not asking you to help me save her." Mabilis na salita ni Grey.
"Of course you didn't! You just took her on a blink with you that could leave a trace at this place that we have protected for a long time! Are you really this stupid??!!" singhal pa nito kay Grey
Kinakabahan na si Jam na nakatago sa likod ni Grey.
"I'll take full responsibility for whatever consequences this action may incur, " malumanay na pahayag ni Grey.
"OH REAALLYY??!! and how do you plan on doing that??!!" patuloy ni Black sabay hawak sa kwelyo ni Grey.
"Take your hands off me." walang emosyong sabi ni Grey.
"OR WHAT?!" nakangising tugon ni Black.
Biglang naglaho si Grey sa harap ni Black para ilipat si Jam sa medyo malayo dito. Tapos ay bumalik muli sa harap ni Black.
"Where were we?" Tanong nito kay Black.
"GGGRRRRAAAAAAHHHH!!!" sabay wasiwas ni Black ng malaking kamao sa mukha ni Grey.
Nasalag man ito ni Grey ngunit napatras ito ng ilang hakbang sa lakas ng bigwas ni Black.
Napangiti naman si Black.
"Same old Grey. Can't even lift a hand to kill a fly." Tawa nito sabay sugod ulit kay Grey.
Sunod sunod na suntok ang pinakawalan nito kay Grey. Pinipilit mang umiwas ngunit kitang mas mabilis at mas malakas si Black kesa dito.
Kahit anong blink ang gawin ni Grey ay nasa harap pa rin nya si Black dahil dalubhasa na rin ito sa anticipation ability. Nahuhulaan nito kung saan siya sunod na lilitaw.
"HINDI MO BA SILA PIPIGILAN?! " nangangambang sigaw ni Jam kay Blue.
" We don't interfere when fighting with each other. This is to ensure our fairness, that we don't pick sides." Casual nitong paliwanag.
"HYAAHHH HYYAAAAHHH HYAAAHHHH!!" sunod sunod na sipa, suntok at tadyak na pagsugod ni Black.
Nagugulpi na si Grey at wala nang ginagawa kundi protektahan ang sarili.
At sa dulo ay biglang bumwelo ng mataas na talon si Black, pasuntok kay Grey para tapusin na ang laban.
Pero bago pa lumapat ang suntok nito ay bigla itong lumutang at tumilapon palayo kay Grey.
Sumadsad ito sa salansan ng mga lumang wooden crates sa kabilang dulo ng silid.
"WOW! Impressive! This is new. The lazy Grey has finally activated his telekenesis ability. Since when have you had it?" natatawang wika ni Black.
Hindi naman sumagot si Grey. Tumayo lang ito at akmang lalaban pa rin kahit duguan na ang pagmumukha nito.
"Alright, since you won't answer me. Let's just put your new ability to the test. Let's see if you can catch this." sabi ni Black sabay biglang nagtalsikan sa direksyon ni Grey ang naglalaking bato galing sa nasirang bahagi ng gusali.
Napilitang naman umiwas ni Grey sa mga ito kahit halatang hinihingal na.
"Okay, you got stamina, I'll give you that. I know you can take care of yourself pretty well. But can you protect her, too?" Nakangisi nitong sabi.
Sabay biglang may isang malaking tipak ng bato lumipad patungo sa direksyon ni Jam.
"WWAAAAG!!!!" walang nagawa si Jam kundi ang protektahan ang ulo nya sa paparating na bato.
"NNNOOOOO!!!! JJJAAAAAMMM!!!!' malakas na sigaw ni Grey.