The Teleporter EP 28 . . Sa kabilang panig ulit.. Patuloy na naglalaban sila Iuvart at Ronnie. Tagisan ng galing sa pakikidigma.. Kapangyarihan ng kadiliman laban sa mga elemento.. May pumapalibot na mga piraso ng lupa, lumpon ng tubig at nagbabagang apoy sa paligid ni White na parang baluti na naka protekta sa kanya. Panaka naka naman niyang tinitira ng mga fireball, earth ball at water cannon ang demonyo sa tuwing makakakita siya ng opening dito. "Is this what we're going to do the entire night? Your measly element balls would not hurt me even for a bit. Why don't you try something big with those amulets you have there?" Pangungutya ng dating anghel kay White. "Like this?!" tanong ni White sabay gawa ng malaking fireball at itinira ito sa demonyo. "Uurrrgghhh.. Yeah, that's

