The Teleporter EP 27 Sa pagpapatuloy ng digmaan.. Magkaharap na ngayon sila White at Iuvart sa gitna ng battle field. Patuloy ang pag atake ng dating anghel gamit ang nagliliyab niyang espada. Maingat namang dinedepensahan ni Ronnie ang sarili gamit ang tatlong bertud ng elemento. "I can go on like this forever, messenger! Let's see how long you can last against my sword!!" sigaw ni Iuvart kay White. "Well, I got no other place to go so, be my guest!" sagot naman nito sabay tira dito ng isang sibat ng tubig na sinalag naman ng dating anghel ng espada nya. Kasunod ay ang sunod sunod na pag galaw ng lupa sa ilalim nito kaya nawalan ito ng balanse. Akala niya ay tapos na ang atake nito pero may kasunod pang isang bolang apoy na nagpatalsik na kay Iuvart. "Stand up, demon! So I can es

