The Teleporter EP 26 At nang masigurado nga ng Hari ng Bampira na nasa digmaan na si White ay inutusan na nito ang kanyang mga Bampira at Harpies para umatake sa warehouse. Dahil din sa pagkafocus sa labanan ay nabawasan ang bilang ng mga engkantong nagbabantay sa mga papasok ng gubat kaya nakalusot ang mga ito sa isang bahagi na kakahuyan. Nagkagulo sa warehouse nang mabalitaan ang paparating na grupo ng mga bampira at harpies. Kanya kanyang takbuhan para makapag tago ang mga walang kapangyarihan. Naghanda naman ang mga baguhang teleporters para dumepensa at tumulong sa paglikas ng mga tao kung kinakailangan. "Papa, nanay, dito lang po kayo sa kwarto. Hahahnapin ko po si Ate Asia para maisama natin siya dito." paalam ni Kenjie sa mga matanda. "Mag iingat ka anak, bumalik kayo agad d

