The Teleporter EP 25 At nagsimula na nga ang pagsugod ng mga alagad ng hari ng bampira sa kuta nila. Mula sa monitors ay napapanood nila ang paglapit ng mga lesser demons sa paanan ng bundok. Nakaabang naman dito ang mga Bangkilan sa ibaba at mga Tikbalang sa itaas ng puno. Nakahanda rin ang mga Engkanto na sumaklolo at gamutin ang mga kasamang masasaktan. Hindi pa naman nakakapasok ang mga demonyo sa punuan ay sinugod na sila ng grupo ng mga bangkilan na aswang. Nagtagisan ng lakas at bangis ang mga ito sa gitna ng palayan. Habang ang ibang papasugod naman ay pinauulanan ng pana at sibat ng mga tikbalang. Halos tabla lang ang naging paglalaban ng dalawang pangkat, pero kitang kita ang lamang sa dami ng mga demonyo. Kaya nagkakaroon ng isa laban sa dalawa o isa laban sa tatlong mga de

