The Teleporter EP 21 Sa Mt. Olympus... Binagtas ni Grey ang malawak na hallway sa direksyong itinuro ni Apollo sa kanya. "This is where the god of Olympus is living? It smells like death in here!" tanong ni Grey sa sarili. Pagdating nya sa dulo, nakita nya kaagad ang isang malaking demonyo na nakabulagta at duguan sa labas ng isang malaking pinto. "That's where the stench is coming from.. Dang! These demons does smell!!" patuloy na sabi nito sa sarili. Itinulak nya ang pinto para buksan pero pagbukas nito ay lalong umalingasaw ang amoy sa paligid. Mahigit pito pang malalaking demonyo ang nakahandusay sa sahig at naliligo sa sarili nilang dugo! "GREY! The newest of the Greys! How about that? What do I owe the pleasure?" tinig ng isang malaking taong nakaupo sa dulo ng malaking kwar

