The Teleporter EP 17
Matapos sila mag meryenda ng minatamis na saging at langka ay bumalik na sa pagtatrabaho sila Grey at papa ni Jam.
Nag sibak na muli ng pang gatong ang binata habang nagpakain naman ng kanilang mga alagang hayop ang matanda.
Nag igib rin muli nang tubig ang nauna para punuin ang mga tapayan at mag imbak rin ng tubig sa mga drum sa labas ng banyo.
Kinagabihan ay masaya muling nagsalo salo ang lahat. Kwentuhan, tawanan, kainan..
Para nga silang isang buong masayang pamilya kung titingnan.
Pero kahit ganun ay kapansin pansin ang pagiging tahimik ng papa ni Jam.
"Papa, okay lang po ba kayo? Parang naninibago ako sa inyo.." nagaalalang tanong ni Asia dito.
"Ayos lang ako, Asyana. Huwag mo akong pinagpapapansin. Makipag saya kna lang sa mga ate mo dun." saway naman nito sa dalagita.
Matapos kumain ay naglabas ulit ng alak ang papa ni Jam.
"Grey, iho, pumarine ka't makapag umpisa na tayo habang maaga. Baka tulugan mo na naman ako. Hahahaha" pabirong tawag nito sa binata.
"Iinom na naman kayo, pa?" may pag-aalalang tanong ni Jam dito.
"E ano gagawin namin nyan kung hindi kami iinom? Ano magchichismisan kami tulad nyo? hahahaha" pabiro pa ring sagot nito.
"Nandiyan na po.." kamot ulong sunod naman ni Grey dito.
Pagkapwesto nila'y sinimulan na rin kaagad ang tagayan ng dalawa.
Maya maya lang ay bumaba rin at nakiumpok sa pwesto nila sila Asia at Jam.
"Aba't dyaskeng mga bata are, ba't kayo naparine? Ano kayo, lalaki? Dun kayo sa taaas at baka buntalin ko kayo riyan e.." bulyaw nito sa mga anak
"Pabayaan mo na sila.. Malalaki na rin naman ang mga yan, saka andiyan ka naman para magbantay. Minsan lang tayo makumpleto e.." saway naman ng nanay ni Jam dito habang kandong si Kenjie at animo'y ipinaghehele pa nito para makatulog.
"Yehey!" pagbubunyi naman ng magkapatid.
Naglabas din ng gitara si Asia sabay request sa kanyang papa.
"Pa, tugtog ka naman.. Simula nun pumunta ng manila si ate para mag trabaho, di na kita nakikitang tumugtog.." lambing nito sa tatay nya.
"Sus.. Naglambing pa ang bunso ko.. Akina nga yan at nang mapakitaan ko tong si Grey kung paano mangharana ng babae.. hehehehe" tugon naman nito.
Saglit na tumipa ito ng kwerdas, sabay pihit sa panggilid habang tinotono ang gitara.
Maya maya pa ay nagsimula na itong tumugtog..
"Kung tayo ay matanda na
Sana'y di tayo magbago
Kailan man
Nasaan ma'y ito ang pangarap ko
Makuha mo pa kayang
Ako'y hagkan at yakapin oh
Hanggang sa pagtanda natin
Nagtatanong lang sa'yo
Ako pa kaya'y ibigin mo
Kung maputi na ang buhok ko" kanta nito habang nakatingin sa taas ng hagdan kung nasaan ang asawa nito.
"Yeeeeeeehhhiiiieeeee!" parang kinikilig naman si Asia para sa mga ito
Si Jam naman ay nakatabi na kay Grey at nakasandal sa balikat nito habang ineenjoy ang tugtog ng tatay nya.
"Ang nakalipas ay ibabalik natin hmm
Ipapaalala ko sa 'yo
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo
Kahit maputi na ang buhok ko" pagtapos nito sa kanya.
"Wow ang galing pa rin ni Papa!" puri ni Asia dito
"Oo nga Pa, nakakakilig ka pa rin mag harana.. Buti ka pa.." patutsada naman ni Jam sa katabi nito.
"Huwahahahaha! Dapat ganyan talaga! Ang tunay na lalaki, kaya ring magpalambot ng puso ng minamahal.. Hahahaha" proud namang sabi ng matanda.
Parang napahiya naman si Grey.
"C-c-can I try po?" paalam nito sa papa ni Jam.
"Yan, ganyan. Itayo mo ang bandera nating mga lalaki! Hahahaha.." sagot nito sabay abot ng gitara dito.
Medyo namula ang mukha nito, hindi dahil sa nainom, kundi dahil sa unang pagkakataon, mag aalay siya ng kanta sa babaeng mahal niya..
"Sorry if I am not as good as your Papa.. But this song is for you, Jam.." pasimula nito.
At nagsimula itong tumipa sa gitara..
"Whenever I'm weary
From the battles that rage in my head
You make sense of madness
When my sanity hangs by a thread
I lose my way, but still you
Seems to understand
Now and forever
I will be your man" pagkanta nito.
Nagulat, pero kinilig si Jam nang malamang marunong pala itong tumugtog at maganda ang boses!
"Now, I can rest my worries
And always be sure
That I won't be alone anymore
If I'd only known you were there
All the time
All this time!
Until the day the ocean
Doesn't touch the sand
Now and forever
I will be your man
Now and forever
I will be your man" pagtatapos nito ng awit.
"Aaaahhhhhh... Ang sarap sa ears.. In fairness, ang ganda ng boses mo kuya Grey. Pwedeng pwede kang mag artista. Maraming mawawalan ng trabaho sayo. Hahahaha" puri ni Asia dito.
Napayakap naman si Jam sa braso nito at sumandal ulit dito.
Nakita man ito ng papa ni Jam ay ngumiti lamang ito.
"Kayong bang dalawa ay hindi pa aamin sa harap namin ng nanay nyo? Kayo ba ay magkasintahan na?" seryosong tanong nito sa dalawa.
"Aaahh.. Eehhhh.. O-opo.." parang nahihiya pang sagot ni Grey.
"Oh e bat parang di ka sigurado? Mahal mo ba itong anak ko?" tanong ulit nito.
"Opo, siyempre po, opong opo!" tarantang sagot naman nito.
"Oh e yun naman pala, bakit para kang nahihiya? Alam mo ang dapat mo lang ikahiya e kung niloloko mo lang ang panganay ko." pangaral nito sa binata
"At kung magkaganun ay wag kna magpapakita rito kundi ikaw ang gagawin kong panggatong. HAhahahaha!" biro pa nito
"YYIIIIHHHIIIIIEEEEEEE!!! Mabuhay ang bagong kasal!!! HAhahaha.. " tili naman ni Asia na kilig na kilig sa mga pangyayari.
"Ano po nang yayari?" naalimpungatan si Kenjie sa ingay
"Wala anak, sige matulog ka pa at hayaan mo na ang mga ate't kuya mo mag ingay jan sa baba.
Hoy Asyana, hinaan mo ng konti ang boses mo't gabi na. Pati itong batang natutulog ay nagigising sayo!" bulyaw naman nito sa bunso nila.
"Hindi naman ako tututol kung nagkakagustuhan talaga kayong dalawa. Wari ko nama'y isa kang mabuting tao, Grey. At responsable.
Ang tanging hiling ko lang sayo ay wag mo sana pababayaan yang anak ko. Kahit makulit yan at may saltik paminsan minsan, ikaw na sana ang bahala umintidi. Hahahaha" seryoso pero pabirong salita ng matanda.
"Hindi na rin naman ako bumabata, kailangan na rin talaga niyan ng karamay nya sa buhay. Alagaan mo siyang mabuti, idamay mo na rin ang mag-ina ko, kung hindi naman kalabisan.." seryoso na nitong wika.
"Makakaasa po kayo. I'll do everything I can to protect your family.. Our family.. Pangako po yan.." nakangiting tugon naman ni Grey dito.
"Salamat naman kung ganun." masayang wika nito
"Ay siya, ako'y aakyat na at ako'y me tama na rin.
Ikaw Asyana, sumabay kna sa akin at hayaan mo na yang ate't kuya mo jan para makapag usap naman. Halika na." yakag nito sa dalagita.
Nakangiti namang sumunod ito sa kanya.
Mga ilang sandali pa namalagi ang dalawa sa labas habang naguusap bago pa nila mapagpasyahang magligpit at pumasok na sa loob ng bahay.
Habang nakatambay sa harap ng malaking bintana, nakaupo sa magkabilaan ng pasamano.
"So, you're officially my girlfriend. Kasintahan na kita, tama ba yun?" masayang pagtatagalog ni Grey.
"Oo na, nabola mo na sila papa.. Hahahaha.. " masaya ring sagot ng dalaga.
"I love you, Jam.." sabi ng binata sabay abot sa kamay ng dalaga.
"I love you too, Grey.." nakangiti naman iniabot ng dalaga ang kamay dito para mahalikan.
Nang biglang...
"Oooooooohhhhhhhh.. You two really make a sweet couple! Hahahah.." biglang salita ni Val na nakatungtong sa isang sanga ng mangga sa harap ng bintana.
"What are you doing here?" nag-aalalang wika ni Grey habang nakikiramdam sa mga tao sa loob.
"Relax, my love.. I didn't come here to make a scene.. I just came here with a warning." Nakangiting sagot nito.
"Make it fast." walang emosyong wika ni Grey.
"Where's your patience? I came here with a good conscience, and this is how you'll welcome me?
It hurts me deeply when you don't trust me, my love." Nakangisi nitong tugon.
"Well, I'll make it quick then. Your week to prepare is almost done, and my Brother's army has just gotten stronger.
Not only was he joined by the lesser evil in his ranks,
But he also got Berith, the once prince of cherubim, and Iuvart, the prince of angels, to rise from hell and help him claim these lands." patuloy nitong ulat.
"Holy s**t! This is only gonna get worse.. I hope we get the help we need to defend these lands," sa isip ni Grey.
"Why are you doing this? I mean, why are you helping us? Aren't you supposed to be helping your brother instead?" nagtataka nang tanong ni Jam sa bampira.
"Hhhhhmmmm.. You wouldn't understand if I tried, my beauty. Let's just say, I am trying to level the playing field a little to make this more exciting.. Hahahahaha..
Also, I can't let anything bad happen to my beloved Andre.. Isn't that right, mi love?" patuloy nitong pangungutya.
"Well, that's all for me.. I am going now. I'll leave you and your pets now..
It's not like I don't feel their presence surrounding us as we speak.. Hahahahaha.." saad nito habang iniikot ang paningin sa paligid.
"You have to do better than to sneak against a Vampire Princess.. hahahaha..
... I'll see you all soon.. Very soon.. " paalam nito sabay lundag ng mataas at nagmistulang alikabok na sumabay sa hangin palayo.
Nakita naman nila Grey na ibinaba na ng Tikbalang ang pana nito nakatutok kay Val kanina. Naramdaman din nila ang paggalaw ng mga sanga sa kabilang dako na gawa ng mga Bangkilan. Pati ang kisap matang pagpapakita ng Engkanto sa harap ng kakahuyan, bago ito naglaho.
"I really have to start my training soon, or it'll all be too late.." sabi ni Grey kapagdaka
"Tama ka, babe. Tutulungan ka namin ni Kenjie, bukas na bukas din.." sabi naman ni Jam na mahigpit nang nakayakap kay Grey.
Marahan na nilang isinara ang bintana at pintuan.
Pagkatapos ay inihatid na ni Grey ang dalaga sa kwarto nito at siya naman ay nahiga na rin sa banig sa lapag ng sala.
Kinabukasan ay maagang gumalaw si Grey, mas maaga pa sa papa ni Jam.
Pagigising ng nahuli ay nakapagkape na ang binata at nag iwan na rin ng almusal para sa pamilya.
"I have to finish my chores as quickly as I can so I'll have time later on to train with Kenjie. But I really need help to make Kenjie teach me his abilities." Aligagang isip ni Grey.
"Maybe Ronnie can help?" patuloy nyang pagiisip habang nagunguha ng kahoy
"You called for help?" nagulat pa ang binata nang lumitaw sa harap nya si Ronnie.
"W-what are you doing here?" takang tanong nito.
"Ohh Grey. You've got so much to learn. I knew exactly what you were thinking. You're on the right path, but you're doing it so slowly. I mean glacial." paliwanag nito sa kanya.
"The kid has been with you for a few days now, and you haven't done anything about it! Are you waiting for him to offer his help? He's a kid! You gotta let him know what he needs to do." Nailing na salita nito.
"I-I am just not sure if he can do it. How can he teach me if he can't explain how he does it?" tanong ni Grey dito.
"There is no need to explain if your heart and soul are in it. It's just like love. You knew Jam had feelings for you and vice versa, even if you haven't talked about it, right?
It's the same thing. You just need to sync with the kid. Connect to him with your heart and spirit. And you would understand each other without words." Patuloy nitong paliwanag.
"H-how would we do that?" naguguluhan pa ring tanong ni Grey.
"Ahh.. Good question. That's where Jam comes in. As I heard, the Queen of the Woodlands has blessed her yet again with additional powers..
I would assume that includes communing with nature..
Just ask the Princess to bind you together with the kid, and you have a sync to start with. You just need to figure out how to level with him. But knowing you, It shouldn't be that hard." pagtatapos nito sabay kindat sa kanya.
"Now, for the business at hand. Would you take me to your future father-in-law? I have some business proposal for him." sabi nito sabay akbay sa kanya pabalik ng bahay nila Jam.