The Teleporter EP 16
Kinabukasan nga ay maagang bumangon ang papa ni Jam. Kahit lasing ito nun gabi ay kitang kita dito ang kasanayan sa pag gising ng maaga.
"Bangon na't makapag kape bago tayo sumuong ng gubat." tapik nito kay Grey na agad rin namang nagising.
Agad itong nag hilamos at nagpalit nang pantrabahong damit. Shorts na maong saka kamisa de chino na mahaba ang manggas.
Habang ang papa naman ni Jam ay nagsasangag na ng kanin at nagpiprito ng daing at tuyo sa kawali.
Maya maya lang ay nagising na rin ang nanay ni Jam at tumulong na sa paghahanda ng pagkain. Ilan minuto lang at naka hain na lahat ito sa mesa.
"Jam, Asia, mga anak bangon na't nang makakain na nang agahan." malumanay na gising ng nanay ni Jam sa magkapatid.
Mabilis din naman nagsunuran ang magkapatid at umupo na sa mesa.
"Si Kenjie po, nay?" tanong ni Jam sa ina.
"Ay hayaan mo pang matulog at bata naman yun. Siguradong magtatatakbo mamaya yun. Hayaan mong makapagipon ng lakas." sagot nito.
Pagkakain ay inaya na ng papa ni Jam si Grey patungong gubat.
"Tara na at nang makabalik agad. Kukuha pa tayo ng buko mamaya para sa pananghalian." sabi nito sa kanya
Parang napakasaya naman ni Grey na sumunod dito, bagay na napansin ni Jam kaya napangiti na rin ang dalaga.
Pagpasok sa gubat ay binigyan na agad ng instructions ng matanda ang binata.
"Piliin mo yun mga tuyo nang sanga, pero wag yun masyadong gapok. Mabilis maabo yun, sayang ang pagod mo. Marami sa banda roon, diretso lang jan. Ako naman eh paparine at makakuha ng abukado at rambutan jan sa may pilapil." sabi nito kay Grey.
"magkita tayo rito maka isang oras." bilin pa nito.
"Sige po, mag iingat po kayo" pilit pa ring managalog na tugon nito.
Nang magkahiwalay ay nag umpisa na rin mangolekta ng kahoy si Grey. Hindi pa siya nag tatagal ay bigla nyang naramdaman na may nakatingin sa kanya.
Sinubukan nya ngunit hindi nya ma pinpoint kung nasaan ang nagmamasid sa kanya, parang ang bilis nito mag palipat lipat.
"A teleporter? But I should be able to sense which one of us it is. This presence is different.." sa isip ni nya.
"Hahahaa.. malakas rin pala ang pakirandam mo, Grey." sabay litaw sa harap nya ang Engkantong nakasama nila sa meeting.
"Oh, it's you. What brings you here?" taong ni Grey dito.
"Ito ay aking nasasakupan. Ako ang inatasan ng mahal na Reyna para mag bantay dito." sagot naman nito
"Kahapon ko pa kayo nararamdaman sa kubo ng aming prinsesa, kaya naisipan kong magpakita." patuloy nito.
"Kung nais mong magpalakas ng katawan at ng iyong kapangyarihan ay maari kitang tulungan. Maari kong manipulahin ang oras sa loob ng aking gubat para makapag ensayo ka ng mas matagal." alok nito sa kanya.
"That would be a great help! But can you also help me do my training here? I still can't manage to use my cloaking abilities to its extent." Tanong nya dito.
"Bakit sa akin ka pa hihingi ng gabay kung mayroon ka namang kasamang bihasa sa pag satagabulag? Wala pa akong nakilalang sinumang nilalang na may kakayahang mag satagabulag sa lebel na kaya ng batang kasama mo." sagot naman nito.
"Sa tingin ko'y mas mataas pa ang lebel ng satagabulag nya kesa sa aming mga engkanto. Kaya lamang namin maglaho sa paningin ng mga tao, pero hindi namin kayang itago ang aming presensya at ang aming amoy, lalo na sa mga may abilidad na maghanap." patuloy nito.
"Pero ang batang kasama mo ay naiiba. May kakayanan siyang itago pati ang amoy at presensya nya, kasama ng kanyang nais ikubli. Mas marami kang matutunan sa kanya." ang Engkanto pa rin.
"Malaya kayong gamitin ang gubat ko, at nakahanda akong tumulong, sabihin nyo lamang kung ano ang kailangan ninyo" pagtatapos nito sa usapan nila at agad na itong nawala sa paningin ni Grey.
"Thank you, friend.." sabi naman ni Grey
Pagkabalik nila sa bahay nila Jam ay agad na niyang iniabot ang mga nakuha niyang kahoy sa papa nito. At pagkatapos ay nagsimula naman siyang mag igib ng tubig galing sa balon at iniipon nya ito sa mga tapayan sa may kusina nila Jam sa silong ng bahay.
"Malakas ang katawan nang batang yan" mahinang bulong ng papa ni Jam sa kanya.
"At saka masipag, hindi nag rereklamo. Kung ganyan siya palagi ay magkakasundo kami." nakangiti pa nitong sabi sa dalaga.
Matapos mag igib ay sinimulan naman nya ang pagsisibak ng kahoy para ipang gatong sa niluluto ng mga babae.
Lumapit naman si Jam dito para kunin ang mga nasibak nitong kahoy.
"Good job ka kay papa ah.. Nagpapasikat ka ba? hahahaha" pang aasar nito kay Grey
"Nah, I really enjoy doing these chores. I always wanted to do things like these, I just didn't have the chance." Sagot naman nito.
"Maybe one day, we'll live here and I'll do this for you every day, my pretty lady." lambing naman nito kay Jam sabay kindat.
"Tapusin mo na nga yan para makapag linis kna bago tayo kumain ng tanghalian. Ambantot mo na." kinikilig na sagot naman ng dalaga dito.
Matapos silang kumain ay hinayaan muna sila ng papa ni Jam na makapag pahinga.
Tag isa sa duyan sila Asia at Kenjie sa ilalim ng mangga. Nahiga naman ang papa ni Jam sa papag malapit dito.
Inaya naman ni Jam na maglakad lakad si Grey para makapagusap sila.
Nang makalayo ng konti ay ikinuwento ni Grey dito ang usapan nila ng Engkanto.
"Ayun naman pala, tutulong naman pala sila sa pag eensayo mo. I am sure papayag rin si Kenjie na turuan ka magcloak kagaya nun ginagawa nya, ang tanong, kaya niya kaya ipaliwanag sa yo kung paano nya yun nagagawa? E ang bata pa nya.." si Jam.
"That's what I'm worried about. And also, I don't want to put him on the spot if he is really not ready to do stuff like this yet." sagot naman ni Grey.
"Well.. We'll never know until we ask him. I think siya lang tlga ang pag asa mong matutunan agad yun technique nya ng mabilisan. Sabi nga ng Engkanto, mas master pa nya ang pag cloak kesa sa kanila." si Jam ulit.
"How about you? When do you plan to seek out your ancestral mother? I am sure she is watching us as we speak." Tanong ni Grey kay Jam.
"I'm not sure, to be honest. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko sa kanya.." nag aalalang wika nito.
"You don't have to say anything in specific.. Just thank her for the ability she blessed you with. I've been with these gods and goddesses before. They just want you to acknowledge their presence and their power over you." Paliwanag ni Grey dito.
"Sana nga ganyan lang kasimple.. Sana wag nya bawiin kaagad itong ability ko na magpagaling. I want to help you win this war, not just stay on a side waiting for others to protect me.." sagot naman ni Jam.
Nang biglang parang kumulimlim ang kalangitan.
Sa gulat ay napayakap si Jam kay Grey.
Dahan dahan namang lumiwanag muli ang paligid, pero pag libot nila ng tingin ay nasa isang napakagandang lugar na silang dalawa.
May falls na napapalamutian ng magagandang orchids at bulaklak..
May malinaw na ilog na may lumulutang na mga magandang halaman..
May parang hardin na punong puno ng mga bulaklak at namumungang kahoy..
"Masaya ako't nakauwi ka nang muli sa iyong tahanan, anak ko.." isang magandang boses ang naririnig nila, pero hindi nila nakikita kung kanino nang gagaling.
"Maghanda ng piging! Nagbalik na ang inyong prinsesa!" ang boses ulit.
At biglang naglitawan ang mahahabang mesa na punong puno ng masasarap na pagkain.
Naglitawan rin ang naggagandahan at nagkikisigang mga engkanto sa paligid
"Maligayang pagbabalik, aming prinsesa!" mga nakangiting bati ng mga engkanto kay Jam.
"A-Ako po ba?" Parang naguguluhan tanong ni Jam.
"Ikaw na nga, mahal naming prinsesa." sabay lapit ng Engkantong nakasama nila sa meeting
"Maligayang pagbabalik!" nakangiti nitong bati.
"Magpakabusog kayo at magpakasaya! Para sa inyo ang piging na ito!" ang boses ulit
Wala na nga nagawa ang dalawa kundi ang makisalo at makisaya sa mga engkanto.
Bukod sa masasarap na pagkain ay mayroon ding inilabas na alak na ubod ng tamis ang mga ito.
"Magpakabusog lamang kayo, wala kayong aalalahanin..
Hindi kami naghahain sa harap ng prinsesa ng itim na kanin..
Maging ang oras ay hawak namin..
Paglabas nyo rito ay para lamang kayong saglit na nagpahangin.." nakangiting anyaya pa ng Engkanto sa kanila
Mga ilan oras din ang lumipas na nagsasaya lamang sila.
Maya maya pa ay may narinig na bulong si Jam sa tenga nya.
"Sumunod ka sa kin, aking supling..
Ang iyong presensya'y nais kong makapiling.." sabi nito kay Jam
Sumunod naman ang dalaga. Tatayo sana si Grey para samahan ito, pero pinigilan siya ng Engkanto.
"Hayaan mong makapagusap ang mag ina..
Sa tagal nilang nawalay' siguradong nais nilang mapag isa..
Makapag salaysay ng kanilang mga pinagdaanan..
Damhing muli ang puso nilang iisa.." paliwanag nito
"Are you really this deep when in gatherings?" biro ni Grey dito.
"Isa yan sa aming tradisyon." magiliw naman tugon nito.
"Kamusta ka, anak ko? Nagustuhan mo ba ang ibinigay ko sayong kapangyarihan?" tanong ng boses kay Jam.
"O-Opo. Maraming salamat po. Nagagamit ko po siya para pagalingin ang mga kaibigan ko.." pasalamat ni Jam dito.
"Mabuti naman kung ganun. Sana'y iyo pa itong linangin at magakadalubhasa sa paggamit.. Dahil hindi lang ito ang pagkakaton na kakailanganin mo itong gamitin.." malamyos nitong tugon
"May paparating na unos na iyong kasasangkutan..
Gustuhin ko man, ika'y hindi ko maaring tulungan..
Ang sakunang ito ay darating.. nais man nating pigilin..
Sa gitna nang delubyo.. ipakita mong ika'y galing sa akin.." parang pakanta na hindi ang pagkakarinig ni Jam dito
"Gayun pa man, ikaw pa rin ay akin..
Hindi kailanman ika'y paluluhain..
Taglay mong lakas aking pag-iibayuhin..
Sapagkat ikaw lamang ang may karapatang umangkin.." patuloy na pag awit ng tinig
Parang uminit namang muli ang dibdib ni Jam at tumingkad ang kulay purple na ilaw dito. Biglang may lumabas na parang mga umiilaw na sinulid na isa isang kumalat at yumakap sa bawat puno sa paligid..
"Anak ko.. aking prinsesa..
Ang mga gubat na ito ay sa iyo na..
Pakaingatan mo at mahalin tuwina..
Ito'y nag iisang hiling ng iyong ina.." pagtatapos ng kanta nito.
Sabay may parang humawak sa mukha ni Jam at humalik sa noo nya. Napaka soothing at warm nang pakiramdam noon sa kanya..
At parang sa isang kisap mata, may nakita siyang napakagandang mukha sa harap nya, pero bigla ring nawala..
Pagkatapos ay parang lalong gumaan ang pakiramdam ni Jam.
Parang alam na rin niya bigla ang mga sikreto ng gubat na iyon. Parang alam na rin nya agad kung paano gamitin ang abilities nya..
"Ang galing.. Maraming salamat po, Mahal na Reyna ng Kalikasan.. Makakaasa po kayo na gagawin ko ang aking makakaya para makatulong sa darating na digmaan.." sabi ni Jam sa isip nya
Makaraan lang ang ilang saglit ay bumalik na ulit si Jam sa piging.
"Where'd you go?" tanong ni Grey dito.
"Sinumbong kita sa mama ko." Biro ni Jam dito.
"You're crazy." nakangiting sagot nito sabay yakap kay Jam.
Ilang sandali pa ay nagpaalam na rin ang dalawa sa mga engkanto.
"Halikayo't akin kayong ihahatid pabalik sa inyong mundo.." yaya ng Engkanto sa dalawa
Pagkahawak nila sa kamay nito ay parang kumulimlim ulit ang paligid. At pagliwanag ay nandun na ulit sila sa may gitna ng punuan na pinaggalingan nila.
"Tandaan mo aking prinsesa, bukas lagi ang ating pintuan para sa iyo at sa iyong mga kaibigan.. Bagama't ako'y sugo ng mahal na Reyna, ngunit nakahanda akong ika'y pagsilbihan.." huling sabi nito bago nawala sa harap nila.
Magkahawak kamay namang bumalik sa bahay ang dalawa. Bagay na hindi nakaligtas sa paningin ng papa ni Jam.
"O kumain muna kayo, nagluto ako ng minatamis na langka at saging." alok ng nanay ni Jam.
"Wow! sarap nyan!" natatakam naman komento ni Kenjie na kakagising lang.