The Teleporter EP 15
Kinabukasan..
Wala pang bukang liwayway ay gising na sila Jam at Grey para maghanda sa kanilang pag alis. Ikinuha ni Grey si Kenjie ng ilang piraso nitong damit sa unit nila at isinilid sa nakita nyang bag nito. Habang si Jam naman ay inihanda na ang kanilang mga gamit para sa maagang pag byahe.
Nagising na rin si Tess dahil sa mga galaw na naramdaman nya sa bahay.
"Ang aga nyo naman magising ateng.." bungad nito kay Jam
"Wait lang, ipagluluto ko kayo ng breakfast.." alok nito sa dalaga
"Kahit wag na, ate Tess. Salamat. Paalis na rin kami e." sagot namamin ni Jam dito.
"Ay hindi. Babyahe pa kayo, hindi maganda yan wala laman ang tyan nyo. Mabilis lang to, yun hindi nyo maubos ay baunin na lang ninyo. Lalo yung bata, naku di pwedeng ibyahe yan ng gutom. Baka kung ano pa mangyari jan." tuloy tuloy nanaman nitong salita
Wala na rin nagawa si Jam kundi sumunod sa gusto nito.
Mabilis lang sila kumain. Hotdogs, bacon, eggs, saka fried rice, ang niluto ni Tess. Mayroon ding sliced bread.
Coffee sa tatlo at hot choco naman kay Kenjie.
Makatapos nga kumain ay ipinagbalot sila ni Tess ng mga natirang breakfast at yun Kalderetang chicken.
"Oh, dalhin nyo na to sa byahe nyo para pag nagutom kayo. Lalo tong bata, wag nyo pabayaan magutom to, naku! Baka mabawasan ang ka-cutan neto!" sabi ni Tess sabay kurot sa pisngi ng bata
"Magbabait ka ah, makikinig ka sa ate mo lagi. Wag ka magulo dun para di ka kunin ng mga monsters." paalam nito sa bata.
"Opo, ate Tess. Thank you po!" magalang naman sagot ng bata dito.
At nagpaalam na rin si Jam dito.
"Salamat ate Tess sa pagpapatuloy mo sa min dito ah. Mag iingat ka lagi dito. Saka balitaan mo rin ako paminsan minsan, alam mo na naman number ko e." paalam nito sa kasambahay.
"Kayo rin, magiingat kayo. Patnubayan sana kayo ng maykapal.."pagpapaalam din nito.
"You go ahead with ate Jam, okay? I'll just need a few seconds with ate Tess here." utos ni Grey sa bata.
"I think you already have a bit of an idea of why we are on the run, ate Tess. But I can't tell you anything right now, cause I don't want you to get into trouble." pasimula ni Grey nang naiwan na sila dalawa sa sala.
"I cannot express how thankful we are to you for letting us stay here, even for just a night. It's a big help to us. And if ever you need any help, please just let us know, okay? We owe you big time." Patuloy nito.
"I know, basta mag-iingat kayo lagi. Hindi ko man kayo matagal nakasama, pero magaan ang loob ko sa inyo. At alam kong hindi kayo masamang tao. Kung kailangan nyo rin ng tulong ko, andito lang ako." seryosong sagot ni Tess dito
"Please accept this, it's not a bribe or payment, it's just a token of appreciation for letting us stay the night." sabi ni Grey sabay abot ng isang tali ng pera dito.
"AY! Ang dami naman nito! San ko naman gagamitin to?!"gulat na sagot naman ni Tess.
"Just do anything you want with it, you deserve it! Enjoy it! Maybe take kuya guard to a date." Biro ni Grey dito sabay kindat.
At tuluyan na ngang umalis ang tatlo.
"Bakit nga kaya nagtatago yun mga yun? Hindi naman sila mukhang mga kriminal na gagawa ng masama.. Kinupkop pa nga nila yun batang naulila.." sa isip ni Tess
"Ahh.. malamang nagtanan yun. Mayaman siguro yung Grey at hindi tanggap ng mga magulang si ateng dahil labandera lang kaya sila nag tanan. Kaya pala maraming pera si pogi.." pagmamarites nito sa sarili
"Ganda ng love story nila, parang yun mga nababasa ko lang sa w*****d. hihihihi" parang kinikilig pa nitong isip.
At nagpatuloy na nga sila sa pagbyahe gamit ang super four na bike. Nasa gitna ng dalawa si Kenjie.
Medyo mabilis ang byahe nila dahil bukod sa malakas ang motor nila ngayon, ay parang wala rin masyadong kasabay sa daan. Halos masolo nila ang mga nadadaanang highway.
Ipinagtataka na rin ito ni Grey kaya naging alisto ito sa anumang pwedeng mangyari.
Ilang oras pa ng byahe ay may namataan silang checkpoint sa di kalayuan sa kanila.
"Oh shit.. Here we go again.. I don't think a fake license will get us out of this.." sa isip ni Grey nang makita ang mga agents ng sector 13 na nakabantay dito
"Uhm, Kenjie, do you think you can cloak us past this checkpoint? All three of us and the bike?" hindi siguradong tanong ni Grey sa bata.
"Oo naman kuya, yun lang pala e. Sinama ko nga sila mommy, daddy at yaya nun minsan sa pagtago kahit hiwahiwalay sila ng pwesto. hahaha!" pagmamayabang nito sa kanila.
"He can do that??! He can cloak people out without touching them??!! Who the heck is this kid??!" takang tanong ni Grey sa sarili.
"Alright then, I'll need you to do that once I give you the signal, okay?" sabi ni Grey dito.
"Yes sir!" sagot naman nito.
Isinunod muna ni Grey ang motor nila sa pila ng mga sasakyan para hintayin ang mga nagchecheckpoint. Inilihis niya ng bahagya sa kaliwa ang motor para medyo nakatago sila sa mga nag iinspeksyon sa kanang bahagi ng kalsada.
"Are you ready, kid? Once that closed van moves past the barrier, cloak us out so we can follow it without detection, okay?" medyo kinakabahang utos ni Grey sa bata.
"Okay!" bibong sagot naman nito.
"Now!" bulong ni Grey kay Kenjie pag usad ng van.
At ginawa nga ng bata ang pagcloak sa kanila.
Dahan dahan ang ginawang pag piga ni Grey sa silinyador para hindi masyadong maingay ang pag andar nila, pinipilit nyang isabay sa bomba ng makina ng van sa harap nila.
Hindi naman sila napansin ng mga nakabantay sa harap ng barrier, pero yun isang agent na nag aayos ng pila ng mga sasakyan ay napakamot ulo nang makitang nawala yun motor na kasunod ng Elf.
"Baka nagbago isip at nag u-turn na lng. Sabagay, hindi rin talga magandang magbyahe sa panahon ngayon. Ang daming nangyayaring kababalaghan." naisip na lng nito
Patuloy lang silang sumunod sa closed van at nun nakakuha ng tyempo ay saka umarangkada si Grey para maunahan ito.
"You can let go now, kid!" sabi nito sa bata.
At bigla nga silang lumitaw sa gilid ng van sabay overtake dito. Nagulat pa ang driver nito dahil hindi nakitang paparating ang motorsiklo.
"You did great, kid! You're awesome!" masayang sabi ni Kenjie dito.
Nag thumbs up naman ito, pero halatang parang bigla napagod ito.
"Pwede ba tayo tumabi saglit, babe? Pagpahingahin lang natin si Kenjie ng mabilis, napagod ata siya sa ginawa nya.." nag aalalang sabi ni Jam.
Itinabi naman ni Grey ang motor sa may mga punuuan na sunod sunod.
"Are you okay, Kenjie?" tanong ni Jam dito.
"Okay lang ate Jam, inantok lang ako. Ngayon ko lang nagawa kasi isama kayo saka yun buong motor pa.." sagot naman nito.
Agad naman itong inalalayan ni Jam pababa ng motor at niyakap habang nakasandal sya sa puno. Idinikit nya ang isang kamay nya sa dibdib nito, habang ang isa ay idinikit nya sa malaking puno ng akasya.
Muling umilaw ang purple na liwanag sa dibdib nya ng bahagya pero bigla ring nawala.
"Oh, how about now? Are you feeling much better?" tanong ni Jam dito matapos salinan ng enerhiya galing sa puno.
"WOW! Ang galing mo ate Jam! Dati, kelangan ko pa mag sleep pag napagod ako sa pag invisible e, ikaw hinipo mo lang ako, okay na ako agad? Ang lakas ng powers mo!" manghang tugon dito ni Jam
"These two are unbelievable! A kid who learned how to cloak with multiple baggaes on his own, and a girl who just a couple of weeks ago did not know she had healing powers, is now transferring nature's energy to others as if it's nothing!" sa isip ni Grey
"I really need to work on my s**t or I will just drag them down." Seryosong sabi nito sa sarili.
Kumain na rin sila ng mabilis at nagpatuloy na sila sa pagbyahe ng ilan pang oras.
Maya maya pa ay sumenyas na si Jam.
"Malapit na tayo, liko ka dun sa may pakanan sa dulo. Yun papunta sa palayan na yun." pagbibigay nito ng direksyon kay Grey.
Pagliko ay kitang kita na nga nila ang magandang tanawin mula dito. Palayan sa dalawang gilid ng kalsada, sa dulo ay isang napakagandang bundok at mayroon pang ilog na tumatagos sa magkabilang side ng kalsada.
"WOW! Ang ganda dito ate Jam! Dito ka ba nakatira? Parang yun mga nakikita natin sa mga painting!" manghang bulas ni Kenjie
"This is amazing, pretty girl! You are not kidding when you told me that this place is beautiful!" masayang sabi rin ni Grey habang ineenjoy ang sariwang hangin na sumasalpok sa mukha nila.
Pagdating nila sa bahay nila Jam ay mainit silang sinalubong ng mga magulang at kapatid niya.
"Ate Jam!!!" tumatakbong salubong ng kapatid nya sa kanya
"Asia!" sagot naman nito sabay takbo rin para salubungin ang kapatid.
Nang mag abot ay nagyakap ng mahigpit ang magkapatid.
"Dyaske kang bata ka, hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka! Hindi tuloy kami nakapag handa ng papa mo!" akala mo'y galit na salubong sa kanya ng nanay nya.
"Okay lang po yun nay! Biglaan din po kasi. Nagkaron ng pagkakataon mag leave sa opisina kaya sinamantala ko na." masayang sabi ni Jam sa mga ito.
Ang papa naman ni Jam ay tahimik lang na nakamasid sa gilid. Bagama't ramdam mo ang kasiyahan nito ay kita ang pagtitimpi nito na kilalanin ang dalawa pa niyang kasama.
Napansin naman ito ni Grey kaya siya na ang nagpakilala dito.
"Magandang araw po, ako po si Grey, k-" hindi naman natapos nito ang pagpapakilala dahil biglang sumabat si Jam
"K-kaibigan ko po pa.. Ito naman po si Kenjie, pamangkin ni Grey." sambot nito.
Napakunot noo naman ang bata pero nakisakay na lang ito.
"Kamusta po kayo? Ang ganda po dito sa inyo, fresh na fresh ang air!" sabi nito sabay mano sa dalawang matanda.
"Kaawaan ka naman, iho. Akala ko'y aatakihin na ako sa puso kung sinabi mong apo ko na itong batang to!" may halong biro naman sabi ng papa ni Jam sabay haplos sa ulo ng bata.
Sabay sabay naman natawa ang lahat.
"Hala, tara na't pumanhik muna kayo sa taas, ano ba't dito tayo sa labas naghuhuntahan!" ang nanay naman ni Jam.
Inakay na nito ang bata paakyat sa kanilang bahay.
Simple lang ang bahay nila Jam, typical na bahay probinsya. Nakaangat ng mga isa't kalahating metro sa lupa, na yari sa matitigas na kahoy. May 2 kwarto sa loob at maluwag na sala na nakaharap sa malaking capiz na bintana.
May mga manok at bibe rin na nagkalat sa silong.
Dumiretso na si Jam sa kwarto nilang magkapatid kasama si Kenjie. SI Grey naman ay naiwan sa sala magisa, dahil hindi nya alam kung saan kwarto siya pupunta.
"Sige na iho, dalhin mo na ang gamit mo sa kwarto nila Jam. " salita ng papa nito.
Natuwa naman si Grey at nagsimula na maglakad palapit sa kwarto.
"Pero mamayang gabi ay dito ka sa salas matutulog kasama ko. Puro babae lang sa kwarto." matigas na follow up nito.
Napakamot ulo naman si Grey bago sumagot dito.
"Opo." sagot nito bago tuluyan sumunod kina Jam sa kwarto.
"Boyfriend mo ba yun ate? Ang gwapo ah.. Parang foreigner!" parang kinikilig na tanong ni Asia sa ate nya.
"Wag kang maingay, baka marinig ka ni papa, kilala mo naman yun.." pinadilatan ng mata ni Jam ang kapatid na ikinatawa naman nito
"Ate Jam, dito rin ba ako?" tanong ni Kenjie rito.
"Gusto mo ba rito? Pwede naman, tabi tayo dito sa bed ko.." alok ni Jam dito
"Ay hindi, dun ka na sa tabi ko sa kabila. Hindi ka makakatulog kasama yang dalawa na yan dahil paniguradong magkukwentuhan yan magdamag!" putol naman ng nanay ni Jam
"Waaassshuuuu!! Gusto mo lang me batang lalaking alagaan dahil wala kang baby boy e.." biro naman ni Asia sa ina.
At sabay sabay silang nagtawanan.
Dahil mag dadapit hapon na ay inaya na ng nanay niya si Jam para magluto ng hapunan. Sumunod naman sila Asia at Kenjie na parang magkasundo agad para tumulong.
Naiwan ang dalawang lalaki sa balkonahe ng bahay, pagkababa ng hagdan.
"Ano ka ba ng anak ko, Grey?" direktang tanong nito sa binata.
"Manliligaw ko po yan, pa! Gisahin nyo nga!" natatawang sabat ni Jam dahil narinig ang tanong ng ama.
"Manong ikaw nga e manahimik jan, Jamaica! Hindi ikaw ang tinatanong ko! Tulungan mo nanay mo jan sa pagluluto!" bulyaw nito sa anak.
"Ahhh eehhh.. Parang ganun na nga po." kamot ulong sagot ni Grey dito.
"Aba e mabuti't naisip mong iuwi muna siya dito para makilala ka rin namin. Gusto ko yan! May tiwala naman ako jan sa dalaga namin, pero alam mo naman ang mga kabataan sa maynila! Masyadong mapupusok!" salita nito kay Grey.
"Kung ganyan ka naman pala e, wala kang maririnig sa akin. Ligawan mo ang anak ko, pero kelangan, matutunan mo rin ang tamang panliligaw namin dito." patuloy pa nito.
"Ehh.. Paano ho ba?" kahit hirap na hirap ay pilit pa ring pananagalog ni Grey
"Hahaha.. Mga kabataan talaga ngayon. Ni hindi marunong manligaw. Nun panahon namin, umaabot pa kami sa kabilang ibayo para lang mang harana! Hinabol pa nga kami ng aswang at engkanto minsan. Hahahaha!" pagkukwento nito
"Hamo't tuturuan kita ng diskarte mamaya pagkakain ng hapunan. Marunong ka bang uminom?" tanong nito
"K-konti po.." nahihiyang sagot nito.
"Hahahaha.. masubukan mamaya." hamon nito sa binata
Pagkatapos nga nilang kumain ay naglabas ng mesa sa may balkonahe ang papa ni Jam. Sabay lapag ng isang de tengang alak.
"Parito ka't nang masimulan na ang tagayan. Masubukan ang lakas mo dito. Hahahaa.." masayang yakag nito kay Grey.
Hindi naman ito inawat man lang ni Jam, patawa tawa lang ito sa taas habang pinapanood sila mula sa hagdanan.
May isang oras na rin silang nagiinuman nang ituro na ng papa ni Jam ang mga dapat gawin ng binata para makapanligaw.
Pagiigib ng tubig, pagsisibak ng kahoy, pag bomba ng poso habang ito'y naglalaba at pag haharana.
Napakamot na naman si Grey sa ulo kahit hindi makati dahil wala pa siyang nararanasang gawin kahit isa man sa mga iyon.
"Kow, wag mong isipin yun. Matututunan mo rin yun pag ginagawa mo na. Hahaha!" magiliw nitong sabi kahit medyo lasing na.
May isang oras pa ulit silang nagtagayan at talagang lasing na ang papa ni Jam kaya tinulungan na ito ni Grey para makaakyat at makahiga sa sofa nilang kahoy.
Pagkatapos ay iniligpit na ni Grey ang pinag inuman nila. Maya maya ay bumaba rin si Jam para tulungan ito.
"Okay ka lang ba? Hindi ka ba nalasing?" tanong nito sa binata
"I'm good. We don't get drunk fast; it's in our genes. But I like your papa. He's so nice and welcoming, even for me." sagot nito
"Hhhhhhmmmm that's because he likes you. Sabi sayo magugustuhan ka nun e. Good luck lang sayo bukas, papahirapan ka nun sa pagsibak ng kahoy at pag igib ng tubig. hahaha" sabi ulit ni Jam
"That's okay. It's all worth it if it's all for you.." sagot ulit ni Grey sabay lapit sa dalaga para halikan ito.
Pero bago pa lumapat ang mga labi nila sa isa't isa ay sumigaw ang papa ni Jam.
"Jamaica! Gabi na! Pumasok na kayo't isara ang mga bintana! Papasukin tayo ng mga lamok!" kahit nakapikit ay bulyaw nito sa anak.
"Ikaw rin Grey, mag pahinga kana! Maaga pa tayo mangangahoy bukas!" Patuloy na bulyaw nito.
Natawa na lng ang dalawa at wala na rin nagawa kundi sundin ang matanda.