The Teleporter Ep 14

3600 Words
The Teleporter EP 14 Pagkatapos nga ng pagpupulong ay nagkanya kanya nang lakad ang bawat miyembro. Nagpaalam na rin sila Grey sa mga kasama nila. "Alrighty, just be sure to take care of this beautiful lady, okay? You don't want a goddess and her sisters to bring their wrath upon you. Hahahah.." pabiro ngunit seryosong paalala ni Ronnie kay Grey. " You don't have to remind me of that. If I had known that she was with the big shots here, I would have just let that manyak take her. Hahaha.. " pabiro ring sagot ni Grey dito. Pinagkukurot naman siya ni Jam sa tagiliran. Habang kunyaring naka simangot sa kanya. "And now you two are stuck together. Just try and lead her astray, Grey. I dare you. Let's see what happens." Pabiro ring sabi ni Blue. "Better bring this little princess to her momma in one piece, or you might not live another day. No pressure." nakangiti ring pang aasar ni Black. Nakangiti naman nanonood sa asaran nang magkakasama ang iba pa. "But on a serious note, take your time there to get better. Especially on your cloaking abilities. You have no idea how much we need your assassin skills to win this war. You are the key to our victory, Grey. I am sure you know that." Seryosong payo ni Ronnie dito. "Yes, I know that. And don't worry, I just had a realization last night. I really cannot let anything happen to this pretty girl. I am ready to do anything to protect her. I am ready to die just to make sure she's safe. "Seryosong sabi ni Grey. "Well, that's something coming from you. The Grey, who does not care about anything else but himself, is suddenly ready to be a knight in shining armor? I'm speechless!" tugon ni Black. "That's love." nakangising namang saad ni Orange. At sabay na nagtawanan ang lahat. "Don't worry about it too much, Grey. We are all here for you." Pangako naman ni Red. "Thank you. All of you. I won't let you down, I promise." Seryosong sagot nito. At isa isang kinamayan at niyakap ni Grey ang mga kasama bago tuluyang magpaalam sa mga ito. "Are we going to blink to get there?" tanong ni Jam kay Grey habang naglalakad sila palabas ng malaking facility na yun. "Nope, Sector 13 has got hold of antennas all over the place, and we do not want to lead them to this facility. The others are okay since sector 13 barely had their traces, but my traces on you are so much easier to track." paliwanag nito "I also heard that they got rid of the local agents and had some international agents with better experience in tracking us join them here. We have to be extra careful, especially in the metros." patuloy nito. "So, how are we going to get there? Ride the public services again?" tanong ni Jam "Nope. Remember George?" balik tanong nito sa kanya. "Yun pinagbilhan natin ng motor sa Baguio?" takang sagot naman ni Jam. "The very same. Yeah, he's got a branch close by from here, and he is willing to help us again. It turns out, he has been working with Mang Mael for a long time against the supernatural beings there, so Mang Mael told him about us." paliwanag nito kay Jam. "Wow, small world, huh?" tugon nito "If you're working on something as unique and strange as what we are working with, you'll see how small the world really is," sabi ni Grey. "Well, I hope makita ko muna ang buong mundo habang maganda pa, bago pa ito sirain nun siraulong bampira na yun." nakasimangot na saad ni Jam. "Vlad is the very least of our problems, if you would believe me." Seryosong sabi nito. Napakunot naman ng noo si Jam sa sinabi ng binata. Sumakay ang dalawa sa isang truck na may sakay na mga gulay at prutas. Ito ang ginagamit na service ng mga tauhan ni Ronnie papasok at palabas ng facility para hindi makakuha ng attensyon. Pagdating nila sa kabayanan ay hinanap agad nila ang pwesto ng bike shop ni George na nakita naman nila kaagad. Pagpasok pa lang sa shop ay sinalubong na sila ng isang binatilyo. "Kayo po ba si Sir Grey?" bungad nito sa kanila. "Yes, I am." nakangiting sagot ni Grey dito. "Ipinagbilin po kasi kayo ni uncle sa akin. Nagulat nga po ako nun ipinalabas nya yung paboritong nyang motor. Kayo daw po ang kukuha. Akala ko po talaga hindi na nya ibebenta yun e, mahal na mahal kasi nya yun motor na yun." dire diretsong kwento nito. Sabay pakita sa kanila sa isang vintage Honda CB400 super four. Medyo may kalumaan na ito pero kitang kita kung paano inalagaan ng may ari. Sinubukan naman istart ni Grey ang motor. Ayos naman, one-click nagstart agad sa isang sipa. "This is nice. Did your uncle mentioned anything about the payment?" tanong nito sa binatilyo dahil wala na silang dalang maraming cash ni Jam. "Ay opo, kayo na daw po bahala magusap dun, basta raw po tawagan muna natin siya bago nyo kunin yang motor." sagot naman nito At tinawagan nga ng binatilyo si George, sabay abot kay Grey ng telepono. "Hey, my friend! How are you doing? I got the other bike from Mang Mael; he told me everything. Should I have known you were who you are, I shouldn't have taken your money for the bike. HAhahaha" magiliw pa rin ito sa kanya "Anyway, have you seen the bike I got there? You can use it for now, so you can travel without any problem. The papers and your fake license are in the seat. I arranged it all for you." patuloy nito "Okay, thanks, but how about the payment?" takang tanong ni Grey "Don't worry about the money, I've got it covered. Also, Mr Ronnie sent his men here to settle it for you already. hehehehe.." nakatawa nitong sagot "Just enjoy your new bike. And if ever you need help, you know how to get me, okay? hehehe.." masayang paalala nito "Alright. Well, thanks! This is perfect. I am sure we'll enjoy it." Sagot naman ni Grey dito. "But seriously, please take good care of it. I love that bike more than my nephew there. So please.." me halong birong pakiusap nito. "I promise, I'll take care of it. Thank you, George. I owe you this one." nakangiting pagtatapos ni Grey sa usapan nila. "Be safe, my friend," pag papaalam nito. At inilabas na nga ng dalawa ang big bike at sinimulan na nilang bagtasin ang kahabaan ng kanilang byahe pauwi kina Jam. Pagsapit ng Manila ay hindi nila maiwasang mapadaan sa building ng dating unit ni Jam. Pagdating nila sa harap nito ay animo na ito isang abandonadong building na pinaglabanan ng isang gyera. Napapaligiran din ito ng yellow tape na nagbabawal na pasukin ito ng walang pahintulot. Kaya tumingin sa paligid si Jam para sana magtanong, sakto namang napadaan ang isang pamilyar na tao sa harap nila. "T-Tess?" paniniguradonng tanong ni Jam dito. "HOY ATENG!!! Kamusta ka na? Lalo kang gumaganda ah! Naku, hiyang sayo nun tumigil kna sa paglalabada.. hahahahha.." dirediretso na naman nitong pangangamusta sa kanya. "Ako nga. Ano nangyari dito? Bakit sarado na to? "Ay, pagkatapos nun incident nun magkita tayo noon, hindi na tumigil ang pagpasok at pag raid jan. Parang me hinahanap silang kriminal pero wala naman makita. Kaya yan, napilitan na magsi-alisan ang mga nakatira para hindi na lng madamay sa gulo." pagkukwento nito. "Balita ko nga pati yun pamilya nakatira dati sa taas, pinagpapatay na ng mga di kilalang lalaki. Pati yata yun anak na batang lalaki, hindi na raw natagpuan. Kaya yun, me naririnig daw jan umiiyak na batang lalaki pag gabi.. Nagmumulto ata.." patuloy nito. "KENJIE!" sa isip ni Grey " Just stay here for me, pretty girl. I just need to check on something." puno nang pag aalalang utos ni Grey kay Jam. "Ayun ba jowa mo gurl??! In fairness, ang gwapo ah! Walang panama yun mga model at artista nagshoshooting jan sa kanto.. hhahahhaa!" si Tess Habang sabay nilang tinanaw ang tumatakbong si Grey papasok ng gusali. Maingat na inakyat ni Grey ang gusali, sinisiguradong hindi siya gagawa ng ingay na maaring makabulabog sa katahimikan dito. Iniisa isa rin nya ang mga kanto at baka me mga traps or iniwang mga tracker ang mga agents para sa kanya. Nang makarating sa floor kung nasaan ang unit ni Jam ay dumiretso siya sa pagsilip sa loob nito. Gulo gulong gamit at nagkalat na mga papel na lng ang inabutan nya dito. "What are they looking for in here?" takang tanong ni Grey Dahan dahan nyang tinungo ang unit nila Kenjie para siguruhin ang nasa saisip nya kanina. "Please be safe.. Please don't be in here. Please be safe with your parents." Umaasa nyang sambit. Pagsapit dito ay lalo siyang kinabahan nang makitang maraming nagkalat na natuyong dugo sa sahig, palatandaan na hindi mga agents ang pumasok dito. Inilibot pa nya ang kanyang paningin sa loob ng unit, pero wala siyang nakitang kahit anong bakas ng buhay dito. Palabas na sana siya ng may matalisod siyang balat ng biskwit na may isa pang natitirang laman. Dinampot nya ito at inamoy. Saka nya piniga. "It's still a bit crunchy. Whoever ate this just had it a couple of hours ago," sa isip ni Grey Bigla siyang me naalala. Tumakbo siya sa loob ng isang silid at nakita nya ang kama na nakaayos sa gitna, bagama't napakarumi at punit punit na ang cover nito. Inangat nya ang kama at itinayo iyon sa tabi. "Kenjie? Are you here buddy?" alangan niyang tanong sa hangin. "KUYA GREY!!!!!" sigaw ng bata sabay dahn dahang lumitaw sa pagka cloak nito. Sumugod ito ng yakap sa binata sabay iyak ng todo. "KUYAAA!!! huhuhuu... pinatay ng mga monsters sila mommy.. huhuhuhu.." nagwawala nitong iyak sa dibdib ni Grey. "It's okay, I am here now.. Calm down.." pag alo ni Grey dito. "Huhuhuhu... kinain ng monster sila daddy.. kitang kita ko.. ang sasama nila!!" galit na iyak nito "Don't worry, I got you.. We'll take care of those monsters for you.. I promise I won't let them hurt you." Tim bagang namang pangako ni Grey dito. Mga ilang minuto pang umiyak ang bata na hinayaan naman ni Grey para maibsan ang bigat ng nararamdaman nito. "Be brave, Kenjie.. This will not be the last time that your courage will be tested," sa isip ni Grey. Maya maya pa ay humina na ang paghikbi nito at tuluyang nakatulog sa pagod sa pagiyak. Kinarga naman ito ni Grey at dinala palabas ng building. "Ay may pa superhero ang peg ng jowa mo ateng ah.." bungad ni Tess sa kanila. "In fairness, pede siyang batman.. hahahaha" patuloy pa nito "Kenjie?!" bulalas ni Jam ng makita ang bata "You knew him?" tanong ni Grey dito "Yeah, dun siya nakatira sa dulo ng floor namin. Iniiwan din yan minsan sa akin pag aalis saglit ang yaya nya" paliwanag nito "Bakit nanjan pa siya? Akala ko wala nang nakatira jan?" tanong ni Jam. "I'll tell you later. Let's take him somewhere he can rest first," sabi naman ni Grey. "Let's tek it to ar house. My amo ar not der until next week. You can ress der." pag aalok naman ni Tess. Nagkatinginan sila Jam at Grey, tinatantya kung mapagkakatiwalaan ba ang madaldal na kasambahay. Pero kalaunan ay pumayag na rin sila dahil wala rin naman silang masyadong options. Pinagtulungan nila Jam at Tess buhatin si Kenjie papasok sa apartment building nila Tess. Sinalubong naman sila ng security nito para tulungan. "Tulungan ko na po kayo ma'am" sabi nito kay Jam. "Ay, pag maganda may pag "ma'am" pag ako hoy Tess! Ayan tayo e.." pag mamaktol ni Tess dito. "Sino ba tong bata na to? Parang andungis ah.. batang hamog ba to? bat nyo binitbit dito?" tanong nito "Hindi, pamangkin ko yan, sobrang likot lang talaga kaya ganyan ang itsura. Ayan nga, naka tulog na sa pagod." sambot naman ni Jam. Pagdating sa elevator.. "Okay na kami dito, kuya. Paabang na lng ng kasama namin, yun BF ko. Nagpark lang. Pakituro na lng kung san kami." sabi ni Jam dito. "Ouch, akala ko pa naman, ako na sasagot sa malalamig mong gabi.. Pagmamay ari kna pala ng iba.." pabirong banat ng security kay Jam. "Ako din naman nilalamig pag gabi, ayaw mo ba akong sagutan?" papilyang banat naman ni Tess dito. "Sagutin kita jan ng pabalang, makita mo!" me paambang suntok pa ito ke Tess. Napangiti na lang si Jam. Pagpasok sa unit nila Tess ay itinuro nito kung nasaan ang guest room. Dinala nila ang bata rito para makatulog nang maayos. Maya maya pa ay dumating na rin si Grey. "How is he?" bungad nito sa kanila. "It's okay, we can change her clothes. We also punas it with warm water. Its so dirty kasi" pagpipilit pa rin ni Tess mag ingles. "Alam mo ate Tess, wag mo na pahirapan ang sarili mo. Nakakaintindi ng tagalog yan." sabat naman ni Jam dito. "Ay sus ginoo naman tong si pogi! Kanina pa ako hirap na hirap mag ingles hindi man lang kumibo! Kuroton ko an saimong kamot!" inis na sabi nito Natawa naman sila Jam at Grey dito. "Jan nga muna kayong magjowa. Magluluto lang ako ng makakain natin. Behave ah, someones watching. hahaha" biro nito bago lumabas ng kwarto Paglabas ni Tess ay nagkaron ng pagkakataon mag usap ang dalawa. "So, kaya rin ni Kenjie mag invisible?" tanong ni Jam dito "Yes, and as I see it, he's the best who's ever done it. Just imagine being able to evade a legendary monster right under its nose. I don't think even the others can do that." paliwanag nito. "Do you think he's one of you guys?" tanong ulit ni Jam. "I am not sure, but there is a possibility, especially when there's nobody who can teach him that. It only tells me that he has the ability since he was born." Patuloy nitong paliwanag. "So ano na gagawin natin sa kanya? Hindi naman natin siya pwedeng iwan dito, wala na parents nya." tanong ulit ni Jam. "We'll figure something out. But for now, let's just take him with us. I can't let him out on his own in his condition. Just imagine the trauma he's been through." Nag aalalang sabi ni Grey "I agree.. At least pag kasama natin siya, mas mapapanatag siya kahit papano dahil kilala nya tayo." sang ayon naman ni Jam. "Let's just think of him as our first baby." Nakangising biro ni Grey. "Ikaw talaga! Puro ka.." hindi na natapos ni Jam ang sasabihin ng biglang kabigin ni Grey ang ulo nya para halikan siya.. Pero bago pa man maglapat ang kanilang mga labi.. "A-A-ate Jam? Bat ka nandito? Bat kayo mag kikiss ni Kuya Grey?" tanong ng batang kakagising lang. "No, I just tried to whisper something to her so we don't disturb your sleep." Palusot ni Grey dito "How are you little boy? Nagugutom ka ba?" nag aalalang tanong ni Jam dito. "Konti, pero hindi naman ako sobrang gutom.." sabi nito "How did you survive?" takang tanong rin ni Grey dito At nagsimulang magkwento ang bata. "Nung pagkatapos nun laro natin ng tagu-taguan, kuya Grey, lagi lagi nang may pumupuntang mga agents sa floor natin, ate Jam. Parang lagi sila me hinahanap sa unit mo saka sa unit namin. Pero wala naman sila makita. Akala ko nga nakuha ka nila kasi hindi na kita nakikita dun." kwento nito "They're getting faint traces of me and probably his whenever he cloaks," sa isip ni Grey. "Tapos nun parami na ng parami yun mga agents, nagsi-alisan na rin yun mga kapitbahay natin kasi magulo daw. Aalis na rin sana kami nila mommy, kaso nun paalis na kami, may dumating na mga monsters. Isang panget na big guy, magulo yun hair. Tapos yun isa sobrang tangkad! Abot na ata sa ceiling yun ulo nya!" patuloy nito "Fenrir and Argus." sa isip pa rin ni Grey "Tapos yun isang monster bigla naging wolf! Bigla nya kinalmot si yaya! Kinuha naman ni daddy yun baril nya, pero bigla ito inagaw nun giant na lalaki, tapos bigla dumami yun mga mata nya! Palibot sa ulo nya! Ayun, natakot na ako, nagpunta ako sa ilalim ng kama ko para magtago. Di ba sabi ko sayo, walang nakakakita sa kin pag andun ako sa ilalim ng bed ko. Hindi nga nila ako nakita, pero kinain nila sila mommy at daddy.. huhuhuhu" napahagulgol muli ang bata. "Tama na muna yan, Kenjie. Magpahinga ka muna.." puno ng pagaalalang saway ni Jam dito. Sabay niyakap ang bata na parang naiiyak na rin. "Okay lang po ako ate Jam, kelangan ko maging brave para hindi nila ako makuha. " matapang pero umiiyak pa rin nitong tugon. "Mga ilan beses pa sila nagpabalik balik sa unit namin.. Parang may hinahanap, paamoy amoy pero hindi naman nila makita." pagpapatuloy nito. "Pag wala na sila lumalabas ako sa ilalim ng bed para kumain at mag wiwi at pupu. Tapos pag babalik na sila, nagtatago ako ulit." "Where are you getting all your food?" curious na tanong ni Grey dito. "Nun una, yun food sa cupboard lang namin ang kinakain ko. tapos nun naubos, yun foods naman na naiwan ng mga katabing unit natin. Pati nga food mo ate Jam, naubos ko na rin. Kaso puro junk foods, di ako nabubusog. hahaha" natatawa na nitong sagot. Natawa rin si Jam dito. "Tapos nun naubos na lahat ng food sa floor, bumaba na ako at kumukuha ng foods sa convenience store. Nagiinvisible lang ako para hindi nila ako makita, tapos sumasabay ako sa mga pumapasok para hindi na ako magbubukas ng door. Galing ko noh? Pwede na ba akong side kick mo, kuya Grey?" pagbibida nito "Well, you are a great kid. Very impressive, but you still need to learn a lot so you can join me in fighting the monsters. Can you promise me that you'll do anything that I say so you can get stronger?" hamon dito ni Grey "Siyempre naman! Gagawin ko lahat ng sabihin mo, kuya. At pag malaki na ako at malakas, ako mismo ang tatalo sa mga monsters na yun! Ipapagtanggol din kita ate Jam, wag kang matakot!" pagyayabang nito sa kanila. "Aasahan ko yan ah.. O siya sige, matulog kna muna ulit at mamaya, kakain na tayo. Wag kang mag alala, hindi na junk foods. hahaha" masayang pag alo ni Jam dito Maya maya pa nga ay nakatulog na ulit ang bata. "This kid is really impressive. I can't believe he'd been able to sneak out of a werewolf's keen sense of smell and Argus' eyes that nothing can escape." mahinang sabi ni Grey kay Jam. "We definitely need to bring him to Ronnie," patuloy nito "Pero pagpahingahin muna natin siya, babe.. Baka malungkot na naman siya pag dinala natin siya agad doon.." nag aalala pa ring tugon ni Jam. "Babe? I think I can get used to that.." nakangiting sabi naman ni Grey sabay halik sa dalaga. "Babe.. me bata.." natatawang sabi naman ni Jam. May isang oras pa siguro sila nanatili sa guest room hanggang tawagin na sila ni Tess para kumain. "Hey guys!! Dinner is redi!!!" tawag nito sa kanila. At sabay na nga silang kumain tatlo habang natutulog pa si Kenjie. "This is good!" puri ni Grey habang tuloy tuloy ang kain nito ng ginataang manok na niluto ni Tess "This is a specialty from where I came from. Specialty namin yan, kaya masarap.." magiliw naman nitong sagot kay Grey. "Ang sarap mo pala magluto, ate Tess. Ampunin mo na lng kaya kami." biro naman ni Jam dito. "Pag mayaman na ako, aampunin ko kayong lahat. hahahaha" ganting biro naman nito Pagkatapos kumain ay nagpresinta na si Jam para maglinis ng pinagkainan nila, pero tumanggi si Tess. "Minsan lang ako magkabisita rito, kaya hayaan mo na ako. Kaya nga lagi ako sa labas nakikipag kwentuhan kasi wala akong magawa rito. hahaha" paliwanag nito. Tumuloy na lang ang dalaga sa sala at minasahe ang ulo ni Grey habang nakaupo ito sa lapag, siya naman ay nasa sofa. "Hhhhhmmmmmm.. I can get used to this.. Ang sarap mo mag masahe.." pagtatagalog nito. Natawa lang si Jam at pinagpatuloy ang ginagawa.. Maya maya lang ay nagising na rin si Kenjie kaya pinakain ito ni Jam sa kusina. Matapos ay naghanda na ang lahat para matulog. "Okay na ba kayo sa guest room? Pasensya na, di ko pwede ipagamit yun isa pang room, kina sir yun e. Sa room ko naman, pang isahan lang ang kama." paghingi ng dispensa nito. "Okay lang yun, ate Tess. Si Kenjie na lng patulugin ko sa guest room. Okay na kami dito sa sala, sanay naman kami matulog nang ganito" sabi naman ni Jam dito. "Sige, kayo bahala. Basta wag kayong gagawa ng milagro jan ah.. Remember, someone's watching.. hahahahaha.. Good night!" biro nito bago pumasok ng kwarto. Inihanda naman ni Jam ang tutulugan ni Kenjie at inayos ang bata rito bago muling bumalik sa sala at sumandal kay Grey. Inakap naman ito ni Grey bago hinalikan sa noo. "Goodnight pretty girl.." bati nito bago nagpikit na rin ng mata. "Goodnight babe.." tugon naman ng dalaga. Mga ilan oras na rin siguro silang nakatulog nang may maramdaman siyang humiga sa hita nya. Paglingon nya ay si Kenjie. "Dito na lng din ako, kuya Grey. Ayoko na matulog nang mag isa." sabi nito sabay pikit ng mata. Hinayaan na lang niya ito at itinuloy ang patulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD