The Teleporter Ep 13

1988 Words
The Teleporter EP 13 Halos sabay sabay na lumitaw sa isang corridor ng isang magandang facility sila Grey, Jam, Ronnie, Blue, Black at ang iba pa nilang kasamahang galing sa lugar ni Mang Mael. "You all go ahead to the main hall, I'll just check in the control room and make some preparations," sabi ni Ronnie sa mga kasama. "And for you two, you might want to get dressed first. We are no longer on the beach, you might want to add some more clothes. Our men already took your stuff to your old room, Grey. " Natatawang sabi nito kila Grey at Jam. Bigla naman namula sa hiya si Jam nang mapansin ang suot nya. Isang maiksing towel na nahila nya lang kanina sa pagmamadali. Halos labas lahat ng hindi dapat lumabas sa iksi ng suot nyang towel. Samantalang si Grey ay nakapagsuot kahit papaano ng kanyang board shorts. "I'll see all of you in a bit." pagtatapos ni Ronnie sabay biglang naglaho. Isinama naman ni Grey si Jam pag blink papasok sa isang kwarto. Hindi naman kalakihan ito, pero kumpleto sa gamit. May kamang pang dalawahan, may cabinets, may tv at parang mini library sa isang sulok. May maliit na kitchen island din at mini fridge sa kabilang dako. Saka sariling banyo. "Dito ka nakatira dati? Ang ganda ah.. parang condo.." puri ni Jam dito. "Not really, I don't stay here too much, but this is where I stay whenever we have meetings. I told you, I don't like staying in just one place." sagot naman nito sa kanya. "kahit ako kasama mo?" pilyang biro ni Jam dito sabay lapit ng mukha nya dito. "Hhhhmmmm... Maybe you can change my mind.." sagot naman ni Grey sabay halik sa labi ng dalaga. Dinakot ni Grey ang magandang puwitan nito sabay buhat. Saka niya naalala na walang panloob ito. "Hheeeyyy... What do we have here? You've been ready for me, have you?" Pang aasar ni Grey dito "Sira! Wala lang talaga ako nakuhang damit kanina sa pagmamadali ko, di ba hinablot ako ni Vlad? Tas di mo ako iniligtas?" birong pang aasar naman ni Jam dito. Biglang parang nalungkot naman si Grey at ibinaba ang dalaga ng marahan. Sabay talikod dito. "Sorry that I was not able to save you from them.. I am pathetic.. They were right.. I am so weak.. Maybe I don't deserve to be with you." Malungkot nitong sabi. "Heyy... sorry, joke lng yun.. Please don't say that.. Have you forgotten how many times you've saved me already?" malungkot ding tugon ni Jam sabay yakap dito mula sa likod. "If you think you're weak, paano pa ako? Wala na ako ginawa kundi umasa sayo.. Kung wala ka nga, baka matagal na akong nakuha ng sector 13.. Or nang mga kalaban.. Or worst, baka patay na ako.." patuloy nito. "You are the reason why I am still here.. And kung bakit pinipilit kong intindihin at tanggapin lahat nang ito.. Kung bakit sinusubukan kong aralin ang kapangyarihan ibinigay sa kin, kahit wala naman akong ka ide-ideya tungkol dito.. It's all because of you, Grey.. Andre.. I want to be beside you when all of this is done.. Gusto ko kasama kita hanggang sa dulo ng walang hanggan.. Please do not second-guess what you can do.. Don't ever think that you cannot do what you are destined to do.. I believe in you.. I really do.. I trust you with all my heart.. I love you, Grey.." umiiyak nang wika ni Jam. Parang natauhan naman si Grey sa narinig mula sa sinisintang dalaga. Kinabig nya ito paharap sa kanya at saka niyakap ng buong higpit. "Thanks, Jam.. I promise that I will do everything in my power to protect you.. If that means that I have to get stronger, sooner, I'll do anything to be just that.. If I have to give my life, just to be sure you are safe.. I'll do everything for you.. I love you Jam.." seryosong pangako nito sa dalaga. "I know you will.. Thank you, Grey.. I love you too.." umiiyak pa ring pagtatapos ni Jam. Mga ilan minuto pa silang nanatiling magkayakap hanggang kusa nang bumitaw sa isa't isa. "Well, we'd better get dressed, or with those little clothes you have on, we might be late for the meeting." pilyong biro ni Grey sa dalaga. "Ang manyak mo talaga!" natatawang sagot naman ni Jam sabay kurot sa tagiliran ng binata Pagkabihis ay magkahawak kamay na silang naglakad patungo sa main hall. Pagdating doon ay namangha si Jam sa nakita nyang iba't ibang klaseng tao at nilalang na nakapalibot sa isang napakahabang mesa. Nakaupo si Ronnie sa pinakadulo ng table, bilang siya ang may-ari ng lugar. Nasa kaliwa niya ang isang parang nagliliwanag na nilalang na may matutulis na tenga, engkanto yata ito. Sa isip ni Jam Sa kanan naman ang isang babaeng halos hindi mo mawari ang tunay na kaanyuan dahil halos see through ang katawan at ang suot na saya nito. Kasunod naman ng mga ito ang iba pang nilalang. May Kapre, Tikbalang, Nuno, Duwende, at Balbal... Sa kabila naman ay may Siyokoy, Bangkilan na aswang, Tamawo at Agta. "Just like what I've said, we have to form an alliance to get ready for the upcoming invasion from the west," pahayag ni Ronnie. "Madaling sabihin dahil maganda ang iyong layunin. Subalit paano naman namin masisiguro ang kapakanan ng aming lahi kung minsan na kaming nalinlang nang mga mapang samantalang uri?" may pagaalinlangan tanong ng Engkanto "Tama siya! Paano kami mag titiwala sa mga taong basta na lamang pumapaslang ng aming uri, dahil lamang sa kami'y mga aswang?" sunod naman ng Bangkilan, sabay tingin sa grupo ng mga taong sa tingin ni Jam ay mga albularyo. "Hindi kami pumapaslang ng ibang uri dahil lamang sa kanilang lahi. Malamang ay may ginawang hindi maganda ang iyong kauri kaya siya'y aming kinitil." sagot naman ng Albularyo "Talaga ba? Nagpapatawa ka! Nakalimutan mo na ba ang ilang ulit niyong pagpapalayas sa aming mga kaanak mula sa mga tahanan naming puno, dahil lamang may nasaktan na iisang tao. Kahit hindi naman kami ang dahilan.." malakas namang sabi ng Kapre. "At paano naman ang nasawi kong anak na pinaslang ng mga Siyokoy sa ilog? Nagiisa siya't walang laban, pero siya pa rin ay inyong tinuluyang kitlan ang buhay." me galit na salita ng Tikbalang. "Alam mo ang buong dahilan kung bakit umabot sa ganoon, kaibigan kong tikbalang." sagot naman ng Siyokoy. "Sila ay umibig sa nag iisang dalaga." patuloy pa nito. "HINDI PA RIN IYON DAHILAN PARA LAGUTAN NYO SIYA NG HININGA!" galit nang sigaw ng Tikbalang. At nagkanya kanya nang pagtatalo ang mga nilalang sa loob ng bulwagan. "This is going nowhere," mahinang sabi ni Blue. "We do not have a chance to fight back unless we can get them to cooperate," mahina ring sabi ni Black. Mahina namang tumango ang isa pang naka Red na teleporter. Maingay na sa loob ng bulwagan dahil sa sigawan ng mga magkakaaway na pangkat. Nang biglang magsalita ang isang matandang nasa isang sulok. "Ang masasakit na salita at sugat ng nakaraan ay hindi mabubura ng panibagong mga marka.. Ang mga buhay na nawala ay hindi na maibabalik pa.. Subalit kung ang nais ninyo ay ang magkaroon nang susunod pang henerasyon ang inyong mga nasyon.. Kailangan nating tanggapin na kailangan natin ang isa't isa.. Matuto tayong magpakumbaba at magpatawad.. Magparaya sa nakaraan.. Yan ang ating magiging pundasyon.." matalinhaga nitong salita Natahimik naman ang lahat. Parang ninanamnam ang salita ng matanda. "Ipagpatawad mo, kaibigang Puti. Hindi ko kayang makipagtulungan sa ibang uri dito. Aalalay kami para mapangalagaan ang aming teritoryo, pero hindi namin kailangan ng tulong ng mga iba rito. " matigas na pahayag ng Kapre "Kami man ay ganyan ang saloobin. Makakaasa kayong ipagpapatuloy namin ang pagbabantay ng gubat, ngunit hindi namin kelangan ng tulong ninyo. " sagot naman ng Tamawo "Sinubukan na naming makipagtulungan noon, pero puro kamatayan at pagkakalinlang lamang ang aming napala. Hindi rin kami sasali." ang Balbal "Kami rin. Ayaw na namin makigulo pa. Masyado na kaming maraming kaaway para magdagdag pa." matinis na paliwanag naman ng Duwende. "Aalis na kami" paalam nito At sunod sunod na rin nawala ang mga hindi sumang ayon sa layunin ni Ronnie. Katahimikan ang sumunod.. "Nakahanda akong tumulong sa inyong layunin protektahan ang mga lupaing ito, Kaibigang Puti. Pero hindi ko maipapangako na kaya kong makipagtulungan sa ibang mga uring nandirito." pahayag ng Engkanto. "That's a start. We can work with that. Thank you." nakangiti namang sagot ni Ronnie "Ganoon din ako, Ginoo, sampu nang aking mga kasama" sagot naman ng Bangkilan. "Gamitin nyo ang aming mga binti at palaso, para sa layuning ito." pag sang ayon ng Tikbalang na kilala sa kanilang kakaibang bilis at dalubhasa sa pag pana. "Makakaasa kayo sa pakikipagtulungan naming mga laman lupa" ang Nuno "Para sa kapayapaan." ang mga albularyo "Sa amin ang dagat at mga ilog. Makakaasa kayo sa tulong namin. Pagpalain nawa tayo ng aming Reyna." pahayag naman ng Siyokoy "Thank you! Thank you all that remained here. I promise to do everything I can to device a plan that would work for everybody. " taus pusong pasasalamat ni Ronnie sa mga naiwan para tumulong "How about you, my lady of the skies?" tanong nito sa katabi nyang babae. "Alam mong hindi kami basta basta nakikiapid sa kaguluhan ninyo. Ako ay isinugo lamang ng aking Reyna para magmasid at mag-ulat." tipid nitong sagot. "I see. Well, let's start, shall we?" pag sisimula nito sa pag iisip ng plano. "Well, at least we got something to work with.." mahinang bulong ni Blue. "This is not enough. If the lesser evils rise up from hell, these allied forces wouldn't be enough to stop them. I'll go west and see if I can have some of our old acquaintances join us." Mahinang sagot ni Black. "I'll see if I can convince our allies from the far east to fight with us.." Si Red naman "I'll go and see if I can get the monks to play along." Sumali na rin si Orange sa usapan. "And you, Grey, better do what the Queen of the Seas told you to do, bring this beauty to her roots and see if you can get better. The stronger you become, the better chances we have of defeating the dark forces." Seryosong payo naman ni Black kay Grey. Matapos ang pagpupulong ay lumapit ang Engkanto kina Jam at Grey. "Nararamdaman ko ang presensya ng Inang Reyna sa iyo, binibini. Isa ka ba sa kanyang pinagpala? Ikaw ba ang aming Prinsesa?" tanong nito kay Jam Hindi naman makasagot si Jam dahil kahit siya ay hindi sigurado sa sasabihin. "We're about to find out." Salo naman ni Grey dito. Tumango naman ang Engkanto tanda ng pag sang ayon. "Kilala kita mula nung bata ka pa. Ikaw lamang ang pinapayagan ng Reyna na pumasok sa kanyang hardin para maglaro kasama ang iyong mga kaibigan." magiliw nitong kwento. "AAhhh kaya pala hindi makita ng mga kalaro ko yun pinagdadalhan ko sa kanilang maganda lugar, hindi pala tlga iyon parte ng gubat.." sa isip ni Jam "Inaasahan ko ang muli nating pagkikita." huling sabi nito sabay marahan nang lumakad palabas ng bulwagan. At muli na rin bumalik sila Jam at Grey sa kanilang kwarto. "So I guess we have no choice but to get you back home," wika ni Grey. "Parang ganun na nga. Tawagan ko lang muna sila nanay at papa para hindi naman sila mabigla pagdating natin. Makapagpaayos na rin kahit paano. Nakakahiya itsura ng bahay namin doon." sagot naman ni Jam. "Don't bother. I am used to sleeping anywhere, even abandoned places, remember?" Nakangiting sabi ni Grey. "As long as you're there with me, that would be the nicest place on Earth." dugtong pa nito. "Oohh Grey.." kinikilig na sambit ni Jam sabay yakap sa binata. Matapos nga iyon ay naghanda na ang dalawa para sa pag-uwi nila kina Jam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD