The Teleporter EP 12
Pagsilip nga ni Grey sa bintana ay kumpleto ang mga halimaw dito.
Si Fenrir - The prince of Werewolves. Naka anyong tao man ito ay kayang kaya nitong mag palit ng anyo sa isang kisap mata. Isa sa pinaka mabilis na nilalang na kayang pumatay ng isandosenang tao sa loob lamang ng ilang segundo. Taglay rin nito ang isa sa pinakamalakas na pang amoy sa kasaysayan kaya wala kang kawala dito kung nais mo siyang pagtaguan.
Si Afanc - The Welsh monster na kayang magpalit anyo bilang isang tanong buwaya. Wala man itong kakaibang kapangyarihan, nagtataglay naman ito ng superhuman strength na patuloy na lumalakas habang ito ay lalong nagagalit.
Si Argus - Standing at 8 ft tall, hindi pa siya nagpapalit anyo nito. Ang higanteng mayroong isandaang mata kaya hindi mo siya malilinlang. Kahit mag invisible or cloak ka ay nakikita ka niya. Nagtataglay rin ito ng superhuman strength at kaya nyang palakihin ang sarili, depende sa taglay nyang enerhiya.
At si Vladimyr - Hari ng mga bampira. Hindi maipagkakaila na ang lakas nito ay natatangi sa kanilang lima dahil sa dami na nang napatay nitong mga tao at pagsipsip sa life essence ng mga ito. Kahit magtulong ang tatlong nauna ay hindi mananalo sa labanan dito.
"T-this is bad.. We got no chance of winning against the first three, let alone the king of vampires?!" kinakabahang isip ni Grey.
"Are you ready to talk, Andre de Gracias? Or should I call you, the Grey?" pasimula ni Vladimyr.
"I really don't want to create chaos in such a beautiful place. I am hoping we can have a peaceful conversation tonight." Malumanay nitong dugtong.
Napilitan lumabas ng kubo si Grey, pero hawak pa rin nya sa likod nya si Jam na parang kanina pa hindi malaman ang gagawin sa mga nakikitang halimaw.
"What do you need, Vlad? I have no beef against you, nor do I have any of the weapons you seek." Tanong ni Grey dito.
"I know.. I just want to be sure that you and your likes will not interfere with my plans in these lands.. I also do not want any trouble with you." Paliwanag nito.
"I'll give you a week to move your team and your friends out of here. Or else, I will destroy you and everything you see around you. Including that beautiful girl.." patuloy nito.
"By the way, who's that girl with you? I knew I've felt this aura before, I just can't remember from whom.." Kunot noo nitong pagtataka.
"AAhhh.. I remember now.. the great Queen of the Woodlands here.. Oh, I miss her soothing voice.. Too bad she wouldn't take anything I offer. I would love her to be my wife." Pag alala nito sa nakaraan
"Are you her child? No wonder you're so beautiful, my dear.. You're a daughter of a goddess.. I can definitely feel that healing aura you have inside of you.. Too bad you can't control it.. You could easily become so much stronger if you do.. The power to preserve lives.. Such a great power..." patuloy nito
"And what if I say no? I can't let you destroy this land, just to get your way.. " Matapang na putol ni Grey dito.
Bigla bumalasik ang mukha ni Vladimyr, biglang nagmukahang demonyo.
"AND WHAT WOULD YOU DO ABOUT IT??!!" biglang singhal nito kay Grey.
Kahit si Val na kapatid nito ay napaatras ng bahagya, halatang takot rin siya dito.
At biglang bumalik ang malumanay nitong anyo saka nagpatuloy sa pagsasalita.
"You know you can't do anything about it, Grey.. You can barely take on one of my commanders here, let alone my sister and me.." anito sabay tingin ng malagkit sa kapatid nya na para namang kinilig sa tinuran ng bampira.
"I may not, but I will not allow it, nevertheless. Have you forgotten who gave us our abilities?" Palala nito sa hari ng bampira.
"Ahh.. The almighty.. The god of gods.. The creator of heaven and hell.. Yes, I know him well." sagot nito.
"But you also realized that it has been thousands of years, maybe eons, since he last made himself felt in this world..
Maybe he abandoned this world already.. Maybe he moved on to better things to do.. Maybe he has created a new world to play with, and does not care about this one anymore..
Nevertheless, this world needs a new king, and who would that better be than ME! Vladimyr Valentine. THE KING OF VAMPIRES. And soon, the KING OF KINGS.." nakangisi nitong pahayag.
"You might be the strongest among mortals, but do you really think that the other gods will just let you take the throne, just like that?" Tanong ulit ni Grey.
"Sharp as always, Andre de Gracias.. But you missed something. Why do you think I am here now? Where are the gods of the West who're supposed to keep us from invading other lands?" Nakangisi nitong tugon.
Napangisi rin ang mga ibang kasama nito.
"Yes, Grey, I subdued them all already.. Trapped in their lairs like common pets.. With the help of the demons." pahayag nito sabay kumpas ng kamay.
Naglitawan sa paligid ang napakaraming demonyo nag natutuluan ang laway at parang hayok na hayok sa pagpatay.
"SHITT.. How did he manage to get them to his side? Demons aren't supposed to help others but themselves," sa isip ni Grey.
"Great question, Grey." parang nababasa naman nito ang nasa isip nya.
" It's simple, I promised them these lands to rule once I am done with it. This, of course, is so much better than hell. HAHAHAHAHA" umaalingawngaw na tawa nito.
Napansin na rin ng mga tao ang nangyayari sa labas, pero dahil sa takot ay wala ni isa man ang nangahas na lumabas sa mga bahay nila.
Kinakabahan man ay naghanda na si Grey na i-blink si Jam sa ligtas na lugar. Pero bago pa man siya nakakilos ay nagsalita nang muli ang hari ng bampira.
"Don't bother, Grey. As we speak, we have the agents of Sector 13 surrounding this area with their weapons. You won't be able to get far from here." Natatawa nitong sabi.
"You know, I am disappointed in you.. I gave you a great deal so nobody gets hurt, then you turned me down. I did this cause I know you and my sister had a past, but you shut me off my face." Salita ulit nito.
"Maybe I'll just end you here right now." biglang bumalasik muli ang mukha nito.
Para namang maiiyak sa takot si Valeria dahil dito.
Sabay wasiwas ng isang kamay nito at tumilapon bigla si Grey sa mga bahayan, palayo kay Jam.
"Greeeyyyy!!!" nagaalalang sigaw ni Jam.
"Telekenesis. I didn't know he could do that, too.. He's really strong.. I got to take pretty girl away from here." isip nya ulit.
Nang biglang..
"Pssssttt, pogi!" Puswit ni Mang Mael kay Grey habang nakasilip ito sa siwang ng bintana ng bahay nya.
"Gamitin mo ito." sabi nito sabay hagis sa kanya ng isang parang hugis Kris na punyal na may mga nakasulat na alibata rito.
"Yan ang Punyal ng Gunong. Pinaniniwalaang gamit ni Lam-ang sa pangangaso noon. May taglay rin yang kapangyarihan, baka makatulog sa yo." mahina nitong paliwanag.
"S-salamat po.." sagot naman ni Grey kahit na pilit ang tagalog.
Naramdaman niyang papalapit ang isang demonyo sa kinatatayuan nya. Bigla naman siya nag blink papunta sa likod nito sabay saksak ng punyal sa dibdib nito.
"Aaarrrrrggghhhhh.." sigaw ng demonyo habang dahan dahang natupok na animo'y nasunog sa pagkakasaksak ng punyal dito.
"Holy smokes! This dagger can cut through demons like butter, and it seems like it has the essence of a celestial weapon that can burn demons!" naisip ni Grey
Nag blink pa siya ng ilang ulit palapit sa iba pang demonyo at sunod sunod itong mga naglaho pagkasaksak nya sa mga ito.
"Hhhhmmm.. so you got a new toy.. Let's see what that can do against Afanc.." sabi nito sabay senyas sa halimaw na sumugod.
Nagpalit ito ng anyo bilang taong buwaya sabay sugod kay Grey.
Nagblink naman agad si Grey sabay saksak sa tagiliran ng halimaw ng punyal.
"Tcchhhllunk!" tunog ng patalim na hindi man lang nakagasgas sa kaliskis ng halimaw.
Sabay dakot ng halimaw sa leeg ni Grey at itinaas ito na handa na itong tapusin.
"Do want to die?" biglang litaw naman ni Val sa likod nito.
Para namang natauhan ang halimaw at inihagis si Grey sa tabi.
"Valeria! Do not interfere! Come here and hold this beauty for me." utos ni Vladimyr dito sabay abot kay Jam dito.
Wala naman nagawa ang prinsesa ng bampira at sumunod ito sa kapatid nya.
Hawak nya sa buhok si Jam at parang baliw na inaamoy amoy ito.
"You really do smell nice, my pretty.. I wonder if your blood is as tasty as you smell." Nakangiti nitong sabi.
Muli na sana dadamputin ni Afanc si Grey nang biglang sumulpot si Black sa harap nito sabay suntok dito. Tumilapon sa may di kalayuan si Afanc, pero agad din naman tumayo at nagpagpag.
"And who do we have here? The legendary Black.. I assume you are here to help your friend." Parang naexcite na salita ng hari ng bampira
"We are not alone. "Maikling sagot nito.
At halos sabay sabay na naglitawan ang mga kasamahan nila sa harap ni Grey. Mahigit sampung mga teleporter ang nasa harap ngayon ng hari ng bampira.
"Impressive.. Who would've thought that you still have the decency to work together after the great chaos of the old wars?" natatawa nitong salita
"We work together for our future. Not for anything else." walang emosyon sagot ni Black dito.
"You know that even with all of you combined, you don't stand a chance against me, right?" Nakangisi nitong tanong.
"But that doesn't mean we can't try. " Matapang na sagot ni Black sabay blink sa direksyon ni Valdimyr.
Kaso ay bago pa man siya makaatake dito ay hawak na nito ang isang braso nya at walang kahirap hirap siya binuhat.
Sabay suntok sa tyan ni Black na nagpasuka rito ng dugo, saka ito ibinalibag pabalik sa hanay nila.
"You're weak. All of you are. I am getting bored, I guess it's time to end this now." pahayag nito. Sabay senyas sa mga halimaw na simulan na ang pag atake.
Bago pa man magsalpukan ang dalawang pangkat ay biglang parang nanginig ang kinatatayuan nila.
Pagtingin nila sa dagat ay parang me tsunaming biglang umahon mula dito at dumiretso sa kinalalagyan ni Jam.
Walang kahirap hirap nitong inanod palayo si Val, habang itinaas naman sa ibabaw ng alon si Jam.
"BITAWAN MO ANG ANAK NG KAPATID KO, MARUMING NILALANG!
Wala kang karapatan hawakan ang isang supling ng Reyna ng Kabundukan." Dumadagundong na wika ng hindi nila nakikitang nilalang.
"Umalis na kayo rito kung ayaw nyong ipakain ko kayong lahat sa dagat!" babala nito sa mga dayuhan.
"Let's take them, boss. We can take them.. " Matapang na wika ni Fenrir
"Maybe we can, but that would take too much toll on us, and this is not what we came here for," sagot naman ni Vladimyr.
"I might be able to take the Deity one-on-one, but I might not have enough strength left to get what I need." Sabi sa isip nito.
"LET'S GO!" Malakas na utos nito at ikinumpas ang kamay.
Sabay sabay na naglaho ang mga demonyo sa paligid.
Tumalon naman si Val ng mataas at naging usok itong itim na lumipad papalayo.
Ikinumpas namang muli ng hari ng bampira ang kamay nito at isinama sa pagiging usok ang tatlo pang halimaw bago lumipad iitong palayo.
Nang masigurado naman wala ang mga kalaban ay marahang inilapag ng Reyna ng Karagatan si Jam sa buhangin.
"Mag iingat ka, prinsesa. Maraming magnanais na ikaw ay makuha dahil sa kapangyarihan mong taglay.." babala nito kay Jam.
"At ikaw naman, lalaki! Ang lakas ng loob mong kunin ang Prinsesa ngunit wala ka namang lakas para ipagtanggol siya! Anong klase kang tagapag ligtas?" bulyaw nito kay Grey.
"Nararamdaman ko ang kapangyarihan ng dakilang may likhang nananalaytay sa katawan mo, tulad din ng iba rito, subalit paano mo ito gagamitin ng wasto kung hindi mo ito pag iibayuhin?" patuloy nito
"May potensyal kang maging pinaka malakas, mas malakas pa sa inaakala mo, pero kailangan mo munang makilala kung sino ka bang talaga.
Samahan mo ang Prinsesa sa kanyang kinalakhang tahanan. Doon ay maari mong makita ang aking kapatid. Kung papasa ka sa kanyang pagsubok ay maari ka nyang tulungan para gisingin ang natutulog na ikaw sa kalooban mo." pagtatapos nito.
Sabay dahan dahan bumalik ang tubig sa dagat at naging payapa na itong muli.
"WOW! That is something!" Nakangiting sabi ng naka White na suit, white pants at white shoes na matangkad na lalaki. Kahit ang buhok nitong naka pony sa likod ay kulay puti.
"I don't think I need a proper introduction. I am White. But the team calls me Ronnie." Pagpapakilala nito kay Jam.
"I am glad to finally meet you." masiglang bati nito sabay abot ng kamay kay Jam.
"M-m-me too.." parang nahihiyang sagot ni Jam.
"HGGGWaaaakkkk!!" suka naman ni Black ng dugo.
"Uh oh. You don't look too good. In your state, it might take you a good week before you're up on your toes again." Sabi naman ni Blue na lumapit kay Black.
"L-ll-let me try.." Parang natatakot na sabi ni Jam
"Don't worry, I don't bite. " nakangisi namang tugon ni Black.
Hinawakan ni Jam ang tyan nitong butas at umaagos ang dugo. Ang isa naman nyang kamay ay inilagay nya sa may dibdib nya na parang may pinakikiramdaman.
Walang anu-ano'y biglang umilaw ang dibdib nya nang parang kulay purple na dahan dahang bumalot sa kanilang dalawa ni Black.
Patingkad ng patingkad ang ilaw habang dahan dahan naman naghihilom ang sugat sa tyan ni Black..
"Amazing.. This is the first time I've seen such a healing ability.. So these are the abilities of a deity." mahinang bulong ni Ronnie
Parang nanghihina ulit si Jam, pero ikinumpas niya ang kamay nya patungo sa direksyon ng mga puno at bigla ring parang umilaw ang mga ito at nagkaroon ng parang lubid na pumulupot sa kamay at katawan ni Jam, papunta sa katawan ni Black.
Dahan dahan na rin siyang lumutang dahil sa kapangyarihang natatanggap galing sa mga puno..
Nagmistula siyang diwata sa gitna ng kakahuyan..
Hanggang tuluyan nang naghilom ang sugat ni Black, ni peklat ay wala kang makikita rito.
Saka lamang marahang bumaba sa pagkakalutang si Jam at saka nagmulat ng mata.
"H-how are you? " parang me takot pa rin, pero nag aalalang tanong nito kay Black.
"I'm good now, thanks. I feel like even my energy has been restored. You are one amazing healer, I'll give you that." pagpapasalamat nito sa kanya
"And I am sorry if I scared you the last time. Grey can be so stubborn sometimes that you have to put him in situations like that for him to listen." Natatawa nitong sabi.
"Yes, I know." sagot ni Jam na ikinatawa naman ng lahat.
Maya maya ay lumapit sa kanila si Mang Mael.
"Ayos lang ba kayo mga iho? Ngayon lang ako nakakakita ng mga ganung nilalang dito sa lugar namin. Sanay naman kami sa mga aswang at maligno dito, pero ngayon lang ako nakakita ng ganoong kadaming demonyo." salita nito.
"Here's your knife back po.." balik ni Grey sa punyal
"Ay sayo na yan, It's all yours. Matagal ko na yan ginagamit sa pang gagamot dito, pero sa tingin ko, mas magagamit mo yan sa pakikipaglaban nyo. Pagpalain ka sana ng mga anitong niyang gabay.." saby itinulak nito pabalik ang kamay ni Grey na may hawak sa punyal.
"Dito na kayo dumaan sa kabilang isla, maraming ikinabit na aparato ang mga naiwang tauhan jan sa daraanan nyo, baka hindi kayo makagalaw ng wasto." sabi nito na ang tinutukoy ay ang mga agents na nagkabit ng mga disruptor sa paligid.
Naglapitan pa ang ibang taga roon at nag alok ng kani kanilang bangka para maihatid ang mga ito sa kabilang isla para doon mag blink.
Inabutan naman ni Ronnie ng isang bungkos na pera si Mang Mael bago sila magpaalam dito.
"Naku iho, hindi kami tumatanggap ng bayad dito, kusang loob kami kung tumulong, kagaya ng mga ninuno at mga kanuno nunoan pa namin." pag tanggi nito.
"This is not payment for what you did tonight, Mang Mael. This is for you to be ready for the upcoming battle that may come this way. This is to help you to be prepared to defend yourself, in case it gets here." Nakangiting sagot naman ni Ronnie.
"Ay ganun ba, e kung ganun ay maraming salamat. Makakatulong ito ng malaki para makakuha kami ng mga gamit na pwede naming ipang depensa kung sakali man." pagpapasalamat nito
Matapos magpaalam ay kanya kanyang blink na rin sila. Magkaakbay na sila Grey at Jam nang sabihan sila ni Ronnie.
"Let's meet at my place first. The Elders and the Entities are waiting. We need to make plans." Seryoso nitong sabi sa dalawa.