MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Sirak sa ere habang nakaupo siya sa harap ng kaniyang vanity table. Muli niyang pinunasan ang mga luhang naglalandas sa kaniyang pisngi. Kagabi pa siya panay iyak. Hindi na tumigil ang mga luha niya. And now, isang oras na lang ay ikakasal na siya kay Dustin. Isang oras na lang ay tuluyan na siyang mawawalan ng pag-asa na muling makabalik sa lalaking mahal niya. Mabigat ang kaniyang kalooban, pero wala siyang magagawa. Ayaw niyang masaktan uli ang kaniyang mama kung hindi niya susundin ang gusto ng Papa Arnaldo niya. Kaya kahit labag sa kaniyang puso na gawin ang bagay na habang-buhay niyang pagsisisihan, she has no choice. “I’m sorry anak!” naluluhang saad ni Magdalena. Tumungo naman siya at muling humugot nang malalim na paghinga. Nang mag

